Chapter 5: She's Flat

23.4K 687 47
                                    

Sofia's POV
  Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina para mag-almusal. May pasok pa ako mamayang 10 at 7:30 palang naman kaya marami pa akong oras.

Pagdating ko sa kusina naabutan ko si manang na naghahanda ng almusal. Teka, nasan na si Kaizer? Gising na kaya yun? Tss, bat ko nga ba hinahanap yung jerk na yun.

"Si Kaizer ba? Maaga siyang umalis. May pasok kasi." Sabi ni manang habang inaayos yung pinggan. Halata ba na hinahanap ko si Kaizer?

"Ganun po ba." Nag-umpisa na akong sumubo at kumain. Ang sarap talaga ng corn beef kapag umaga. Favorite ko kasing breakfast ang corn beef.

"Uhm, manang tapos na po ako. Akyat na po ako sa kwarto ko. Maaga po akong papasok ngayon. Thanks po sa almusal."

"Sige hija."

Umakyat na ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para mag toothbrush. Haist, bat ngayon ko lang naisip? Ano na kayang surname ko? Yung surname na ba ni Kaizer?

Tumingin ako sa salamin at kinausap ang sarili ko. "Bat ko ba pinoproblema yun? Bahala nalang." Pagkatapos 'kong magtoothbrush ay nagbabad muna ako sa bathtub para naman makapag refresh ako.

"Manang, kanino po yung kotse sa garahe?" Tanong ko kay manang na kasalukuyang nagwawalis sa may pinto. "Ah, ayun ba? Kay Kaizer yan, sabi niya gamitin mo daw muna." Tss, may puso pa pala yung mokong na yun no.

"Ah, sige po. Alis na po ako." Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho. Hays, matawagan nga si papa mamaya.

Pagdating ko sa school ay sumalubong sakin ang bestfried ko na si Monic. Bakit? Sino pa ba ang bestfriend ko? Si Monic lang kaya napagtyagaan ko no.

"Girl! Yung prof natin nandyan na."

"Oh eh ano naman? Crush mo na din ngayon si Mr. Dimalanta?" Yuck, tanda na kaya nun.

"Shunga! Di si Prof Dimalanta yung tinutukoy ko. Yung bagong prof! Yung gwapo na sinasabi nila. Omg! Hindi ko pa siya nakikita naiimagine ko na yung itsura niya." Ang landi talaga ng babaeng 'to.

"Psh, tara na nga." Hinila ko na siya at bago pa mapunta kung saan saan ang topic namin.

Pagkapasok namin ng room ay umupo agad ako sa may tabi ng bintana. Nakakarelax lang pag nasa tabi ako ng bintana.

"Hoy! Sofia! Isara mo yung bintana, lalabas yung aircon!" Sigaw ng loko loko 'kong kaklase na si Adrian.

"Lalabas!? May paa? May paa?" Lalabas daw yung aircon, kelan pa nagka-paa ang aircon aber?

Sinira ko na yung bintana at baka LUMABAS yung Aircon. Jusko, mga tao nga naman ngayon.

"Guys, tahimik na! Papunta na yung bagong prof!" Sigaw nung kaklase kona babae. Tss, kinikilig kilig pa.

"Omg! Ayan na siya!"

"Gosh! Friend maganda na ba ako?"

"Yung foundation ko, iabot mo dali!"

Iilan lang yan sa mga narinig ko sa mga classmate ko. Jusko, nag-aaral ba sila o hindi?

May kumatok sa pintuan at nagsi-ayusan ang mga classmate ko. Tapos yung iba naman ay inayos na ang buhok. Lahat kami nakatingin sa may pinto. Aaminin ko, nacucurious din naman ako sa mukha nung bagong prof.

Bumukas ang pinto at.... "Malinis ba ang C.R niyo?" Putcha! JANITOR lang pala.

"Kuya naman! Akala naman namin si Prof na!" Sigaw ng isa sa mga classmate ko sabay diretso sa C.R. chineck siguro kung malinis ba yung C.R.

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon