Sides (One-shot)

31 1 0
                                    

Hi. Sana magustuhan niyo. :)

Comment. Vote.

Thankyou. :))

***

Because certain things are lost forever...

***

Her POV--

"Mahal mo ba siya?"

Lagi ko nalang 'tong tinatanong sayo.

"Depende."

At lagi mo nalang akong sinasagot nang di matino.

"Panong depende?"

Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin yung totoo? Para kung mahal mo man siya, titigilan na kita.

"Hulaan mo."

Yung pagtingin ko nga sayo di mo mahulaan kahit harap-harapan ko nang pinapakita sayo.

"Oo o hindi lang naman e."

Hindi. Sabihin mong hindi.

"Ano bang gusto mo?"

Ikaw. Pero kung gusto mo siya, maiintindihan ko. Tatanggapin ko. Ano ba namang laban ko?

"Kung anong totoo."

Nararamdaman kong masasaktan ako sa sasabihin mo.

"Yung totoo? Oo."

Ano? Baka mali lang ako nang rinig..

"Anong oo? Mahal mo?"

Baka mali lang ako nang intindi..

"Oo."

Pero ako pala ang nagkamali.

"Ah, talaga."

"Oo e. Sorry...

His POV--

"Mahal mo ba siya?"

Lagi mo nalang 'tong tinatanong sakin. Hindi ka ba nagsasawa?

"Depende."

Ako naiinis na kaya lagi kitang sinasagot nang di matino.

"Panong depende?"

Gusto kong sabihing, 'Hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko.' Pero natatakot ako, kaya depende nalang sagot ko.

"Hulaan mo."

Hindi mo ba nararamdaman na ikaw lang ang gusto ko?

"Oo o hindi lang naman e."

Hindi nga. Hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko.

"Ano bang gusto mo?"

Sabihin mong ako. Please.

"Kung anong totoo."

Pagsinabi ko kaya sayo anong magiging reaksyon mo? Baka layuan mo ako.

"Yung totoo? Oo."

Pero kelangan ko pa ring subukan..

"Anong oo? Mahal mo?"

Pagod na rin akong itago to kaya sasabihin ko na sayo ngayon. Bahala na.

"Oo."

Bakit parang bigla kang naging di interesado? Pakinggan mo ako.

"Ah, talaga."

Oo, talaga kaya sana tanggapin mo tong nararamdaman ko para sayo.

"Oo e. Sorry..."

Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, umalis kana.

"Hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal."

***

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 11, 2013 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Sides (One-shot)Onde histórias criam vida. Descubra agora