Kabanata 27
Yusef's POV
As much as I want to wrick the face of that asshole mas importante parin na nasa tabi ako ni Kelly. Nasa pribado na syang kwarto ngayon dito sa hospital pero hindi parin sya nagigising. Kasalukuyan paring ginagawa ang mga test kung bakit bigla nalang syang hinimatay kanina. I'm so worried. At sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina gustong gusto kong sugurin ulit si Jake at bugbugin. Magbabayad sya sa ginawa nya kay Kelly.
Hawak hawak ko lang ang mga kamay nya habang natutulog. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha nya. Putlang putla ito at bakas sa mukha ang pagod. Hindi nya naman kailangan sanang akoin lahat ng responsibilidad para sa anak namin. She could've just told me. Hindi nya sana naranasan ang lahat ng ito. Napalingon ako sa pinto ng mahina itong bumukas. Iniluwa doon si Yilee na bakas din sa mukha ang pag'aalala.
" How is she? " tanong nito ng makalapit ito sa paanan ng kama ni Kelly. Humugot ako ng malalim na hangin. Napakabigat parin sa akin na nangyayari ito sa kanya na wala man lang akong magawa.
" Wala paring malay. Hanggang ngayon wala pang result ang mga test na ginagawa ng mga doktor. " kahit iniiwasan kong hindi kabahan pero hindi ko parin mapigilan ang utak ko na mag'isip ng mga posibilidad. " Kinakabahan ako. " mahina kong sabi sabay halik sa kamay ni Kelly. Naramdaman ko ang paghawak ni Yilee sa balikat ko.
" Kuya don't think too much. Baka naman stress lang sya sa work. Or baka naman buntis na naman sya. " hindi ko nalang tinanong kung papano nya nasabi na baka buntis lang si Kelly. Sana nga ganun lang ang rason kung bakit sya nahimatay. Sabi kasi ng katulong nila sa bahay ilang araw na itong may sakit kaya hindi nakakapasok sa trabaho. Tapos nangyari pa ang ganun sa kanya kanina. I swear, kapag may masamang nangyari kay Kelly magbabayad ang gagong yun.
" By the way, ginawa mo naba ang pinagawa ko sa'yo? " tanong ko sa kanya. Ngumiti ito.
" It's over and done Kuya. Tinawagan ko na ang lawyer natin to file the case against Jake. I can't believe he did such things to Kelly. Pinagkatiwalaan pa naman nya ito. " sagot nito habang nakatingin parin kay Kelly. Kahit ako hindi rin makapaniwala. Yes, Jake is an asshole but I can't imagine he can do that to Kelly. Pero kasalanan ko rin naman. Kung hindi ko pa sya tinalikuran noon sana hindi nya nararanasan ang lahat ng 'to.
" How's Clark? " tanong ko ulit. Napagdesesyonan ko narin kasi kanina na sa bahay ko muna si Clark pati ang yaya nito. Iyak pa naman ito ng iyak kanina habang kausap ko sa phone. Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil wala namang ibang titingin kay Kelly dahil nasa probinsya raw ang mga kapatid nito. Kaya tinawagan ko agad si Yilee para kunin si Clark sa bahay ni Kelly at ihatad sa bahay ko.
" He is okay when I left him. My ghad Kuya he really looks like you. He is so gwapo. Kelly really did a great job to raise your son. Ang talino pa. " napangiti ako. Nakikita ko nang magiging spoiled sa kanya si Clark. Giliw na giliw kasi ito sa anak ko. Wala na itong bukam bibig kanina sa phone kundi papuri para sa anak ko nang magkita na sila. Syempre proud na proud naman ako dahil anak ko ito. At mas proud ako kay Kelly. Yilee is right, she really did a great job. Kahit sya lang mag'isa ng mga panahong yun nakakaya nya para lang sa anak namin. But now that I'm here, hindi na nya mag'isang haharapin ang lahat. Because I'm here now. May mga pinag'usapan pa kami ni Yilee. Natigil lang kami ng pumasok na ang doktor. Napatayo agad ako.
" Are you the husband? " tanong nito. Nagkatinginan kami ni Yilee tapos ay bumaling ako kay Kelly na wala paring malay hanggang ngayon. Saka ako tumingin ng diritso sa doktor.
" Mapapangasawa nya pa lang po. Ano pong resulta dok? May problem ho ba? " tanong ko na agad. Kinakabahan na kasi ako.
" Wala ba syang kapatid o malapit na kamag'anak man lang? " tanong nito ulit. Umiling ako. Masyadong malayo ang mga kapatid nya sa ngayon kaya ako lang naman ang malapit sa kanya. Humugot muna ito ng malalim na hininga.
YOU ARE READING
The Director's Cut (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series III The Yusef Ibarra and Kelly Palma Story A kind of love that even just a movie become reality
