One: Heart Like Yours

65 1 0
                                        

" Bwiset! Ang kapal kapal kapal niya talaga! Ang kumag na yun hindi nahiya na nahuli ko siya tino-two time ako! " sigaw ko.

" Hoy Rain, pinagtitinginan na tayo oh, maghunus dili ka babae. " sabi ni Lorelie habang pinapakalma niya ako

" Tsaka maawa ka naman sa lamesa oh! Walang kasalanan pero binubugbog mo " dagdag ni Lorlene.

Sina Lorelie and Lorlene ang kambal kong mga BFF's

" Sorry lamesa, naiimagine ko kasi pagmumukha ng walang hiya kong EX "

Nang nakita ko ang mukhang unggoy kong EX na may kahalikang ibang babae, sinipa ko ang kanyang my precious (yung sa gitna ng kanilang paa? Alam niyo na yun) He called me names but the fuck I care. At ang gago, ako na nga ang niloko, siya pa ang galit. Sarap sipain ulit.

" Oh ayan, nasisiraan na ng bait " sabi ni Lorlene

" Kainis! Totoo pala talaga ang sinasabi nila na isa siyang manloloko, feeling gwapo, two-timer! Yung mukhang pwet na yun! "

" Kung nakakalimutan mo, nainlove ka sa tinatawag mong mukhang pwet "

Sila nga talaga ang aking BFFs as in BWISET FRIENDS FOREVER.

" Alam niyo hindi kayo nakakatulong eh. Mas nabwibwiset ako pag kinakausap ko kayo "

Nag-appear ang dalawa. Kambal tuko talaga.

" Tara na nga baka pababayarin sa akin tong lamesa " sabi ko.

Tumayo na kami. Lumabas na kami sa cafe and preparing ourselves to go separate ways.

" Bye Bitterella. See you at school bukas. LOVE YOU " nagflying kiss si Lorlene

" Hindi kaya ako bitter. Sadyang walang kwenta ang lalakeng yun. "

" That's what bitter people say " sabi ni Lorelie

Nagtakbuhan na ang magkambal bago ko sila matamaan ng aking high heels. Nakadrugs ba ako nung nakipagkaibigan ako sa kanila? Nah. Kidding. Whatever happens kahit gumunaw man ang mundo I wouldn't trade them for anything else. Naks kumukorni na ako.

While I was walking, suddenly umulan.

" FUCK! " I shouted out of frustration. Wala pa akong dalang payong. I didn't make an effort to protect myself from the rain. Hindi ako sumilong. I just kept walking. Tutal, what for? Basa naman ako.

HETO AKOOO~ BASANG BASA SA ULAAAAAN~

Sarap tuloy gumawa ng music video.

Bukod sa mukhang pwet kong EX, pinakaayaw ko ang ULAN. Why? Kasi naalala ko ang pag-iwan sa akin ng tunay kong nanay. Sabi ni Mudrakels, nakita niya ako sa harap ng kanyang beauty parlor habang umuulan. Kaya pinangalanan niya akong " Rain ". Hay naku, idagdag niyo pa na umuulan nung nahuli kong lumalandi EX ko.

PURO LANG BA KAMALASAN NANGYAYARI SA AKIN PAG UMUULAN?!

May sabi sabi na nagrerejoice ang heaven pag umuulan. So, sinasabi niyo bang nagrerejoice ang heaven sa kamalasan nangyayari sa akin pag umuulan? Ganern?

Nakarating na ako sa bahay at nakita ako ni Mudrakels.

" Bebelu, ano ginagawa mo dyan? Umuulan ng bongga. Pasok ka ditenes! Imbyerna kang bata " Pumasok na ako " Hintay lang iha, gucci ako ng towel "

Have I told you that my Mudrakels is gay? Siya ay si Ariel sa umaga at...Ariana sa gabi.

Bumalik siya na may dalang towel at pinunasan ang aking buhok.

" Saan ba yung boylet jowabels mong fafa? "

Ayan na naman. Ang lechugas na mukhang pwet.

" Wala na kami. " walang emotion kong sabi.

When Rain FallsWhere stories live. Discover now