Chapter Eleven: Dapithapon

Start from the beginning
                                    

     "Apo, 'wag mong sabihing ngayon ka pa aatras? Nakaimpake ka na kagabi pa lang di ba? Tsaka 'wag mo kong alalahanin dahil nandito naman ang ate Nina mo." 

     "Pero Lola, ayoko namang i-asa sa inyo si Gigi. Habang naghahanap ng trabaho si ate, gusto ko sanang ako ang magbantay sa kanya."

     "Hay naku Ginny, ano ba tingin mo sa Lola mo? Mas gusto kong meron akong ginagawa kaysa naman sa nakatunganga lang ako. Eksperto ako pagdating sa mga bata kaya sana hindi mo pagdudahan ang kakayahan ko."

     "Lola, hindi naman po sa ganoon-"

     "Ano pa ang hinihintay mong bata ka? Lumarga ka na."


     Limang oras lang dapat ang biyahe mula Cavite papuntang Nueva Ecija pero dahil sa matinding trapik sa Maynila ay papalubog na ang araw nang sila ay makarating sa Hacienda Dela Fuente. Walang hanggang berdeng palayan ang kanilang dinaanan bago sila makarating sa isang malaking tarangkahan. Mula sa trangkahan ay napakagandang hardin ang makikita, tila ba bumabagay sa magkahalong kahel at indigo na kulay ng langit. Nanlaki ang mga mata ni Ginny nang makita niya kung gaano kagara at kalaki ang isang puting villa na nasa dulo. Meron itong tatlong palapag at tanaw ang isang malawak na balkonahe, tila ba isang maliit na bersyon ng palayso ng Malacanang. Napatingin siya sa kanyang katabi na kanina pa pala nakatulog. Hindi niya inakalang sa ganitong klaseng kapaligiran lumaki ang isang tulad ni Jordan. Pero dahil sa laki at lawak ng lugar, hindi na rin siya na-surpresa kung bakit mas pipiliin nito na tumayo sa sariling mga paa. Sa ganito kalaking lugar, hindi madaling patunayan ang iyong sarili, at malamang mahirap ding gawin kung ano ang mas ikasisiya mo. Naisip ni Ginny na mas mabuti siguro kung tanungin niya mismo si Jordan kapag nagkaroon ng pagkakataon. 

     "Nandito na po tayo sir, ma'am." sabi ng drayber na nangangalang George. Tinapik ni Ginny si Jordan na siyang ikanagising nito. 

     "Nandito na pala tayo." nakasimangot nitong tugon. Pagkalabas pa lamang nila ng sasakyan ay sinalubong na sila ni Martha, ang mayordoma ng hacienda. 

     "Welcome back sir Jordan!" bati nito. "Tingnan niyo nga naman, matapos ang limang taon ay nagbalik na rin kayo dito sa wakas! Kumusta na po kayo?" Tatlong dekada nang naninilbihan si Martha sa pamilya Del Fuente, ngayong siya ay nasa sesanta anyos na ngunit aktibo pa rin sa mga gawain sa loob ng hacienda. Bagong tina ang kanyang buhok, kung kaya naman tila nabawasan ang kanyang tunay na edad ng sampung taon.

     "Okay naman ako Martha, limang taon pero parang walang nagbago sa hitsura mo ah! Kumusta ka na? Fiancé ko nga pala, si Ginny." 

     "Hi Ma'am Ginny! Kumusta po kayo? Welcome po sa Hacienda Dela Fuente!"

     "Ginny na lang po, hindi na po necessary ang ma'am." anito. 

     "Ah sige Ginny, iha. Congratulations nga pala sa magiging anak niyo ni sir Jordan! Sa wakas magkakaroon na naman ng bata dito." anito na tila ikinasama ng pakiramdam ni Ginny. "Halina kayo, siguradong pagod kayo sa biyahe. Hinanda at inayos namin ang dati niyong kuwarto sir, pero pinalitan namin ng mas malaking kama. Magpahinga muna kayo tapos dumiretso na kayo sa dining." anito. Nang sila ay makapasok sa loob ay napansin agad ni Ginny ang engrandeng disenyo ng buong kabahayan, bigla tuloy siyang nahiya dahil sa suot niya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa isang lugar na katulad nito.


     "Jordan," simula ni Ginny nang nasiguradong sila na lamang dalawa ang nasa loob ng kwarto. "Hindi mo naman sinabi sa akin na ganito ka-engrande ang hacienda niyo. Sa tingin ko ay hindi ako bagay dito, parang hindi ko na kayang magsinungaling."

     "Ginny, hindi ka puwedeng mag-back out ngayon, it's too late. Nandito na tayo. At isa pa ikaw ang magiging kahati ko sa lahat ng ito, kaya mas makakabuti kung magtulungan na lang tayo."

     "Pasensya ka na, hindi ko talaga 'to matatanggap. Ayokong habambuhay makonsensya dahil unang una, wala ka namang dapat panagutan sa akin."

     "Puwede bang huwag mo nang banggitin ang tungkol sa magiging baby natin. Hindi na importante kung saan siya nanggaling o kung ano man ang katotohanan. Itatak mo sa isipan mo na ako, at ako lang ang ama niya. Wala nang iba."

     "Pakiramdam ko kasi hindi ko naman deserve ang lahat ng ito-"

     "Bakit ba napakahilig mong mag-self pity Ginny? You worry too much about things that do not matter at all. Oo, hindi madaling tumira sa bahay na ito, at siguro kapag nagtagal ka pa dito, malalaman mo rin ang tunay na dahilan kung bakit mas pinili kong maging independent. Pero matatanda na sina grandma at grandpa. Maybe if we both choose to stay, sa tulong mo, baka magkalapit na kami ng loob, baka maayos na kung ano man ang meron sa nakaraan. If we choose to stay, maaayos natin ang lahat sa mga buhay natin." Napalunok si Ginny, hindi siya nakaimik. "Let's do this together, let's be a team," dagdag ni Jordan. 


Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now