Chapter 35 (I'm Sorry)

23.4K 668 23
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



CHAPTER 35 (I'm sorry)

"Hindi ka talaga nakikinig no?! Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha mo! How dare you! Mang-aagaw!" sinabunutan niya ako ng malakas nanggigil siya ng sobra.


Naiiyak akong pinipigilan siya sa pagsasabunot sa buhok ko.


"Krissy tama na."


"Layuan mo muna si Kurt! Layuan mo siya! You bitch! Akin lang siya! Akin lang!"


Nasa taas kami ng roof top. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito at paano niya naalaman na nandito ako.


"Wala akong ginagawa sayo, Krissy! Nagmamahalan lang kami. Tsaka hindi ko siya inagaw."


"Oh really? Wala kang ginawa? Tsaka what? Nagmamahal ka? Eh nagmamahal rin naman ako eh!" natulala ako ng sinabi niya na mahal niya si... Kurt?


"Paano mo siya mama--" hindi niya tinapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya.


"Kasi una palang mahal na niya ako! Ikaw lang naman ang mang-aagaw dito eh. Mahal niya ako! Mahal na mahal. Kaya nga may engagement ring ako eh. Kasi kapag lumaki na kami ay papakasalan niya ako! Kasi ako! Ako lang! Kami ang magpapakasal pagdating ng panahon!"


Speechless ako sa sinabi niya. So, may engagement ring siya kay 


Kurt? Paano? 


Naguguluhan ako!


"Wala akong naiintindihan, Krissy..." nakayukong sabi ko.


Tumawa siya ng malakas. Na para siyang nagwagi.


"OH Hailey, Hailey. The poor Hailey. Kasi nga mahal niya ako! Look at this. Ring..."


Napatingin ako sa suot suot niyang kwintas. Meron ngang maliit na sing-sing. Halatang luma na at maliit ang butas ng singsing. Ibigsabihin...


"Totoo yan, bitch! Wag kang ilusyunada!" tapos sinugod niya ako ng sampal. Hindi pa siya nakuntento at tinulak niya ako.


When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon