Sumunod na araw, tumawag si Stefani at sinabing nakarating na daw siya sa Hong Kong. Laking tuwa naman ng dalawa.
*Marcelo*
Nakaalis na siya. Paano na yan? Sinong magluluto? Sinong mag-iimis ng bahay? Sinong maglalaba?
"Kuyaaa! Aalis na po ako." sigaw ni Allycea. Aha! Naririto nga pala ang nakababatang kapatid ni Stefani.. Siya! Siya ang gagawa ng mga gawaing bahay.. Nakaramdam naman si Marcelo ng ginhawa dahil ayaw niya talaga sa lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. Dahil wala ang kaniyang asawa, malayang gawin ni Marcelo ang gusto niya. Gabi-gabi nag-iinom siya. Malma ang kaniyang paninigarilyo na akala mo'y ngayon lang nakatikim ng sigarilyo. Sa madaling salita, mas naging masama ang kalagayan ni Marcelo mula nang umalis ang kaniyang asawa.. Sa tuwinang magpapdala ang kaniyang asawa, libu-libo ang nagagastos ni Marcelo para lamang bumili ng mga mamahaling relo, mga makukulay na damit, koleksyon ng mga kotseng maliliit, mga sigarilyo't alak at pulutan. Nilulustay niya ang pera na pinapadala ni Stefani.. Pero walang alam si Allycea. Ginawa lamang ni Allycea ang bilin ng kanyang ate, ang manirahan kasama ang kanyang Kuya Marcelo upang hindi ito makapagdala ng ibang babae sa kanilang tahanan.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Stefani
RastgeleAno ba ang kaya nating gawin dahil sa pag-ibig? Kakayanin ba nating magtimpi? O magpapadalus-dalos lang? Ang pag-ibig ay sineseryoso, lalo na ang pag-aasawa. THIS STORY IS IN TAGLISH. PERO MORE ON FILIPINO PO. Not advisable for readers below 12 year...
