CHAPTER 31- Weird.

Magsimula sa umpisa
                                    

Si Bryan Go naman natutuwa ako kasi mukhang seryoso sya sa pagttraining. Nagttraining na kasi sya bilang Hotel Manager. Sya na minsan ang humaharap sa customers, pag may questions, complaints ganun. Hindi ko nga akalaing seryoso naman pala sya pag dating sa trabaho, kala ko kasi para syang si Bryle na walang kapaki pakialam sa negosyo. Bilib na sana ako eh, kaso madalas syang absent or late kasi naligaw na naman. -_-

Teka speaking of Bryle, hindi ba parang sya yung customer na kanina pang pinagtitinginan ng mga kasamahan kong waitress?

"Ako na ang kukuha ng order!" -isa kong kasamahan

"Ako na! Ako ang naunang nakakita. Dun ka na lang dun sa isang table!" -isa ko pang kasamahan

"Hindi! Ako ang nauna!"

"Hindi ak--"

"Nash, ikaw na ang kumuha ng order nung table 4! At kayong dalawa, meet me at the back!" aw, mukhang mapapagalitan yung dalawa nung supervisor namin, si Ms. Ana. Medyo strict kasi yun talaga.

At ayun nga pumunta na ako dun sa table 4, nakatungo yung customer habang tinitingnan yung menu. Pero kahit nakatungo sya, pakiramdam ko talaga sya si Bryle. Pero anu namang gagawin dito ni Bryle eh may pasok sila? Weird, siguro kahawig lang to ni Bryle.

"Ah sir, may I take your order now?" sabi ko pagtapat ko sa kanya at pagsabi ko tumunhay sya at humarap na sa akin

"Yes, I want you." sabi nya sabay ngisi, ang hot *O* te-teka!

So si Bryle nga sya?!

"A-anung ginagawa mo dit--"

"It's none of your business. Waitress ka lang dito, kaya hindi mo dapat tinatanong yan sakin. Hindi ba?" sabi nya ng may nakakalokong ngiti

"Sa-sabi ko nga po sir." nginitian ko na lang sya, bwisit na Bryle na to, inaasar nya ba talaga ako? Nagcutting na naman siguro to!

"Can I order now?"

"Yes sir. What would be your order?"

"Just like I said earlier..You." -Bryle sabay turo sa akin at nakangiti habang nakapatong pa yung baba nya sa isang kamay nya, pinagttripan nya talaga ako!

"Bryle an--" hihilahin ko na sana sya palabas kasi naaasar na ako pero biglang..

"She's not in the menu." dumating si Bryan at sinabi yan

"Wala talaga sya dun, eh akin na yan eh." -Bryle habang ang intense ng tingin kay Bryan

"Dito pag aari ko sya, emplayado sya ng hotel namin kaya dito, pwede kong pagbawalan na hawakan mo sya." -Bryan na intense din ang tingin kay Bryle, mag aaway ba sila? pinagtitinginan na sila ng ibang customers oh!

"Kung ganun ikaw ang magseserve sakin? Since hindi mo maibigay yung gusto ko, dapat may compensation diba? I demand a personal service from the manager. Total ang galing mo eh diba?" -Bryle

"Bryl--" aawatin ko na sila kaso

"Ok sir, I'll be the one to serve you. What would be your order sir?" -Bryan

"Lahat ng specialties nyo, yung best seller, yung pinakamahal." -Bryle

"Got that sir. Is that all?" -Bryan

"Yeah, sasabihin ko na lang sayo pag may kailangan pa ako." -Bryle sabay ngisi na naman

Binigyan ko sya ng look na nagsasabing "Anu bang ginagawa mo?"  nung mapatingin sya sakin pero nginitian lang ako ng loko! Tinawag ako nung isang customer sa kabilang table kaya ayun, lumayo na ako sa kanya. Patay ka talaga sakin mamaya Bryle Caleb Stanford!

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon