Committed - Fifteen

30 3 0
                                        

Ivana Nadine Soriano

Tinotoo ni Stephen ang sinabi niya. Seryoso siya sa panliligaw niya. Araw araw niya akong binibigyan ng kung ano ano at araw araw ko rin siyang tinatanggihan. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lumayo siya. Sa ginagawa niya pakiramdam ko malapit na akong bumigay at hindi pwedeng mangyari yun. Ayokong makaaway si Trinity. Ayokong masira yung sa amin ni Cloud. Ayoko ng gulo.

Palapit sa akin si Stephen kaya naman agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis mabuti na lang at naglalakad si Cloud papunta sa canteen kaya naman agad ko siyang nilapitan.

"Ulap!" Sigaw ko sabay takbo sa kanya.

"Ayan na ang chix mo!" Sigaw nila Bradley. Siraulo talaga ang mga ito.

"Bakit prinsesa ko?" Malambing niyang tanong sa akin.

"Wala lang..." Sabi ko saka ako kumapit sa braso niya.

Napatingin ako sa direksyon ni Stephen. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at kung paano siya nagpipigil ng galit niya. Iniwas ko rin agad ang tingin ko.

"Sasagutin mo na ba ako?" Tanong niya. Saka tumawa.

"S-Sira ka!" Hinampas ko siya.

"Nads, may laban kami mamaya. Nood ka. Para ganahan na maglaro yang boyfriend mo." Sabi ni Bradley.

"Gago!" Sigaw ni Cloud.

"Ayaw mo kong manood?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre gusto!"

Ngumiti ako. "Sige manonood ako." Sabi ko. Nginitian niya ako pabalik.

"Sigurado ng panalo kami nun."

"Bakit naman?"

"Kasi andun ka. Ikaw ang lucky charm ko." Sagot niya. Tumawa ako.

"Ang corny mo!"

"Sayo lang ako ganito."

"Aba! Dapat lang!" I pinched his nose.

Nagtatawanan kami ng lumapit si Stephen kasama si Trinity.

"Aba ito pa ang isang may ka-forever!" Pang aasar nila Bradley.

Napailing na lang si Cloud. "Ikaw kasi hanapin mo na ang ka-forever mo." Sabi ni Cloud.

"Nahanap ko na. Ang kaso hindi ko alam kung ka-forever niya rin ako." Sagot ni Bradley.

"Aww! Sakit!" Kantiyaw ng mga kasama pa namin.

"Hey! Kayo na ba?" Tanong ni Trinity sa amin.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Nako! Sagutin mo na yang si Cloud baka mamaya maagaw yan sayo. Kaya itong si Stephen binabantayan ko baka may haliparot na umagaw sa kanya."

Napahigpit ang hawak ko kay Cloud. Nagtatakang napatingin sa akin si Cloud.

"Ewan ko ba naman kasi sa ibang babae, alam na nilang may girlfriend na lalandiin pa nila. Pero alam ko namang hindi ako ipagpapalit ni Stephen. Loyal 'to eh. Kay dapat ikaw sagutin mo na si Cloud. Sigurado naman ako na loyal din yan sayo." Sabi ni Trinity.

Pilit akong ngumiti. Parang gusto ko kainin na lang ako ng lupa. Nagguilty ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi niya alam ang ginagawa ni Stephen.

"Ayos ka lang ba?" Bulong ni Cloud.

"C-Cloud... Ano... Alis tayo dito please..." Sabi ko.

Naguguluhan man siya sa inakto ko, sinunod niya naman ako. Nagpaalam kami saka kami nagpunta sa pinakamalapit na coffee shop.

"Napano ka kanina?" Tanong niya.

I sighed. "Siguro dapat ko ng sabihin sayo..."

"Sabihin ang alin?"

I took a sip on my coffee. "Si Stephen... Nililigawan niya ako."

"Ano?!" Halata ang pagkagulat sa mukha niya.

"Si Stephen nanliligaw sa akin." Frustrated kong pagkakaulit. "Pilit ko siyang tinutulak pero lapit siya ng lapit sa akin at nakakainis na."

"Tangina." Cloud cussed.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Ayaw niyang makinig. Gusto kong lumayo na siya sa akin kasi hindi tama. May Trinity na siya tapos may nabubuo na sa atin."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko hahayaan na tuluyan ka niyang mapa-oo. Sa akin ka lang. Tangina ang tagal kong naghintay hindi ko hahayaan na bigla ka na lang niyang kukunin sa akin." Sabi niya.

"Cloud, umiiwas ako. Ayoko rin na masira tayo. Ito na eh. Unti unti na akong nahuhulog sayo... Please lang Cloud saluhin mo ako."

Ngumiti siya. "I'll gladly catch you at hinding hindi kita papakawalan."
-
Nasa may court kami para panoorin ang laban nila Cloud. Nakaupo ako sa bandang harap para agad akong makita ni Cloud. Kinawayan ko siya at kumaway siya pabalik sa akin.

Nainis ako ng may biglang tumili mula sa likod. Feeling ata nila sila ang kinawayan ni Cloud.

"Ang gwapo mo Cloud!" Sigaw ng isang babae sa likod ko.

"Sht! Cloud! Pakasalan mo na ako!" Sigaw ng isa pa.

Agad na kumulo ang dugo ko. Kung di lang talaga nakakahiya pinaguumpog ko na yung mga babaeng 'to.

Nagsimula na ang game sa tuwing makakashoot si Cloud nagtitilian yung mga babae. Ito ata ang fansclub ni Cloud eh. Nakakarindi sila.

Lamang yung kalaban ng ilang puntos. Inis na inis na sila Cloud dahil hindi nila mahabol. Si Stephen kanina pa sumusulyap sa gawi ko. Hindi ko alam kung nananadya ba siya. Nandito si Trinity pero yung mga mata niya sa akin nakatingin. Isa pa siya. Nabbeastmode ako ng mga tao dito.

Isang puntos na lang ang hinahabol nila Cloud. Kinakabahan ako para sa kanila. Alam kong gustong manalo ni Cloud dito lalo na si Kuya.

Ilang segundo na lang at matatapos ang laban. Na kay Cloud ang bola. Siya na lang ang pag asa nila para manalo. Nag isip ako ng pwede kong gawin para lumakas ang loob niya. Ginawa ko ang pinaka unang bagay na pumasok sa isip ko.

"Cloud! Ipasok mo yan! Pagnapasok mo yan tayo na!" Sigaw ko. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin pati ng iba pang naglalaro.

Ngumiti siya sa akin at saka kumindat. He dribbled the ball and threw it towards the basket. Lahat kami naghihintay. Parang nagslow motion ang lahat.

Pumasok ka... Please.... Pumasok ka...

Shoot!

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 13, 2015 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

He's CommittedOnde histórias criam vida. Descubra agora