Watty HQ: No Direction

140 4 3
                                    

Watty HQ:  No Direction

Entry 16:

May 5, 2013

So ayun, since narito na rin ako sa Manila, lulubusin ko na ang watty meet-ups!

May event na Manila meet-up sa McDonald’s Baclaran so kahit wala akong kaalam-alam kung aling McDo at iniwan ako ng kasama ko sana, GORA PA RIN kahit mag-isa! Poreber solo-flight lang ang peg  :3

Pureza Station > Recto > D. Jose Station > Baclaran!

Syempre nakarating ako! Pagkatapos maligaw at magpaikot-ikot sa mga LRT stations, nakababa ng Baclaran! Salamat sa mga gwardya!pagkababa ko, puro tyangge pala dun  >o<

“Kuya, san yung McDonald’s Baclaran?” tanong ko sa tinder.

“Sundan mo lang yung dulo ng LRT, makikita mo na yun.”

So sinundan ko. Pagkarating ko…

“Excuse me po, dito po ba yung Wattpad Meet-up?” tanong ko sa tagabukas ng pinto ng Mcdo.

“Hah? Ano po yun?”

“May event po ban a Wattpad Meet-up? McDonald’s Baclaran daw po eh.”

“Ay wala dito. Subukan mo dun sa kabila. May McDo din dun.”

So lipat ako sa kabila! Nung tinanong ko, wala rin daw dun. Sabi baka raw sa McDo ng Roxas Blvd! eh since may internet sa itaas nung McDo, nag-FB na ko para sure!

“venue: McDonald’s Roxas Blvd.”

Uh hala! Buti na lang ginusto ko to, kundi baka umuwi na ko!

Sa kainitan ng araw, aking binaybay

McDo ng Roxas, nais masilay

Tyaga ni Pola, hindi kumupas

Nakarating at natagpuan, McDo’ng hinahanap!

Whew!  xD

The Diary: Pinoy Wattpad Meet-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon