DISCLAIMER: This story does not involve any true person or relationships. This is purely out of the imagination of the writer. If you know someone with same name as the characters, its purely coincidental. Read at your own risk
Np: Don't Stop by 5 Seconds of Summer
Chapter 3
An act of sister love
She never thought that there will come a time that she will hate Saturday, but that's what she's feeling right now. Ngayon kasi iyong planong hang-out nila sa beach.
Hindi naman sa nagseselos siya sa girlfriend ng crush niya, pero feeling talaga niya may kababalaghang mangyayari mamaya. Tapos, mukhang hindi pa ata k7mbinsido sina Grace na wala siyang feelings sa lalaki tapos parang may balak pa ata siyang ireto ng walang hiyang lalaki kang Dylan.
Hala! Ang dami pala niyang dapat poproblemahin. Hay naku!
"Hoy! Queenie! Tara na!" Kiming nginitian naman niya sina Katie at sumakay na sa kotse nito.
"San banda ba tayo magkikita? Nandoon na ba sila?" Kabadong tanong niya sa dalawa.
"Well, doon daw sa friends cove tayo. Nirentahan ata ni prince charming iyon para sa girlfriend slash princess niya," Sagot naman ni Grace sa kanya, na busy sa pagkutingting sa radio. Tinigilan lang nito iyon nang ipakanta ang 'Don't Stop' ng 5 seconds of summer.
Naki sing along din naman agad sila habang papunta na sa beach kung saan katatagpuin niya ang mga kaibigan. Tawanan pa sila, sapagkat walang wala sila sa tono. After 10 minutes, eh umabot din sila sa destinasyon.
Kinuha naman agad niya ang bag pati na ang basket na nilagyan niya ng pagkain. Gusto niya sanang mag sign of the cross, para mawala din ang takot niya sa mangyayari. Pero nakatingin sa kanya sina Katie, baka ano pa masabi ng mga ito. Ngumiti nalang siya at inaya na ang mga ito na hanapin ang cottage.
Buti nalang at hindi naman masyadong malayo ang cottage sa kung saan sila nagparking kaya nakita nila agad ito. Napahinga siya ng maluwang ng makitang dalawa lang ang nandun na sweet na sweet pa. Atleast, di na niya kailangan problemahin ang isang matchmaking scheme ngayon.
"Guys! Andito kami!" Excited na tawag ng lalaki sa kanila ng mamataan na silang palapit. Napatingin naman din sa gawi nila ang babaeng kasama nito.
Binati naman nila agad ang mga ito nang makalapit na.
"Buti naman nakarating na kayo! Siyangapala, i want you all to meet my girlfriend, Regina. Babe, meet my friends, Grace, Kate and the one and only, Queenie."
Nginitian naman agad sila ng dalaga, ewan lang niya kung sincere o hindi. Nang mapatingin ito sa gawi niya, mas lumaki ang ngiti nito, again ewan niya sincere ba o hindi.
Uyyy. Gumagawa ka naman ng issue diyan, akala ko ba hindi ka nagseselos?
Pinilig naman agad niya ang ulo sa naisip.
"Its nice to finally meet you. Especially you Queen. Wait, can i call you that?" Wika nito sa kanya. Tumango naman siya at nginitian din ito.
Walang halong plastik po iyon, aking mga kaibigan. Siniko naman siya ni Grace sa tagiliran. Oh, ano naman problema nito? Hindi na siya nakatingin nsa direksiyon nito sapagkat biglang yinakap siya ng babae. Wait..
"Thank you, thank you! Naappreciate ko talaga iyong pagwelcome niyo sa sweetie ko dito. He adjusted really well because of you. At saka, i love your taste! Salamat at binigyan mo ng direksiyon ang walang kataste taste na nobyo ko," wika nito nang lumayo na ito sa kanya.
Napakamot naman ng ulo ang lalaki na siyang pinagtawanan nila.
"Tama ka din, eh! Wala ngang taste ang mokong na iyan. Muntikan ba namang hello kitty necklace sana ang bibilhin niya?" Pagsusumbong niya sa babae na siyang lalong kinatawa nila.
YOU ARE READING
Project: #MOVE ON (taglish)
ChickLitPaano nga ba ang mag move on? Ano ang time limit ng pagiging tanga? Kailan mo ba masasabing: STOP! IT HURTS sabay walk out? Meet Queenie, ang Reyna ng Katangahan. Follow her on her journey of falling in and out of love and how she finally stepped do...
