22

197 21 0
                                        

CHAPTER TWENTY TWO

Pinilit kong ikalma yung sarili ko. I am so proud of him , natupad nya yung pangarap nyang maging isang sikat na painter na hindi lang pang Pilipinas kungdi pang world class. Napakagat ako sa labi ko at pinigil ko yung sarili kong umiyak.

Nung nakita ko siya gusto kong tumakbo papunta sa kanya, gusto kong isumbong sa kanya lahat ng mga paghihirap na pinag daanan ko nung naghiwalay kami. Pero ..pero hindi ko yun pweding gawin.

Baka ipagtabuyan nya pa ko.. di naman ganong kakapal ang mukha ko para gawin yun.

"Yumi"

Napatingin ako kay Carmie na nasa pinto ng C.R. May malungkot itong expression habang nakatingin sakin. Lumapit ito at kumuha ng tissue na malapit sa kinaroonan nya.

"ohhhh" abot nito.

"para san to?" tanong ko pagkatapos kong abutin yung tissue.

"papaiyakan ka na eh" sabi nito.

Napangiti ako ng pilit sa kanya. "obvious ba?"

Tumango ito. "nanlalaki butas ng ilong mo eh"

"hoyyy hindi ahh!" medyo natatawa kong sabi kasi di naman talaga.

"talaga kaya tingnan mo sa salamin"

Di ko nakailangan tumingin kasi alam ko naman na hindi. "kaw talaga" nasabi ko na lang.

Kinuha ko yun. "di ka pa din nakakamove on sa kanya" sabi nito.

Hindi ako sumagot. Kasi theres no point in denying at wala ding kwenta kung umuo ko kasi wala na kong magagawa. Matagal ng wala kaming forever ni Darren.

"pero alam mo girl, di na ko magtataka at di ka makamove on. Putik! sa gwapo na yun Mas gwapo sa ex mong isa na nakita natin."

Ou mas gwapo na siya kay Luigi nagkalaman ang katawan nito at hindi na ito nakasuot ng salamin.

"Hotshot siya girl! grabehhh" pagpapatuloy ni Carmie na nagsimula ng magdaydream dito.

"ang swerte swerte mo sa kanya!!!"

"dati...." sagot ko. "Wala ng kami" dugtong ko pa.

"girl sa kwento mo impossible makalimutan ka nya ng ganung ganun lang minahal ka nya ng todo todo at im sure mahal ka pa din nya kahit slight lang" sabi nito .

"walang impossible Carmie. Tara na" yaya ko sa kanya palabas ng C.R

Nilakasan ko na lang yung loob ko. Nakasunod si Carmie sakin.. Bumalik kami sa kinakakupuan namin. Kasalukuyang idinedescribe ni Darren yung mga sikat na paintings nya.

Ang laki ng pinagbago nya. Ibang iba na siya. Tama kaya ang sinabi ni Carmie na possible pala kayang na baka mahal pa din ako nito?

'stop it Yumi' sita ko sa sarili ko. Kasi ang ambisyosa ko. Alam kong kapag lumapit ako dito baka ipamukha pa sakin nito na nasasabi ko lang na mahal ko siya ay dahil sa kung anong mayroon siya ngayon at ayaw ko yung mangyare. Kasi hindi yun totoo.

Iniiba ko na lang yung iniisip ko pero bakit ganon bakit parang kahit na ang layo-layo ko kapag dumadako yung paningin nya kung saan kami nakaupo. Pakiramdam ko sa akin sya nakatingin.

Come Back to MeWhere stories live. Discover now