Excited ng magkwento si Vincent kay Niana.
Pero walang Niana na dumating sa klase nila ng time na 'yun-- text lang mula sa Coach ng dalaga.
"Nagcollapse ang girlfriend mo. Nasa Clinic sya ngayon."
Kumaripas ng takbo ang binata, na ikinagulat ng Professor nila.
Magsasalita pa lang sana ito ng bigla syang bumalik at hingal na hingal pa.
Vincent: Sir, sorry... May I go out?? My girl is in the clinic right now.. please???
Prof: Ha?!? Ah... okay... sure!!!
Vincent: Thank you,Sir!
Tumakbo agad si Vincent.
Naiwang nagtataka at tila namamangha ang Prof nila sa ginawa ni Vincent.
Prof: Wow... What happened to him?? Si Vincent ba talaga 'yun??
Nagkibit balikat ang mga nakarinig.
SA CLINIC
Nagising si Niana. Hawak ni Vincent ang kamay nya at agad syang niyakap.
Vincent: Thank God you're okay!
Niana: Anong nangyari?? Nasaan tayo??(nanghihina na)
Vincent: Nagcollapse ka raw sa practice kanina... Ano bang nangyari sa'yo??? May sakit ka ba?? May masakit ba sa'yo?? Anong nararamdaman mo?!?
(Natataranta)
Natawa ang dalaga sa sunud-sunod na tanong ng kasintahan.
Niana: Mahal, isa-isa lang ang tanong... Wag ka ngang praning dyan!
Vincent: Sorry, it's just that I'm so worried about you... akala ko kung ano na ang nangyari sayo!
Niana: Nagcutting ka,noh??
(Nanunudyo)
Vincent: Ang kapal mo! Nagpaalam ako! Ask mo pa sila...
Niana: Asus...
Napansin ni Niana na nakatitig lang sa kanya si Vincent.
Niana: I'm fine,okay? Promise!
Dumating ang Nurse.
Vincent: Ano pong findings??
Nurse: Wala kasi si Doc ngayon.
So, di ko din masabi... pero, mababa ang BP mo... tapos may napansin akong mga pasa..
Napatingin ang Nurse kay Vincent.
Vincent: I know that look... oh my...di nyo naman iniisip na sinasaktan ko 'tong girlfriend ko,diba?!?
Niana: Sira! Ano po 'yun .. Pag magkakaron po kasi ako...
Nurse:(natatawa) Ah ok... I think follow up check-up ka,ha?
Tumango si Niana at iniwan na sila ng Nurse.
Napansin nyang "inis" ang facial expression ni Vincent.
Niana: What happened to you?
Vincent: Ang sama mo kasi.. (umirap sa dalaga)
Niana: Wala akong ginagawa sa'yo...(natatawa)
Vincent: Ayun nga eh... You didn't do anything about it! Hinuhusgahan na ako kanina,oh??Hindi mo man lang ako pinagtanggol?!? You're so bad...
Niana: Oy! Ang arte nito! Alam mo naman na 'yun! Ito naman...
Vincent: Ang sama mo...
Niana: Sorry na,ha??
Natahimik na naman si Vincent.
Niana: Galit ka pa rin ba?? Sorry na...huh?!?
Vincent: Wala naman sakin yun.. Nagbibiro lang ako.
Niana: Why so serious again??
Vincent: Wala lang... sobrang nataranta lang talaga ako kanina... may narealize din ako..
Niana: Ano 'yon??
Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at hinalikan.
Vincent: I realized... di ko pala kaya...(yumuko)
Niana: Ang alin??
Vincent: Hindi ko kayang mawala ka pa sa buhay ko..
Natigilan si Niana.
Vincent: Hindi ko na talaga kaya,Niana... Nung nabasa ko 'yung text ni Coach... Pakiramdam ko mababaliw ako habang tumatakbo kanina papunta rito...Realizing that anytime ...anything may happen... every second counts... And in my every second.. I just want to be with you... share every moment with you.. happy nor sad...everything. Niana... di ko na talaga alam anong nangyayari sakin... Kasalanan mo 'tong lahat,eh... I think I'm in love with you already... (nakangiti)
Hindi kumibo si Niana, nakatingin lang sya sa binata. Natauhan lang sya ng biglang lumapit ang mukha ng binata sa mukha nya. Agad syang napailag na ikinatuwa ni Vincent.
Niana: Baka may makakita satin!
Vincent: Sinusubukan ko lang kung makaisa ako! Absent minded ka kasi!
Niana: Ha?!? Ano bang sinabi mo?!
Vincent: Wala! Nothing important! Ang importante lang sakin ngayon... Okay ka... Maayos ka... at nandito ka sa tabi ko...
Niyakap nya ang dalaga at yumakap din naman 'to.
Vincent: Basta 'wag ka lang mawawala sakin... lahat kakayanin ko...
Niana: Hindi naman ako mawawala...
Vincent: I know..(nakangiti)
Sa hindi malamang dahilan...
Nakaramdam ng di maipaliwanag na takot at kaba si Niana.
Narinig nya ang lahat ng sinabi ng kasintahan... pero parang natakot sya sa mga salitang 'yun.
YOU ARE READING
"Mahal Ko"
ChickLit"Mas maganda pa na tao ang karibal mo... kaysa Langit, na kahit anong layo at tago mo... hinding-hindi ka makakatakas, at anong ipanglalaban mo?"
