. . . . . . . . . . .
It was the day I felt it….
The day I met her….
Sa Book Store…
[His POV]
Nasa bookstore ako nun nang mahagip ng paningin ko ang isang magandang babae. I was star truck and amazed. Bumilis din ang pintig ng puso ko. I was afraid na baka my sakit ako sa puso dahil nag-hyperventilate ako. My heart beat is not normal, and I can’t breathe…
From that day, lagi nalang ako pumupunta sa book store, with the hope to see her again. Ewan ko ba, lagi ko nalang siyang hinahanap. Para bang hindi kompleto ang araw ko pag di ko siya nakikita.
Until one day, I saw her standing at the corner, habang hawak- hawak ang isang book…
Linapitan ko siya dahil gusto ko siyang makilala…
“gusto mo ba yang book?” un nalang ang approach ko sa kanya, hindi ko kasi alam ang una kong sasabihin,.. She is so beautiful and I find her unique…
I snap in front of her, kasi para siyang natutulala… like what was that?..
“a-ah, y-yes… I like it” sagot niya na tila nauutal, iniiwas din niya ang tingin niya sa akin.
“By the way, I am Vincent Hyung, and you are?” pagpapakilala ko habang inaabot ko yung kamay ko, para makipag shake hands…
[Her POV]
“By the way, I am Vincent Hyung, and you are?” sabi niya habang inaabot niya yung kamay niya…
Di ako makapagsalita, to think that nasa harap ko ang lalaking pinapangarap ko.. oo, kilala ko siya…
--Flashback--
3 yrs. back nang una ko siyang nakita. Nursing student siya at Dev. Com naman ako. Malapit lang ang building nila sa building namin, kaya madalas ko siyang nakikita. I searched for his name, at nagtagumpay ako. Isa rin siyang basketball player sa campus namin, and from that day, I already had a crush on him. Hanggang sa isang araw, hindi ko siya nakita, at nagtagal yun ng isang lingo, halos mabaliw ako sa kahahanap sa kanya. Kahit sa malayo, I’m loving him secretly…
I love to draw and paint, kaya sa bahay lagi kong pinipinta ang mukha niya, may sketch pad nga ako na puro siya ang laman. Ganyan ako kaadik sa kanya. habang tumatagal, lalong lumalalim ang lahat ng ito.
Hangang sa isang araw, pumunta ako sa book store parabumili ng book at ng panibagong sketch pad. Nakita ko siya kaya tumalikod ako. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Kinabahan ako sa hindi ko alam na rason. Nang mahanap ko na ang book na bibilhin ko at ang sketch pad, pumunta ako agad sa counter para bayaran yun. Ayaw kong makita niya ako, ewan ko ba, pero parang natatakot ako…
--End of Flashback--
“Hey” saka lang ko bumalik sa katinuan ng tinapik niya ako. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin ng dumapo yung kamay niya sa balat ko… “What’s your name?” tanong pa niya.
