"I'm really sorry Hon." sambit ko habang yakap ako ni Luke. Hindi ko napigilan ang umiyak.
"Sshhh... Stop crying." at lumuhod ito sa harap ko. "Ayokong makita kang umiiyak ng ganyan. I'm so sorry kung nagalit ako sayo. Nadala lang ako ng selos ." paliwanag nito while holding my hand.
"Hindi ko na uulitin yun. Promise. Hindi na magiging matigas ang ulo ko. Susundin na kita palagi. Just don't break up with me please."
Nagulat na lang ako ng halikan niya na lang ako bigla. It was long and passionate kiss. Oh! I miss his kiss. Kusa ng pumulupot ang mga kamay ko sa kanyang batok. I really love this man so much.
"Iniisip mo na makikipagbreak ako sayo?" kunot noong tanong nito sakin matapos ang kissing scene namin.
Napatango na lang ako.
"Hindi sumagi sa isip ko na iwan ka. At kahit kelan hindi mangyayari yun. So stop thinking that idea."
At niyakap ako nito. Ang sarap sa pakiramdam na malaman mo na hindi ka kayang iwan ng taong mahal mo.
After that drama okay na ulit kami ni Luke Andrew. I know madami pa kaming pagdadaanang trials tulad nito. And I'm sure it will make our relationship more stronger.
"Sabay tayong umuwi mamaya. Gusto kong bumawi sayo."--Luke.
"Okay. I'll wait for you na lang
sa library may ireresearch din kasi ako."
"Sige. I will pick you up there. Pumasok ka na. I love you." and he kissed me in the forehead.
"I love you too."
At pumasok na ko sa loob ng room. I saw Trisha smiling at me. And I smiled back at umupo na ko sa tabi.
"I told you everything will be alright. Couz loves you so much. Seloso nga lang talaga." Trisha said.
"Nag over react lang siguro ko. I'm just so afraid na iwan niya ko."
"You are really inlove with him. And I'm so happy for the both of you. One more thing bessy please keep your distance to Anton."
Buti na lang at wala pa si Anton at hindi niya naririnig ang sinabi ni Trisha.
Tumango na lang ako bilang pag sang ayon sa sinabi niya. Siguro nga dapat muna kong dumistansya kay Anton.
YOU ARE READING
Wanted : Bestfriend
Teen FictionPaano kung ang taong gusto mong maging bestfriend ay ayaw sayo? Will you still find a way to get close to him or titigilan mo na lang dahil sa cold treatment at pagsusungit niya sayo. Paano naman kung magbago ang ihip ng hangin. In just a snap hind...
