Chapter 4.5

6.7K 286 19
                                        

Chapter 4 ( Part II )

** Emperia Academy **

Heather POV

" A-ano pong klaseng T-test? " shete na malagkit! Naiihi na ko! Pwede bang time first muna?

Hindi parin nawawala ang ngisi nya. Umupo na rin eto at kinuha ang kanyang ball pen na kulay blue.

Wow! Astig! Adik siguro si sir sa blue.. XD

Pero lumaki ang nga mata ko ng makita kong ang ball pen kanina ay naging isang punyal na! Pinaikot nya ang punyal at hinawakan ang matulis na bahagi neto. Nakaharap naman sa akin ang hawakanan ng punyal.

Naguguluhang tiningnan ko sya.

Anong gusto nya? Sugatan ko kamay ko? No way! Bleeeeeh! XP

" Yes, I want you to cut yourself ." nakangiti pa rin nyang sabi. Sira na ba sya? Gusto nyang saktan ko ang sarili ko? Ha! At teka?! Nababasa ba nya ang nasa isip ko? Ah, baka naman hindi.. Baka halata lang sa mukha ko ang mga iniisip ko.

Yeah! Tama! Tama! * tango-tango

" Haha! You're so gullible, Heather. Kailangan mo lang namang hiwain ang palad mo. Ganito kasi yan, kapag maghilom ito merong papalit na isang ancient symbol dun mismo sa pinagsugatan mo. " aaah, ganun ba yun? Kinuha ko na sa kanya ang punyal at akmang hihiwain ko na ang palad ko ng magtanong ulit ako sa kanya.

" P-pano po kung walang lumabas? " nag-aalala kong tanong sa kanya nakita ko namang napangisi sya ng malaki na syang nakadagdag ng kaba sa dibdib ko.

" It means that YOU are NOT one of us. And we're gonna sent you back to where you came from. Pero, hindi naman yun mangyayari dahil Hindi ka naman isang MORTAL, hindi ba? So go on. "

Nilalamig nako. May alam ba sya? Dahil kung hindi nya alam hindi nya ako titingnan na para bang nagsususpetsa. Natatakot nako. Harbon!

Kagat ang ibabang labi ko ay dahan-dahan kong nilapit ang palad ko sa punyal. Nanginginig na ang mga kamay ko. Huminga muna ako ng malalim at pumikit. Walang sabi sabi ay sinugatan ko ang palad ko.

Nakakapagtaka namang wala akong nararamdamang sakit o hapdi. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang sugat ko na nagdurugo. Pumapatak na ang dugo ko ng mapansing unti-unting naghihilom ang sugat ko at napalitan ng isang simbolo na di ko alam.

Napatingin ako agad kay headmaster. Nakangiti na ito at tumatango-tango.

Hindi ko alam na nakangiti na pala ako.

So, ibig bang sabihin pasado na ko?

Nakatingin pa rin ako kay headmaster ng bigla itong nagsalita.

" Yes , pasado ka na. Congratulations! " pumalakpak naman sya at sobrang laki na ng ngiti neto.

Diba dapat ako yung masaya? Ba't parang dinaig pako neto?

Maya_maya pa'y bumulanghit na sya ng tawa.

Tsk.tsk.tsk Si Headmaster na adik sa blue ay may sayad.

Hindi parin sya tumitigil ng kakatawa kaya tumayo nako.

" Ahmm, sir? Kung mamaya pa kayo matatapos kakatawa, pwede bang mauna nako? " magalang kong pagkakasabi sa kanya. At tsaka isa pa, gustong gusto ko ng maligooo! Kating-kati nako sa nilagay kong ointment sa katawan para lang matakpan ang mga tattoo ko sa katawan.

May iniabot naman si Headmaster sakin at nalaman kong schedule , dorm keys, and locker keys ko pala to. Nagpasalamat nako kay headmaster na patuloy pa ring tumatawa at umalis na.



Headmaster Lewis POV


Katulad na katulad ka talaga ng mga magulang mo Heather. Pasaway! Sana nakita ka man lang nila.

Sana maging handa ka sa matutuklasan mo. Huwag kang mag-alala tutulungan kita gaya ng pinangako ko sa mga magulang mo.

Kinuha ko naman ang kwintas na suot-suot ni heather pagkabata.

Ibibigay na kita sa tunay na nagmamay-ari sayo. Matulungan mo sana sya.

__________

Naglalakad ako ngayon sa corridor habang nakatingin sa class schedule ko. Kinakabisado ko ang mga magiging subjects ko. At ito ang magiging subjects ko...

Weekdays

Mon-Wed :

8-9 a.m : Potion Making

9-10 a.m : History

10-11 a.m : Upgrading

12 noon : Lunch Time!

1-3 p.m : Free Time!!

3-6 p.m : Training

Thu-Fri :

8-10 a.m : Pre-test

10-12 noon : Advance Test

12 noon : Lunch Time!

12-3 p.m : Clubs

4-6 p.m : training

______

Ok lang pala ang mga subjects ko. Woooh! Hindi na kami pinapakuha ng mga subjects na tulad ng math, english o yung iba. Sabi kasi sakin, na every last day sa 3 weeks dun lang kami papakuha ng test sa ganyang mga subjects.

Ang hirap no? Pero wala ey! Rules are Rules.

Nakaharap nako sa isang pintuan na may naka paskil na no. 33743 . Ito raw kasi ang magiging dorm ko at sabi pa nila may makakasama daw ako. Bale Tatlo kaming magkakasama kasama nako.

Sana magkasundo kami. Ho! Eto na Heather! Buksan mo na!

Huminga muna ako ng malalaim at binuksan ang pinto.

Nagulat nalang ako kasi may pumutok, agad akong napatingin sa mga may hawak ng mga party poppers. At nakita ng mga mata ko ang dalawang babae , ay! Mali pala! Isang babae at isang pusong babae.

Nakatanga pa rin akong nakatingin sa kanila at ngumisi naman sila. Walang pasabi ay sumigaw sila.

" WELCOME IN EMPERIA ACADEMY !!! OUR NEW DORMIE!!!! " both

Awts! >∆<



*******

Hay! Hay! By the way, gusto kong magpasalamat sa mga nag vote.

Xie xie, mèn!

At tsaka, dun sa mga nag comment! Haha.. Salamat! O. A mang pakinggan pero super natuwa talaga ako! XD

@Pauline_Verna
@acer_07
@erika18s
@cuTyCjxd

Yan! Tsaka dun sa iba... Salamat!
Sana patuloy nyo pa pong basahin etong simpleng story ko... :3

Kitakits, sa next UD ko! XD

Mwaaahugs!

~narra21


The Curse Eyed PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz