Chapter 37 (Father)

22.8K 698 7
                                        

THIRD PERSON'S POV

Natutulog pa rin si Hailey at hindi nagigising. 3 weeks na itong tulog. Habang si Kurt naman ay sobra na nafrufrustrated. 


Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyare at wala siyang magawa doon. Ayaw naman niyang sumabatan sa telepono ang childhood bestfriend niya na si Krissy. Na nasa States na ngayon.


"It's my f*ckung fault." tapos tinapon niya ang bote sa basurahan.


"Hindi mo kasalanan, bro. Walang may gusto." pag-aalo sa kanya ng bestfriend niyang si Bryan.


Nasa bahay sila ngayon ni Kurt at nag-iinuman. Pero silang tatlo lamang. Ang mga magulang ni Kurt ay nag-attend ng meeting sa may Bulacan. Para sa business ng kompanya nila.


"Magigising rin siya at gagaling lahat ng mga tama niya." sabi pa ni Gian.


Pero parang wala siyang narinig at nakatutok siya sa cellphone na hawak niya, na nagbabakasakaling may maganda ng nangyare kay Hailey.


Napabugtong hininga na lang ang dalawa.


Sa isip isip nila ay naaawa na sila dito sa kaibigan nilang si Kurt. Palaging tulala at wala sa wisyo.


At kahit papano ay gusto na rin nilang magising ang naging kaibigan nila sa maiksing panahon. Naging malapit na rin kasi sila rito.


"Pare, una na kami. Paki-inform na lang, kung may nangyare na kay Hailey." tapos tinapik ni Bryan ang likuran ni Kurt.


Tumango lang ito at hinayaang makaalis ang mga kasama niya.


*ring ring*

He accepted the call from his phone. 


[Kurt? Nasan ka?] tinig ng isang babae.


"What? Nasa bahay. Why?"


[Kung pwede sana ikaw muna magbantay kay Hailey... Ano kasi...]


"Okay. I'll be there." then he hang up the call.


Tumayo na siya at tinext si Kylie na papunta na siya.


----


Kasalukuyang nag-iisip siya sa tabi ni Hailey. Na tulog na tulog pa rin.


'What if I saved her from Krissy? Hindi ba ako mangungulila. I miss her. damn! Kailan ba siya magigising?' sabi niya sa sarili niya.


Hinawakan niya ang kamay nito kahit alam niyang may kasalanan pa rin siya. Gusto niyang humingi ng patawad ng paulit ulit dahil hindi niya naprotektahan ang taong mahal niya.


Ang bawat ngiti niya at tawa ay nakakapaggaan sa pakiramdam niya pero ngayong nakikita niyang may mga benda ito sa katawan ay nasasaktan siya ng paulit ulit.


'Please, wake up...'


Sabi ng utak niya.


Hindi alam ni Kurt na darating ang ama ni Hailey ngayon galing sa business trip mula sa Japan. Dumeretyo ang ama ni Hailey sa Pilipinas para manatili muna sa mga anak niya.


Pinihit ng isang lalake na nasa mid forthies ang pinto kung nasan naka confined si Hailey.


Nagulat ang matandang lalake ng makita niya ang kamay ng isang binatilyo na nakatingin at nakahawak sa kamay ng anak niya.


He cough. Para mapansin siya ng binatilyo.


Napalingon ang binatilyo sa matandang ama ni Hailey.


"Who are you young man?" Father's Hailey asked.


"I'm Kurt. Kurt Magnus Cheung." Magalang na sabi niya sa matanda.


"Kaano-ano mo ang pamilyang sina Luis Chueng?"


"He's my father." Tugon ni Kurt sa matanda.


Gulat ang nakita sa mga mata ng matandang lalake. "So, you're only child, from the family Cheung. And why you here? Kaibigan ka ba ni Hailey?" Tanong ng lalake.


"She's not my friend, mister." Magalang na sabi niya sa matanda.


"Not? Ano mo ang anak ko?" Takang tanong niya ulit sa binata. 


Inayos ng matanda ang hawak niyang case at inilagay sa isang upuan.


Gulat na gulat na napatingin siya sa matanda.


'Her father?'


"I'm sorry, but if I tell you. You wouldn't believe at sa tingin ko po ay tututol kayo." Sabi ni Kurt sa matanda.


Halatang walang kaalam alam ang matanda sa sinasabi ng binatilyo.


"What's your relationship? If your not friends, what is your relationship, young man?"


"I'm his boyfriend, and I love her."







When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|Where stories live. Discover now