Spirit of the Coin (one-shot)

235 9 15
                                    

dito kami ngayon sa classrom since, hindi kami sinipot ng magaling naming teacher napagdesisyunan naming tatlo na mag laro ng spirit of the coin..

"clara! sabihan mo iba nating classmates na sumali sa atin" tricia

"unga para may kasama naman tayo" lora

haha! mukhang takot si lora ah.. hmmm tatakutin ko siya mamaya *evil grin*

"uy! sino gusto sumali saamin?" ako

"huh?? ano ba gagawin niyo?" classmate 1

"uhhmm. maglalaro kami ng spirit of the coin" sagot ko

"hala! ayoko baka mamaya pakitaan pa tayo dito eh" classmate 2

"tsss. mga duwag pala kayo ei.. di naman totoo yang mga multo multo na yan. tsaka tirik ang araw oh?" tsk. tsk. mga duwag pala tong mga kaklase ko eh -.-

"bahala kayo jan clara di niyo alam ang lihim ng school na 'to" classmate 3

"lihim, lihim!!! tsss, paki alam ko naman dun.. kung ayaw niyo sumali lumabas na kayo dito!!"

siga ko noh?? haha di naman...

"ayaw nilang sumali kaya tayo na lang tatlo" sabi ko dun sa dalawa kami na lang tatlo natitira dito sa room

"waaaaah ayaw ko labas na lang ako dito T^T" lora

"cge ka pag lumabas ka dito.. susundan ka ng multo" pananakot ni tricia kay lora... haha mukhang natakot si lora kaya umupo na lang ulit siya..

nagdrawing kami sa bondpaper... yung parang sa quija board haha ei wala kaming dala ei >.<

tapos ang gamit naming coin is yung 5 pesos

bago kami nag umpisa nagdasal muna kami... yun sabi ni lora ei para daw hindi kami SANIBAN tss..

nagumpisa na kami.. nilagay namin yung dalawa naming daliri sa coin.. ako yung unang nag tanong

"may ibang nilalang ba dito ngayon bukod sa aming tatlo?" tanong ko

nung una hindi gumagalaw yung coin.. haha eto na ang time ko para takutin si lora..

dahan dahan kong ginalaw yung 5 peso coin.. tiningnan ko yung reaction ni Lora wahahaa nanlalaki yung mata niya..

tinapat ko sa YES yung coin

bibitawan sana ni LORA yung coin kaya dali dali ko siyang pinigilan at binigyan siya siya ng "wag-mo-yan-gagawin-look" sumunod naman siya..

"anong pangalan mo?" si tricia naman nag tanong

gagalawin ko na sana yung coin kaso biglang umihip ang malakas na hangin kaya nasara yung pintoan at biglang gumalaw yung coin mag isa 

pumunta siya sa M sunod sa A R I A

di ko naman mahila yung kamay ko paalis sa coin

"waaaah ayoko na please tigilan niyo na 'to natatakot na ako huhuhu!" lora

wala akong paki alam sa kanya ngayong gusto ko lang makuha yung kamay ko sa coin na 'to

sa wakas nakuha na namin yung kamay namin... pero may biglang lumitaw na babae sa harap namin nakaputi siya at lumuluha ng dugo sa sobrang takot ko di ako makagalaw sa kinatatayuan ko si Lora at tricia pumunta sa likuran ko para magtago..

"pagsisihan niyo!! pagsisihan niyo 'to ginambala niyo ako!!!!"

tapos biglang umihip nanaman ang malakas na hangin

nawala yung babae at bumukas ang pinto...

hindi namin pinaalam ang nangyaring yon kahit kanino para iwas gulo...

Spirit of the Coin (one-shot)Where stories live. Discover now