Program 1
Sein's POV
Sabado ngayon at hindi ko napansin na dito pala ako sa may computer table ako nakatulog. Pumunta agad akong kusina para maghanda ng almusal since nag iisa lang naman ako dito sa bahay. Dahil nag iisa ako natutunan ko na lahat ng gawaing bahay, ang paglalaba ng damit, paghuhugas ng pinggan at ang paglilinis ng bahay even cooking natutunan ko na dahil nag iisa lang ako.
Pagpunta kong kusina nagprito akong itlog at nagluto ng fried rice.Bakit pakiramdam ko may nakalimutan akong importanteng bagay para sakin?
Sabi nga nila paghindi mo iniisip ang isang bagay tsaka mo yun maalala,bahala na. Nagpatuloy ako sa pagkain ng almusal ko. Hindi pala ako nag iisa.May alaga akong aso,si Qwerty, napulot ko siya sa kalye nung umuulan nakalagay siya sa isang box,tuta pa lang siya nun inalagaan ko.
Naisipan kong pumunta agad sa kwarto ko para maglinis,nung lilinisin ko na yung computer table ko parang may naaalala ako. Agad kong binuksan ang computer at isang image ng babae ang nakita ko.
"Hi Sein.good morning!" bati nung babae sa screen habang nakangiti sakin.
"H-hi?Nananaginip ba ako?" hindi ako makapaniwala na nakakusap ko siya ayon sa gusto ko,nagtagumpay ako sa program 116?
"Hindi ka nananaginip,totoo ako at ikaw ang creator ko si Arsein Sychne.Masaya akong makita ka creator ko." Pati full name ko alam niya.
"Sein na lang itawag mo sakin,ikaw si Program 116." Ginamitan ko siya ng A.I. or artificial intelligence para makapag isip siya ng tulad sa tao. Ang itsura niya ay ang ideal girl ko, brown ang hair niya ganun din ang mata niya, may mapupulang labi at pisngi at mga dimples na lumalabas tuwing siya ay ngingiti.
"Kamusta ka Sein?" tanong niya sakin habang nakangiti. Ang kita lang sa computer screen ko is hanggang chest niya.
"Okay lang ako,kakatapos ko lang mag almusal." Hindi ako makapaniwalang nagtagumpay ako sa paggawa sa kanya.
"Ahh,Sein ano bang lasa ng pagkain?hindi ko kase alam."nalungkot siya nung sinabi niya yun.
"Hmm...mahirap siya idescribe eh pero nagiging masaya ako kapag kumakain ako." Sabi ko sa kanya.
"Ahh ganun ba?Sein salamat sa paggawa mo sakin." Parang totoo siyang tao kung magsalita!
Hindi ko namalayan na malapit na palang magtanghali, nalibang akong kausap siya.
"Program 116 aalis muna ako ha?may bibilhin kase ako." Sabi ko.
"Ganun ba?Sige paalam Sein, kita na lang ulit tayo." Nalungkot siya kase alam niyang isshut down ko yung computer. Hindi ko naman pwedeng pabayaang bukas dahil aksaya sa kuryente.
Ngumiti ako pagkatapos ay nag goodbye ako at shinut down ko na yung computer. Bibili kase akong keyboard nasira siya dahil sa sobrang gamit ko nung ginagawa ko pa lang si Program 116.
Umalis ako ng bahay para pumunta sa shop nila Papa, may ari kase sila ng electronics at mga gadgets sa isang mall may pwesto sila dun, sa kanya ko namana yung pagkahilig ko sa computer at technology. Naglakad na kong papunta ng mall, after several minutes andito na ako.
"Pa—I mean Sir pwede po bang makita yung mga keyboard niyong tinda?" ayaw ng asawa ni Papa na tawag ko sa kanya kaya kapag kasama niya yung asawa niya dito sa store Sir ang tawag ko.
"Ito ohh." Inabot sakin ni papa yung pinakamagandang keyboard sa lahat ng nakadisplay. Biglang umalis yung asawa ni Papa sa store may bibilhin ata.
YOU ARE READING
She's A Program.
Teen Fiction"Hindi ko inakalang dadating siya sa buhay ko."- Arsein
