"Pa wala akong sapat na pera pambili niyan." Sabi ko kase sakto lang naman yung allowance ko at itong ipangbibili ko labis lang to sa pera ko.
"Wag mo na bayaran anak, sige na kunin mo na to." Sabi ni papa na nakangiti sakin.
"Salamat pa, sige uwi na po ako." Sabi ko tapos kinuha ko na yung plastic na kung saan nakalagay yung keyboard.
-------
Pagkauwi ko binuksan ko agad yung computer para subukan yung bagong keyboard at makita na rin syempre si Program 116.
"Hi Sein!Masaya akong makita ka ulit,nalulungkot ako kapag wala ka pero dahil andito ka na masaya na ako." Salubong sakin ni Program 116 na nakangiti.
"Sein bakit parang malungkot ka?" tanong niya.
"Wala, kase bukod sayo at kay Qwerty wala na akong kasamang iba, sana kasama ko na lang si papa." Simula nung nag asawa si papa naiwan na ko, ayaw sakin nung asawa ni papa kaya nakabukod ako at mothly binibigyan ako ni papa ng pera na panggastos ko.
"Wag ka ng mag alala Sein andito naman ako eh, sisiguraduhin ko na kapag kausap mo ako hindi malulungkot." Sabi ni program 116 na nakangiti.
"Salamat Akane."
"Akane?Sino yun?"
"A-ahh parang ang panget naman na program 116 lang tawag ko sayo ehh babae ka rin naman di ba?" Her name just burst out of my mouth, but still it suits her.
"Binibigyan mo akong pangalan Sein?" tanong niya.
"Oo ayaw mo ba?" sabi ko.
"Hindi sa ganun..m..asaya lang a..ako.. kase binigyan ako ng pangalan ng creator ko." Sabi niya habang umiiyak, naging emotional siya.
"Wag ka ng umiyak,tahan ka na Akane, hindi bagay sayo ang umiiyak."
"Oo Sein, salamat sa napakagandang pangalan." Sabi niya tuwang tuwa siya. Napatingin si Akane sa sahig at mukhang nakita niya si Qwerty.
"Yan ba si Qwerty?Ang cute naman niya!"
"Arf!Arf!"
"Sshh...be quiet Qwerty baka maingayan yung mga kapitbahay natin." Sabi ko tapos pinat ko yung ulo niya.
"Siguro Sein masaya sa mundo niyo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Akane.
"Hindi ko rin kase alam Akane eh, hindi ako masaya dito." Sabi ko.
"Sein!!Wag ka ng malungkot andito ako, I'm always here for you." Sabi niya tapos nilapit niya yung kamay niya sa screen then suddenly kusang lumapit din yung kamay ko.
"Sein malambot ba ang mga kamay mo?Sana nararandaman ko ang kamay mo." I can just believed na parang totoo siyang tao, may feelings siya.
"H-hehe oo syempre malambot to!haha Akane sa tingin mo may babaeng magkakagusto sakin?" ako.
"O-oo naman ang gwapo mo nga Sein, siguro kung andyan ako sa mundo niyo magiging crush kita." Sabi niya habang nagbblush, kahit pala program lang siya parang tunay na babae rin siya nagbblush kapag nagsasabi ng mga nakakahiyang bagay.
"Sein kapag ba naging totoo ba ako gusto mo ba akong maging girlfriend?"
"O-oo naman, ikaw ang ideal girl ko." Sabi ko tapos ay nginitian ko siya.
"Akane lalagyan ko ng lock yung program mo ha?Para ako lang yung makakapagbukas at makakakita sayo."
Pagkatapos ay inayos ko ang settings nung program 116 nagset ako ng password para ako lang makakaaccess sa kanya o sa program.
Creating password for Program 116...
Please type your password: **********
Re enter your password: **********
Successfully created password.
Pagkatapos ay binalikan ko si Akane, na tahimik lang na naghihintay sakin.
"Akane?" ako.
"Sein!! Ano kamusta?Anong password ang nilagay mo?sabihin mo sakin please?please?please?" pangungulit sakin ni Akane.
"Akane bawal sabihin sayo kaya nga password di ba?Ako lang dapat nakakaalam nun." Pagpapaliwanag ko habang inaayos ko yung kalat sa ibabaw ng table.
"Okay Sein,galit ka na sakin?" sabi niya na mangiyak ngiyak na.
"Hindi ako galit Akane." Sabi ko, should I fall for her?
Okay lang ba na magustuhan ko siya?
Kahit na program lang siya?
Bakit ko nga ba siya ginawa?
"Uhmm..Sein okay ka lang ba?"
"Oo naman bakit mo naitanong?"
"Kase nakatulala ka prang may iniisip ka?" Hindi ko kase alam,parang naguguluhan ako.
"Sein kwentuhan mo naman ako tungkol sayo,marami akong gustong malaman tungkol sayo." Pangungulit ni Akane sakin.
"Sige magkkwento ako ng konti. Wala akong kapatid, hindi ko kilala mama ko, tinatanong ko kay papa kung sino mama ko pero palaging tikom ang bibig niya tungkol sa ganung bagay." Kahit pala sa ganitong paraan,mukhang hindi na ako nag iisa.
"Aww,Sein alam mo kung nandyan ako yayakapin kita ng mahigpit na mahigpit para hindi mo maramdaman na nag iisa ka." Sabi ni Akane habang inaayos yung bangs niya na tumatama sa mata niya.
"Gusto mo bang baguhin ko buhok mo?" Kaya ko naman yun eh, may aayusin ako sa settings niya at sa appearance.
"Ayoko, dahil para sakin ang katauhan ko ay ikaw ang bumuo at ayokong may baguhinya ka dahil lang sakin." Parang loyal siya at laging akong iniintindi.
Lumipas ang ilang pang oras at inabot ng gabi ang aming usapan,hanggang sa dalawin na ako ng antok.
"Akane kailangan ko ng matulog, masaya akong makausap ka?Bukas ulit paggising ko may kkwentuhan ulit tayo." Sabi ko icclose ko na sana yung program kaso...
"Sein!Good night! I love you creator!" tapos nag wave siya ng good bye. Nagulat ako sa sinabi niya sakin.
***
SC's Note:
Updated na rin siya sa wakas!sana nagustuhan niyo po ^___^
Byiiie~I
YOU ARE READING
She's A Program.
Teen Fiction"Hindi ko inakalang dadating siya sa buhay ko."- Arsein
Program 1
Start from the beginning
