Bra 3

89 1 0
                                    

"Please po Maam, bigyan nyo pa po ako ng time *hik*hik* Gagawin ko po ang lahat wag nyo lang po ako alisin dito *hik*hik* Ang Harves nalang po ang tanging pag asa ko."

"I don't know Ms. Versales.. But this is the last chance that I could give you. If you fail this time, I'm sorry but I need to.."

"Maam! Thank you! Thank you po talaga. Promise po, I will not fail this time."

Hindi pa man nakakatapos magsalita ang principal nagsisisigaw na sa tuwa yung babae. Hinug nya pa nga ang tuhod ni prin. Na agad din namang inalis nito at sinaraduhan ang pinto ng office leaving the girl still on her knees.

Iimik sana ako ng bigla itinaas nung babae yung kamay nya sa ere at nagparty-party! ( Yung gesture ni Vice Ganda pag nagpaparty- party, ganon ang ginagawa nya ngayon!)

Anong problema ng babaeng to? Geez, weirdo. At hindi lang yun ha, tumayo na sya at pinagpagan ang pwetan nya at tuhod saka nagtatatalon! Nagtatalon, nagpapapadyak, nag chacha pa nga! Is that you Ryzza? =)

Kanina drama show pinapanuod ko, ngayon naging freak show na! Pero nag eenjoy akong panuorin to! Natatawa na nga ako, pinipigilan ko lang kasi ayoko masira moment nya.

Umikot-ikot pa sya then nung napatapat sya sakin, natigilan sya. Napansin nya na atang nasa likuran nya ako habang ginagawa nya mga kabaliwan nya. Haha!

Pinipigilan ko parin tawa ko. Baka isipin nyang pinagtatawanan ko sya kahit totoo naman.

Unti- unting nanlaki ang mata nya tapos tumungo. Ang kyut nya.Haha

"Uhmm.... nakita mo ba?.." She asked with an embarassed voice. I think she is pertaining to her freak show.

"Yes." Plain kong sagot tapos nagsmile ako kahit di nya kita.

"Iabot mo sakin." Iabot ang alin? Ako ba kinakausap nya?

"What?"

"I said iabot mo sakin." This time medyo madiin na boses nya. Pero di ko talaga gets sinasabi nya.

"I don't get it." Nakaupo parin pala ako at sya nakatayo sa harapan ko. Kami lang dalwa at that hall.

"SLOWPOKE! SABI KO IABOT MO SAKIN YANG BAG KO NA INUUPUAN MO!!"

Napakapa naman ako sa likod ka at yun may red na shoulder bag nga na inuupuan ko. Bat diko man lang napansin yun? -_____- Pero ano daw sabi nya?! Slow ako?!!

"HOY MISS! I'm not slow! Ang bulok mo kasi magpaliwanag! Hindi mo nililinaw! Oh bag mo!"

Nakakainis tong babaeng to! Sa lahat naman ng sasabihin, yung slow pa!

Naglakad ako papunta sa kanya. Magkaharap kami pero di ko padin makita ng ayos mukha nya.

Hinablot nya yung bag sakin at isinabit sa right arm nya. Napatingin ako sa tuhod nya, may gasgas gasgas. Ano yun nakuha nya sa kakaluhod kanina?

"Ngayon tumalikod ka."

Ano ako dito utusan?Kanina ka pa ha!

"At bakit? Eh di ikaw tumalikod! Uutusan mo pa ako."

"Tatalikod ka o sisigaw ako dito ng GAHASA! "

At this time, nagchin- up sya towards my face at tinatakot ako.

May itsura sya. I mean maganda naman sya kahit papano.

"Hindi ba pwede RAPE? GAHASA talaga? Tagalog na tagalog talaga?"

Iniinis ko nalang sya kasi mukha naman syang naggigigil na.

"GAHASA!!! TULONG! GINAGAHASA AKO NG LALA..."

Fudge! Anong problema ng babaeng to?!! Bigla nalang sya nagsisigaw at hinihiklat yung unifo nya down! Tinuturo pa ako, meaning ako nanggagahasa sa kanya! For pete's sake! Sya rerape-in ko? Pipili naman ako.

Tinakpan ko bibig nya bago pa nya makuha atensyon ng mga nasa staffs.

"Oo na! Tatalikod na, laki ng topak.mo!"

Binitawan ko sya at tumalikod sa kanya.

"Ikaw ang laki ng toyo mo sa utak! Baho baho pa ng kamay mo! Tumalikod ka lang!"

Nagtitimpi na talaga ako sa babaeng to! Kung di lang ako pinalaki ng mga magulang ko na may respeto sa mga babae

"Kanina pa po akong nakatalikod."

Nakacross arms na ako. Ano ba kasing balak ng babaeng to?

"Talikod lang... talikod ka lang.."

"Oo!!"

May mga 30 seconds na din ako nakatalikod. At wala na ako naririnig mula sa babae. Baka nagpatiwakal na?!Hmmm. Tumingin ako sa likod at nakita kong nasa may dulo na sya ng hall! Aalis lang pala pinagmukha nya pa akong ewan dito pero teka...

Bat ganon sya maglakad? Iikad-ikad? Parang bali yung balakang?

Hindi ko alam.. pero may sudden urge na nagsasabi saking habulin ko sya.

Hinabol ko sya, habang natakbo ako nagets ko na. Mukhang dahil sa gasgas sa tuhod kaya di sya makalakad ng ayos at nahihiya sya makita ko kaya pinatalikod nya ako.

Nung malapit na ako sa kanya, binuhat ko sya (lovers' carry). And as expected, naghysterical nanaman sya!

"AHHHHH! IBABA MO AKO! ANO BA?! RAPIST! RAPIST!"

Ang likot nya!Nahihirapan akong buhatin sya. Para syang kiti kiti na pilit nagpupumiglas sakin!

*Booogsh!*

Ayan!Nabitawan ko tuloy sya!

"Araaaay!"

"Uy sorry sorry!Ikaw naman kasi likot likot mo!"

"Sino ba naman kasi nagsabing gusto ko magpabuhat? "

Hinahawakan nya balakang nya na lalo atang nabili sa pagkakahulog nya. Tinatry ko syang itayo pero ayaw nya magpatulong.

"Ikaw na nga tong tinutulungan! Topak!"

Pinilit nyang tumayo, galit na galit na yung itsura nya!Natatawa ako, nausok na ilong nya. Hahaha

"Rapist!!!"

*Hayaaaa!*kick!*

*KDOIDFHAYAAJSJHFJZUWDK%*#+?6#+#!!!!!!!!!!!

Sh*t!AWWWWWW!!!!!! Sinipa nya ako!.Sinipa nya ako don!

Sinipa nya si Junior!

He Wore My Bra!Where stories live. Discover now