Hella 29: Never After

54 1 2
                                        

UNEDITED

"Lately di ko na nakikita si Papa Hades anyare doon Te? Hoy! Hella nakikinig ka ba?!" satsat ni Bruno sabay hila sa buhok ko na kulot na ngayon na may kulay pula na sa dulo. Hindi ko alam na maganda ang kalalabasan niyon sa akin. Pumuti ang balat ko dahil sa highlights at na depina ang medyo bilugan kong mukha.

"Masakit Bruno!" sigaw ko sa kanya.

"Kanina pa ako satsat ng satsat di ka nakikinig. At anong Bruno?"

"Ewan ko sayo." pag iirap ko.

Pumilantik ang mga daliri nito at hinawakan ang dulo ng buhok ko. Nilaro laro niya ang buhok ko sa kamay niya.

"Ang ganda mo talaga ngayon Hella. Natotomboy ako sayo. Bilhin mo na kasi yung dark red lipstick ko. Imported yun." sabi pa nito.

I tap his hand and face him.

"Ikaw binobola mo lang ako! Wala akong pera Uno kung utang sana pwede pa."

Tumayo ito sa harap ko at namaywang. Inayos pa nito ang buhok at pinakakatitigan ako.

"Ang mura kaya ng 1500! May mayaman ka namang stepfather!"

Hinila ko ang kamay niya at kinurot. "Ang bibig mo Uno hindi magandang biro yan. At saka anong kinamura ng 1500 na lipstick? Lipstick lang ganoon ka mahal?"

Umirap lang ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang barat mo ever. Mura na nga iyon eh. Anong gusto mo? Yung tag sasampo na magic lipstick na binebenta sa..."

Napatigil ito sa pagsasalita at nakamata lamang sa aking likuran. His mouth form an o and his eyebrow raised.

"Holy cow Hella Marie! Wag kang lilingon!"

Too late. Paglingon na paglingon ko ay mukha ng taong ilang linggo ng gumugulo sa isip ko ay nakatawa kasama ang babaeng di ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Mahaba ang straight na straight na buhok,nangingintab sa kaitiman. Matangkad, maputi at maganda ang hubog ng katawan. May partikular na parte ang nakapulupot sa bewang nito. I felt a sharp needle piercing into my heart when I saw that his hands are resting on that particular place. Humarap ang babae at mas lalo akong nanlumo ng makita ang kagandahan nito. She is a goddess!

Tumatawa ang dalawa habang pumupila sa counter ng cafeteria. May binulong si Hades at naghanap ng upuan ang babae. I stare at his bare back.

Naiinis ako! Pero wala akong magawa dahil ako ang may gusto na umalis siya. Ako ang tumaboy sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil minsan hindi ko naiisip ang mga bagay na lumalabas sa bibig ko. I was still staring at him when he turn around.

He saw me. I didn't blink. He averted his eyes. I didn't. Mas lalong sumakit ang nadarama ko ng makitang parang wala lang ako.

I turn around before my tears fell. Masakit pala. Sobrang sakit.

"You dump him or he dump you?"

"Shut up Uno." hikbi ko.

"You dump him. Tas iiyak ka. Napaka impulsive mo kasi! Panindigan mo yang kagagahan mo. Tumigil ka diyan." sita nito sa akin.

"Tangna masakit Uno."

"Alam ko. Tiisin mo ginusto mo yan diba?"

Tumango tango lang ako sabay pahid ng luha ko. Tahimik lamang kami ng biglang nagingay ang cafeteria. We looked up, noisy basketball players are on their uniforms. Si Kuya andoon kasama si...

"Thaddeus!" sigaw ko.

I stand up and run towards him. I miss him. I miss him badly. Minsan ko ding minahal ang lalaking ito. When I was inches from him, he open his arms and smile.

Hella: Confession of a Second BestWhere stories live. Discover now