chapter 4

7.2K 167 1
                                    

Kanina pa siya sinisiko ni Ara hindi lang niya iniintindi. May hinahanap kasi siyang resibo. Siniko siyang muli nito. Salubong ang mga kilay na hinarap niya ito.

"Ara,kanina ka pa ha. . ,kung naiinip ka na umuwi ka na lang. ,

Kinuha niya ang isang folder ng mga resibo. Sabado kasi ngayon pinakiusapan siya ng kanyang ina na siya muna ang magbantay sa kanilang tindahan. At kapag nandito siya tinitingnan niya ang mga bagong resibo at inaayos ang pagkakafile nito. Tatlong resibo lang naman ang inayos niya.

Nang tingnan niya si Ara nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa labas. Pinagtatawanan naman ito ng mga tindera nila. Nagtatanong ang tingin niya sa mga ito,inginuso naman ng mga ito ang labas. Lumabas siya at tinabihan si Ara. ,nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa motorsiklo nito.

Ang gwapo naman pala kaya pala tulala ang bestfriend niya. Tiningnan niya muli ang lalaki na parang wala namang pakialam sa paligid. Kunot ang noo nito habang nakatitig sa cellphone na hawak nito. Pero in fairness kahit na ganun ang itsura nito ang gwapo pa rin nitong tingnan.

Pinalo niya ng mahina ang mesa. . ,nagulat naman si Ara. Nang sulyapan niya ang lalaki nakatingin na ito sa kanila.

Aba naman! Ang kaibigan niya namumula na. . ,

"Kung makatitig ka wagas. . ,pbb teens lang ang peg ng pamumula mo ha!. .

Napahawak naman ang kaibigan niya sa pisngi nito. Napangisi naman siya sa ginawa nito.

"Ang init noh. . ,taray! Crush mo? . ,tanong niya dito. Napayuko naman ito at lalong namula sa tanong niya. Tuluyan na siyang natawa sa reaksiyon nito. Magdedeny pa eh halata naman.

"Ayaw mo sa kanya? Sige,ako na lang may crush sa kanya. . ,gwapo niya no?ang gwapo pa nung motor. . ,parang action star ang dating di ba?. . ,kinikilig na wika niya.

Napaangat naman ito ng tingin sa kanya at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.

"What? Ayaw mo di ba?. . ,sabi niya dito habang tumatawa. Naniningkit ang matang sinamaan siya nito ng tingin. In her peripheral vision nakita niyang umayos ng pwesto ang lalaki at lalong pinag-igihan ang pagtingin sa kanila. Nakangisi na ito habang nakahalukipkip at nakatingin sa kanila.

Yabang ha! Feeling siguro nito totoong pinag-aagawan namin siya. !

Sa totoo lang kapag andito sila sa tindahan at wala silang magawa hilig nila ang mag-gwapo hunting karamihan sa mga yun nagiging crush niya. Siya lang naman ang mahilig sa crush. Tinatawanan nga siya ng mga kaibigan niya puro daw siya crush. . ,kapag kasi yung crush niya nararamdaman niyang nagkakagusto na sa kanya ayaw na niya. . ,ina- uncrush na niya ito.

Sa kanilang magkakaibigan sila na lang ni Ara ang single. . ,sina Aileen at Meridith may asawa na. . ,at si Kim naman may boyfriend na. Sila na lang ni Ara ang nandito. . ,si Kim sa California nagtatrabaho bilang nurse doon din naman nito nakilala ang boyfriend nito for two years na si Clark.

Si Aileen at Meridith naman parehong may mga negosyo ang mga napangasawa at sa Manila na nakatira ang mga ito. Paminsan-minsan naman nagbabakasyon ang mga yon dito. Andito naman kasi ang mga magulang nila.

Narinig niya ang tunog ng motor,nakita niyang paalis na ang lalaki at may babaeng nakalingkis ang kamay sa bewang nito.

Nakilala niya ang babae. . . ,Zairah Divinagracia. . ,batchmate nila sa highschool. . the beauty and beauty. . . ,yun lang kasi ang meron siya wala ng iba. Nasa lower section nga ito.

Tiningnan niya ang kaibigan niya. Nakasimangot na ito sa harap niya. Mamaya na nga lang niya ito kakausapin marami na kasi ang bumibili. Tinapik niya ito sa balikat at nginitian.

"Mas maganda ka doon. . . ,

Napatango naman ito sa sinabi niya subalit nanatiling nakasimangot. Iniwan na niya ito at tumulong sa mga tindera.

Believe in his love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon