Parang masama pala talaga ang reputation ng kaaway ni Chelsea ah.


Nakarating na rin kami ni Chelsea sa school's office. Nauna siyang pumasok sa loob dahil tinapon ko pa sa basurahan ang bubblegum na kanina ko pa nginunguya.

I was just about to enter the place when someone opened the door first. My eyes caught the girl walking out of the room. She was as white as a paper and her long black hair was braided to the side. Hindi niya ako napansin dahil dire-diretso sila ng kaibigan niya sa paglalakad.

Ang ganda naman no'n...


Nilapitan ko na rin si Chelsea na ngayo'y nasa pinakaharapan na ng pila. Napansin kong nakanguso siya. "Are you okay?"

"No. You're not my classmate, Lance."


Tinignan ko ang sched niya. Sa Section I siya at sa Section II naman ako.

"Badtrip Chels. Ikaw lang ang kakilala ko dito."

"Oo nga Lance. Nakakainis! Uhm, Mrs. Pilar, 'di po ba pwedeng sa section II na lang ako?" tanong niya doon sa matanda.

"Sorry iha. Your grades are too high for section II."


Wala ng nagawa si Chelsea. Ginulo ko na lang buhok niya para mag-lighten up ang mood niya.

"Okay lang 'yan. At least andito na 'ko sa school mo magaaral."

"Sabagay. Ay Lance, mauna na muna ako ha. Mag-CR pa kasi ako. Dumiretso ka na sa room mo, kita na lang tayo sa lunch!"

Sasabihin ko pa sanang hindi pa ako pamilyar sa lugar na ito nang tumakbo na siya palayo at iniwan ako.

Ang galing talaga nitong kaibigan ko.


Naglakad na ako papunta sa kabilang building. Ang daming studyante na pakalat-kalat pero halos lahat sila, may mga kasama na.

Okay. OP ako. Tsss. Ako lang ba ang transferee dito?


Pagkarating ko sa second floor ay nagtaka ako dahil mas marami na ang mga tao dito. Mostly napansin ko mga nakasilip sila sa section I.


'Yan pala room ang ni Chelsea. Ano kaya meron at parang may artista sa loob? Teka, bakit ko ba pinoproblema 'yon? Ang dapat kong problemahin, sarili ko.


Nasaan na ba ang classroom ko?

Nakisiksik ako sa mga estudyante para malagpasan ang Section I. Magrereklamo na sana ako dahil pahara hara sila sa daanan nang mapansin ko ang nakalagay na papel sa kabilang room.

Ito na pala ang Section II.


I entered the room and was startled when some girls gasped in shock.

"Artista oh!"

"I think he's a dancer!"

"Baka singer!"

"Model yata!"

"Ang swerte ng section 2! Puro guwapo classmates natin!"

The RoyaltiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora