"Naalala ko si inay noon, na sa tuwing umuuwi ng bahay galing sa paglalako ng kung anu anong mga kakanin sa mga bahay bahay ay pag uwi niya may dala dala iting isang supot na tinapay. Paghahati hatiin niya ang tinapay na iyon saka panunuorin niya kaming kumakain habang tumutulo ang mga luha nito. Lalapitan naman siya ni Itay at tatanungin kung pagod na ba siya at kung nagsisisi ba daw siya sa pagpili niya sa kanya, ngunit ang sagot ni inay ay umiiyak daw siya dahil masaya siya na nagkaroon siya ng tatlong mga anak at hinding hindi daw siya nagsisisi na sumama siya kay itay dahil kahit na naranasan daw niya ang mga bagay na hindi niya nakasanayan ay masaya siyang buo ang kanyang pamilya" muling pahayag ni Aleah na siyang dahilan ng muling pagbalong ng luha ni Senyor Modesto.

"Sana kung hindi naging makitid ang pang unawa namin sa pagmamahalan ng mga magulang ninyo noon, sana sama sama tayo ngayon. Ngunit gayunpaman, nagpapasalamat parin kami sa kanya at sana ay mapatawad niya kami sa nagawa namin at ipinapangako namin sa inyo mga apo ko na gagawin namin ang lahat upang maging masaya ang inyong inay at itay kahit na nasa kabilang buhay na sila" saad naman ni senyor Modesto at yumakap ng mahigpit kay Aleah at muli ay nagkaiyakan ang tatlo at maging ang mga nasa paligid nila na nanunuod sa madramang eksena ay napaiyak na ng tuluyan.

Matapos ang madamdaming senaryo ay ipinakilala ni Aleah sa mga lolo at lola nito sina donya Benita, Mariel at ang lalaking nag iisa sa kanyang buhay si Miguel. Naging masaya ang lahat, napag usapan narin nila ang tungkol sa pagpapakasal ni Aleah at Miguel ngunit napagkasunduan nila na mas maganda daw kung manganganak muna si Aleah bago sila ikasal at pumayag naman sina Miguel at Aleah.

Lumipas ang isang linggo ay sinundo nila Aleah at ng mga lola at lolo nito ang mga kapatid niya sa Isabela at ang bahay na pinagawa ni Don Lauro para sa magkakapatid ay ipinamahala nalang nila kay Aling Myrna upang pag uwi nila roon ay may bahay silang matutuluyan. At maging ang mga labi ng mag asawang Janna at Antonio ay inilipat nila sa Maynila upang mas malapit nilang dalaw dalawin ang puntod ng mga ito.

Walang pagsidlan ang saya sa puso ng magkakapatid lalo na si Aleah ng makitang buong muli silang magkakapatid ngunit si Aleah ay ipinasya niyang sa piling ni Miguel siya manatili at bumibisi bisita nalang siya sa bahay ng kanyang mga lolo at lola.

......

6 MONTHS LATER....

Dinalaw ni Donya Benita ang puntod ni Don Lorenzo upang alayan ng bulaklak at ipagtirik ng kandila dahil sa kaarawan niya ng araw na iyon. Nilinisan niya ang lapida ng yumaong asawa saka niya ipinatong ang bulaklak na dala niya saka sinindihan ang dalawang kandila at ipinikit niya ang kanyang mga mata upang manalangin sa harap ng puntod ni Don Lorenzo.

Ang hindi alam ni Donya Benita ay may isang anino pala ang nakamasid sa kanyang ginagawa. Kung ilang araw na siyang minamanmanan ang biyudang babae ngunit hindi niya malapit lapitan dahil parang nawawalan siya ng lakas ng loob na lapitan ito.

Kumuha ng bwelo si Don Lauro, huminga siya ng malalim ng kung ilang beses saka dahan dahan ang paghakbang na lumakad patungo sa may puntod ng kapatid kung saan naroroon si Donya Benita at tahimik na nananalangin.

Hindi naman namalayan ni Donya Benita ang paglapit na iyon ni Don Lauro dahil nakapikit parin ito at patuloy sa kanyang ginagawa. Kung ilang minuto rin ang kanyang inilaan para sa kanyang panalangin saka dahan dahan niyang iminulat ang kanya g mga mata.

Biglang nanlaki ang mga mata nito ng makitang dalawang pumpon na ng bulaklak ang kanyang nasa harapan. Naramdaman niya ang malalim na paghinga sa kanyang tabi kaya ibinaling niya ang kanyang paningin at ng mapagsino ang nasa tabi niya ay biglang parang naging teenager ang kanyang pakiramdam dahil biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon