My Crush's Twin (One Shot)

880 16 10
                                    

'kyaaaa.... nandyan na pala si papa Marcus'

"Marcus... akin ka nalang'

Ang lalandi ng mga bruhang ito. Pinapaligiran ba naman ang crush ko? Possessive lang ang peg?

Haaay, ewan ko ba bakit ang mga crush ko, super sikat! Isali mo na ang One Direction, ang Jonas Brothers at pati rin tong si Marcus Parker. 

Eto kasing mga mokong na'to, napaka talented, nagustuhan ko tuloy -_-

"Princess Sophia!!!"

"Bes! Takbo na! Nandito na ang fans club mo!" sabi ni bestfriend na si Beatriz

"Tinapay na mainit?! Ba't ngayon pa?"

(Author, pafavor..... GUMAWA KA NG CORNER NA MAPAPAGTAGUAN KO PLEASE!!!)

(A/N: Okey dokie!)

*poof*

(Dog House?!) 

(A/N: Pumasok ka nalang. Sige ka, isusulat ko na nahabol ka!)

(Sige na nga!)

Pumasok nga ako duon sa doghouse.

"Arf! Arf!" ay anak ng kalapati!

"Shhh..." sabi ko sa aso tapos nagsmile

Nga pala, ako si Sophia Scott. Nice to meet you.

Malamang curious kayo bakit may fans club ako. Eto kasi nangyari...

* FLASHBACK *

"Sophie, pwede ikaw na gumawa ng bread para sa breadmaking contest? Please?" sabi ng P.E teacher namin na si ma'am Sheryl.

Hindi naman talaga ako makakatanggi eh. Teacher na yan oh. Dagdag points na yan sa conduct xD

"O sige po ma'am. Ano po gusto niyo? Japan #60? Joke lang po."

"Gumawa ka ng lang ng croissant. Pumunta ka na duon. Salamat talaga ah."

* END OF FLASHBACK *

So yun... Nasarapan daw sila. Kaya parati ng may humahabol sakin. Hassle pala no? Haaay..

Nakita kong dumaan ang mga bruhildo kong mga fans.

"Wala na ba sila Bes?"

"Wala na."

*sigh*

Mapicturan na nga lang si crush. 

*click* *click* *click*

*KRIIING*

Time na pala. 

Pumunta na kami ni Bes sa classroom.

* Uwian *

Haay... Ako na lang pala isa dito sa classroom. May club activity pa kasi si Bes. Hintayin ko na lang siya. Maglaro nalang muna ako ng Candy Crush.

Minamalas talaga ako >.<

Seryoso akong naglalaro ng may humawak sa balikat ko

"Ay aswang!"

Tinignan ko kung sino.

"M-Marcus? B-bakit?" antae!

Nakasimangot ata siya?

"Wala...." sabi niya ng mahina

Umalis na sya ng room

Anong nangyari dun o.O

Nandyan na pala si Bes.

"Tara na!"

Umuwi na kami pagkatapos.

Hindi parin maalis sa isip ko yun nangyari.

* Kinabukasan *

6:00 palang pala. 7:45 pa naman ang klase. Basa muna ako ng libro.

Nandito na pala si Marcus. Lumapit siya sa akin.

"Hi Sophie! Pwede ba tayo magdate bukas?"

"Sino ka?"

"Sino pa, edi si Marcus."

"Hindi, mas matangkad ka ng konti tsaka mas deep yung voice mo kaysa kay Marcus." sabi ko

Tumawa siya.

Bakit, totoo naman ah.

"Pano mo nalaman?" tanong niya

"Bukod sa magaling ako mag observe, crush ko rin si Marcus. Ay! Shit!" Tang ine! Nasabi ko pa talaga

"Crush naman pala eh. Alam mo bang ayaw nun lumabas kasi sinabihan mo daw siya ng aswang kahapon. Hahaha!"

"Eh, nagulat kasi ako."

"Rinig mo yun Marcus? Lumabas ka na!"

Nakita kung lumabas si Marcus mula sa likuran ng puno.

"Talaga? Hindi mo ako hate?" tanong niya

"love panga kita eh..." sabi ko ng mahina

"Love rin naman kita eh! Hehe!" >/////< totoo ba yun?

"Sandali lang ah.."

*slap*

"Aray! Masakit! So totoo nga to? Crush mo rin ako?" 

"Hindi ah!"

Nagbibiro lang pala siya.....

"Hindi kita crush! Mahal kita!"

"Huwag ng sumigaw! Mahal rin naman kita eh!"

"Tama na nga sa cheeky lines! Maiwan ko na kayo." sabi ng twin niya

"Salamat bro!" sabi ni Marcus

Nagsalute ang twin niya. 

At yun ang ending ng Love Story namin....

---------------------------

Maganda ba? Don't forget to vote and comment!

My Crush's Twin (One Shot)Where stories live. Discover now