Kabanata 4: Ex Lover
Kumakain ako ng cereals nang tawagin ako ng kasambahay namin dahil may kotse daw na itim na pumarada sa labas ng bahay namin at parang may hinihintay.
Ako lang ang sinabihan niya dahil wala ring tao dito sa bahay, lahat ay nasa ospital pa para bantayan ang aking pamangkin na si Juan Mateo Catalan, Matti for short.
Chinito ang baby boy ni Ate Nicole, manang mana sa kanya. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit parang ako lang ang hindi singkit saamin. Wala akong kamukha kahit sino sa mga kapatid ko, kahit kay Nanay at Tatay, pero sabi nila kahawig ko daw yung Tita ko na nasa States.
"Nagbaba siya ng bintana, 'nak!" tili noong kasambahay naming si Manang Fe. "Ang gwapo! Ang puti! Palagay ko mas maputi pa doon sa dati mong boy--" pinutol niya ang sinasabi niya dahil na-realize niyang kumakaripas na ako ng takbo para kunin ang mga gamit ko sa taas.
"Manang, pakisabi po nagttoothbrush lang ako!" sigaw ko bago ipinasok yung toothbrush kong punung-puno ng toothpaste dahil nang subukan kong magmadali sa paglalagay nito ay halos sumabog 'yung lalagyan. Oh well, okay na 'to kesa hindi mag-toothbrush.
Mabilis kong sinuot ang puti kong rubber shoes at kinuha ang toque kong kailangan para sa cooking class mamaya saka ako nagdiretso sa gate nang hindi pa halos nagsusuklay at hindi pa naitatali ang sintas ng sapatos.
Kasi naman akala ko Filipino time si Alden! Sinabi niyang before 6, edi 5:40 andito na siya! Hello, common sense, Maine?
"Good morning!" bati niya, habang nakasandal sa gilid ng driver's seat May hawak siyang brown bag ng isang sikat na coffee shop at iniabot 'yun sakin.
"Breakfast?" ngiti niya, pero agad niyang na-realize na ang dami kong bitbit kaya tiulungan na lang niya akong dalhin at isakay 'yun sa kotse.
"H-hi! Good morning Ang.. ang aga mo!" bati ko pabalik nang mailagay na namin ang mga gamit ko sa cooking class. Umupo na ako a passenger's seat na kanina pa nakabukas ang pintuan. Gentleman naman nito!
"You can't be late for your first class. Strict ang professor mo dun, right?" ngisi niya pagkatapos umikot papunta ng driver's seat at nagsimula nang paandarin ang sasakyan.
"P-paano mo.."
"I have my ways," kindat niya habang nagddrive.
Pagdating namin ng school ay busy na ang lahat ng mga studyante sa paligid. Probably because finals week is coming at nag-aagawan na ang iba sa pwesto sa library to review.
Bitbit ni Alden ang mga gamit ko, pati na 'yung toque at mga baking stuff na gagamitin later. Pinagtitinginan kami ng mga tao. I even heard some snicker from a group of frosh girls sa tabi bago kami umakyat ng stairs. I lood over at them tapos ay nanahimik sila.
What a waste of time. Ganito na ba talaga ang panahon ngayon? Instead of minding your own busines ay ang hihilig makealam ng tao, sa who's dating wwho at who spotted with whom? Ang gaganda pa naman ng mga batang 'yun pero mukhang walang magandang ugali.
"You okay?" tanong niya saakin ng makarating kami sa classroom ko for my first class.
"Yup!" ngisi ko. "Napagod lang ako umakyat ng stairs,"
Jusko, kung alam mo lang Alden. Okay na okay ako!
"Mag-gym tayo next time together para masanay 'yung katawan mo sa work out," tawa niya.
YOU ARE READING
Kailan: A MaiDen Fan Fiction
RomanceMaine Mendoza almost has a perfect life: perfect family, perfect siblings, even a perfect nephew from her Ate Nicole. Maganda at masaya rin ang buhay niya sa college at malapit na siyang makapagtapos ng Culinary Arts, konting tiyaga na lang. Kaso...
