CHAPTER TWENTY ONE
"Goood Morning!!!!"
Nagising ako sa matinis na boses ni Carmie. Tinakpan ko yung ulo ko ng unan para makatulog pa. Inaantok pa ko eh. Saap sarap matulog.
"uyyy Yumi! gising na anong oras na nu. Look ang sabi sa clock mo dito sa table 10 am na"
Pagkasabi nya nun bigla akong napatayo. "what the 10am na??" gulat na tanong ko. Bigla itong tumawa. "joke! hahahah 8am palang"
"Asar ka Carmie" sabi ko at bagsak ulit sa kama. Hindi talaga ko morning person kaya naman ang gusto kong gawin ngayon at lagyan ng scotch tape ang bibig ni Carmie ng tumahimik.
"pero reallly ano bang ginawa mo at puyat ka ha? naalimpungatan ako kagabi nakita kitang gamit yung pc mo" usisa nito.
Di ako sumagot. I'm too sleepy.
Ilang saglit pa nakaramdam ako ng ng malamig na tubig na pumapatak sa mukha ko. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Carmie na may hawak ng pitsil.
"Ahhhh . Anu ba?!" sigaw ko.
Tumawa ito ng malakas. Nakakainis talaga napilitan na tuloy talaga kong bumangon. Naghilamos ako at nag toothbrush pagkatapos ay tinulungan ko siya sa pagluluto ng fried chicken.
"ano susuot mo?" tanong ko.
"simple lang tulad dati" sabi nito.
Hanggang sa dumating ang 1pm bumalik na si Carmie sa condo nya. Para makapag ayos. nagsuot ako ng medyo mas elegant sa mga sinusuot ko kesa nung mga nakaraang cinover namin ni Carmie. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang ayos ko , nakasuot ako darkblue highwaist dress na may color beige na top na tinernuhan ko man ng kulay beige na sandals naglagay ako ng kaunti make-up katulad ng gawian ko.
Kinuha ko yung beige ko na bag at nilagay yung mga kailangan ko 2:30 okay na ko prepared na for the Art exhibit na mangyayare .
"Woah, para kang isa ka sa guest ah" biro ni Carmie nung pinuntahan ko siya sa condo nya.
"ewan ko sayo hahaha"
"Bagay na bagay sayo yung suot mo" sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"sayo man" sabi ko habang tinitingnan yung suot nyang pencil skirt na kulay black at brown na formal shirt.
"ang ganda natin" sabi nito ng nakangiti sakin.
Tumango ako. "syempre"sagot ko naman.
YOU ARE READING
Come Back to Me
RomanceDumating ka na ba sa puntong nagmahal ka ng dalawa at di ka makapili sa kanila? Yung tipong mahal ko o mahal ko ang peg? Anong ginawa mo? Sino ang pinili mo? Ang taong mahal mo na handa mong gawin ang lahat para sa kanya o ang taong handang gawin...
