Veinte.
"Call the guards. Bring him out of the building.", sambit ng isang babaeng biglang pumasok sa boardroom.
Ang kanilang kapatid ito na babae na ngayon ay nakasuot ng isang knee length, pencil-cut, red chinese collared dress na may accent ng lilies sa gilid.
"I will call the guards in no time Achi.", sambit ni Errol. Tiningnan lang siya ng kapatid niya mula ulo hanggang paa saka nagsalita.
"Go ahead. Call the guards so they would know who to get once they are here. Or maybe, you might want to just go out of this room so we do not have to force you out.", mataray na sambit ng kapatid nila.
"Achi? What do you mean?", naguguluhang tanong ni Errol.
"Are you stupid? I want you out of this room cause you do not belong here."
"I am your only legitimate brother.", pagtatanggol ni Errol sa estado niya sa loob ng kwartong iyon.
"You may be right but Papa did not give you any right to meddle with the business affairs. You have the Tagaytay and the San Francisco property. Stay there. You have no place here in Manila.", walang emosyong sabi ng ate ni Errol sa kanya.
"So I guess, the time has come that you are not allowed to join me in this very table. Pathetic. So unfortunate. Right?", pang-aasar ko sa taong nang-agaw sa akin sa dati kong kasintahan.
"Palakpak tenga ka naman agad? Don't be too joyous. May araw ka rin. Sinasabi ko talaga sa iyo.", pagbabanta niya sa akin bago pa man lumabas ng boardroom.
Agad naman akong nilapitan ni Ernest at ngumiti sa akin saka nagsalita.
"Congratulations on your newest endeavor as part of the board. I am glad you made it. By the way, ok ka lang ba? Pasensya na sa ginawa ni Kuya.", maamo ang tinig niya habang sinasabi ito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ako sa upuan na itinalaga sa akin. Pansin sa mukha ng bawat isa ang tensyon na nararamdaman dulot na rin ng eksena kanina.
Nagsimula ang unang meeting ng board na wala si Mr. Yap. Sa totoo lang, namimiss ko rin ang taong iyon dahil kahit sa maikling panahon na nakasama ko siya bilang boss ay naging mabuti siya sa akin. Marami siyang naituro at hindi siya mapagmataas hindi gaya ni Errol at ng babae niyang anak.
"For those who doesn't know me, I am Erika Divine Yap and I will be the one heading the company from now on. I am expecting the same support that you have given my father. The meeting is adjourned. Thank you everyone.", sambit ni Erika sa board na parang ang taas ng tingin niya sa sarili. Hindi niya pa yata alam na 20 percent lang ng shares ang hawak niya ngayon dahil nahati na sa kanila ni Ernest ang shares ng tatay nila.
"The meeting cannot be adjourned.", sambit ni Mrs. Yolanda Tan, isa sa mga founding members ng kumpanya.
"Why is that?", tanong ni Erika.
"Because just like us, you are a minority share holder.", tugon ng matanda.
"Ha? Our family owns 45% of the company's share. The next biggest holds 38%. How can we be a minority share holder?", mataray na tanong ni Erika.
"Because you split the shares to two thus, making the shareholder of the 38% the new majority stockholder.", sabat ko sa usapan.
"And who are you? I don't seem to know you.", nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"I am Bradley and I work here as a Brand Manager."
"Then why are you here?", pagtataray sa akin ni Erika.
"Cause I also happen to be the majority shareholder. Now, can we all be professional and polite and oh, respectful of one another while we are here in this room?", pagsabi ko na kahit anong bait ng tono ay alam kong nararamdaman ni Erika na gusto ko na siyang hagisan ng silya dahil sa brat attitude niya.
Sa kabilang banda, nakita ko naman sa mata ni Ernest ang pagkagulat sa nalaman. Hindi niya siguro inaasahan. Hindi niya siguro gusto ang ideyang ako na ang may hawak ng pinakamalaking shares ng kumpanya.
Matapos ang tagpong iyon ay napagpasyahan na lang ng lahat na imove ang meeting next week. Hindi na rin kasi maganda kung itutuloy pa gayong mainit na ang palitan ng salita at titig ng bawat isa.
Nang makaalis na ang lahat ay naiwan ako sa kwarto at hindi ko napansin na nandoon pa pala si Ernest.
"Can we talk?", tanong sa akin ni Ernest. Hindi ko alam kung ilang beses niya na akong sinubukang kausapin matapos ko siyang makita kasama ang fiance niya pero wala rin naman siyang matinong sasabihin.
Pero sige, pagbigyan ang hilig hanggang sa magsawa, hanggang sa mapagod kaming dalawa.
"What about?", tanong ko sa kanya.
"Us. We need to talk about what happened and how we should be together now.", sambit niya sa akin.
"Us? Walang 'us'. The only thing between us then is a sex agreement and the only thing between us now is distance.", malamig kong tugon sa kanya saka ko kinuha ang mga gamit ko at akmang lalabas na ng boardroom nang bigla niya akong hinablot at hinalikan sa mga labi ko.
Tinulak ko siya palayo sa akin.
"You want that? You could have asked!", tiim ang bagang at nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanya. Lumapit ako sa kanya at siniil siya ng halik. Marahas kong hinuhubad ang pantalon niyang suot gayundin ang kanyang polo. Nakakaramdam ako ng galit sa kanya dahil ang totoo, umasa ako na kaya niya akong mahalin.
"Tama na.", sambit niya na parang nagsusumamo.
"Di ba ito ang gusto mo?"
"Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.", hinawakan niya ang kamay ko na para bang ako nga lang talaga ang gusto niya kahit alam ko naman na hindi iyon totoo.
"Tangina naman e! Alam ko na nga na may pakakasalan ka na pero bakit hanggang ngayon e pinapaniwala mo pa rin ako na mahal mo ako? This is bullshit Ernest!", sabay ang galit at lungkot sa akin ngayon.
"The engagement was made last year and that is tainted with business motives. Now, if you want me to stop the business partnership so I could stop marrying her then I would; pero do not tell me that we have no future together. I love you too much to stop.", puno ng conviction ang mga salita niya pero sawa na ako maniwala sa salita. Pagod na akong magtiwala sa naririnig lang at hindi nakikita.
"It's great to hear but I do not need words. I don't even need you. I'm going.", pagpapaalam ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas sa kwarto.
Naglakad ako sa blangkong pasilyo patungo sa opisina ko nang may marinig akong ilang kaluskos. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng tunog pero wala akong nakita kaya nagpatuloy na lang akong maglakad.
Nang marating ko ang kwarto ko ay isang tao ang sumulpot sa likod ko.
"Hey! Ikaw lang pala.", sambit ko sa kanya.
"Didn't expect me?", sambit ng kausap ko.
"Not really. O bakit ka nandito?"
"Malapit nang matupad ang plano mo. Baka pwede namang ang plano nating dalawa ang tuparin natin?", ngising sambit nito sa akin na sinundan ng paghalik niya sa aking labi.
***itutuloy***
YOU ARE READING
Kwento ni B (SPG boyxboy)
RomanceHindi totoo ang forever dahil lahat may ending. Buti pa nga sa basketball e napagkakakitaan ang ending pero sa lintik na pag-ibig na iyan e puro na lang sakit. Sana pala e safeguard na lang ang minahal ko para iwas-sakit, sana rexona na lang ang syi...
