Chapter 3

8.2K 169 6
                                    

"Besh, kamusta naman training?" tanong ni Ella kay Den.

"Okay naman, nasasanay na ulit yung katawan ko, hahahaha!"

"Kamusta naman kayo ni Ly?"

"Ahm, ganon pa din, tanguan lang."

"Ang hirap nyan for sure."

"Yeah, lalo na kung gustong gusto mo nang kausapin yung tao."

"Pero sa loob ng court? Okay kayo?"

"Yep, we're not a mess naman pag sa court, we're playing professionally, set aside those personal fucking problems."

"Hahahaha!! Yeah right. Pero Besh, hindi naman pwedeng forever kayong ganyan, right?"

"I know.. hindi ko alam, tsaka na, when it feels right."

"Haaaay nako. Naalala ko na naman yung nagkagalit kayo ni Ly nung college, gantong ganto din."

"Hahaha! Kasi mahal ko na sya nun.."

"Ngayon?"

"Kasi minahal ko sya."


Kakatapos lang ng training ng PLDT. Almost a month before SVL conference starts. At usap usapan na din ang pagbabalik ng pinaka minahal na tandem nung UAAP.


Syempre, sino pa ba?


AlyDen!


Pero mukhang yung dalawa ang hindi naeexcite. More on pressured.


Ikaw ba naman ang hindi makipag usap sa isang kateam mo?



Den's drinking gatorade ng may tumamang bola sa kanya causing the gatorade to spill at matapos yun sa damit nya.



"What the f???" galit na sabi ni Den. Saan nanggaling tong bola e tapos na training at nag uwian na yung teammates nya.

"So---sorry," napatingin sya dun sa nagsalit, si Ly. Natahimik naman silang dalawa. Define awkward.

"As if matutuyo nyang sorry mo yung damit ko," sabi ni Den, nagulat din sya sa sinabi nya, ang bitchy.

"Di ko naman sinasadyang mabasa yang damit mo," sagot ni Ly, nainis sya sa sagot ni Den sa kanya.

"Yeah right," sabi ni Den tas naglakad paalis.

"WHAT'S YOUR PROBLEM?!" biglang sigaw ni Ly kaya nagpantig naman yung tenga ni Den, ayaw nya ng sinisigawan sya.

"DON'T YOU DARE SHOUT AT ME!" sigaw nya pabalik.

"Oh, you hate nga pala when someone's shouting at you!" sarcastic na sabi ni Ly.

"Problema mo?!" tanong ni Den.

"Ikaw tinatanong ko nyan! I said sorry di ba?! Tas ang bitchy ng sagot mo, ang gago lang."

"Ayaw mo nun? Quits lang tayo? Ginago mo ko, ginago kita? All's fair?" sarcastic na sabi ni Den. Natahimik naman si Ly.

"Oh, hindi pala panggagago yung makahanap agad ng iba after makipagbreak, take note, after a month lang..."

"Hindi panggagago yun, kasalanan bang makahanap agad ng iba? And for the record, sinong bang unang sumuko?"

Almost No More.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon