Zyrus' POV:
Friday morning, maaga akong nagising hindi dahil lamang may pasok, ngayon hapon na rin ang naturang quiz bee na lalabanan namin PJ. Masasabi kong di na ako palareview this past few days dahil sa kadahilanang may konting pagtatampuhan na naman kami ng boyfriend kong si Kirby. Gusto ko man siyang kausapin kung ano ang problema niya sa akin pero hindi ko man lang siya makita maging sa school ay wala na parang di pumapasok, at ni reply sa mga text ko wala. Gusto ko ring puntahan ang bahay nila ngunit hindi ko naman alam kung saan siya nakatira at hindi pa naman ako nagagawi sa kanila. Para na nga akong tangang naglalakad paloob sa university na walang kaemo-emosyon kaiisip sa mga bagay-bagay.
Pinilit kong iwaksi muna ang mga agiw na pumapasok sa isip ko na wala namang saysay. Kailangan ko munang i-focus sa gagampanan ko ngayon na maipanalo ang quiz bee mamaya na kahit papaano may magandang magawa naman ako ngayong araw na to.
Dumiretso ako sa library at sakto namang kabubukas pa lang. Hindi ko na pinasukan ang klase ko sa umaga dahil may masasabi naman akong excuse kung sakaling maabsent ako sa attendance.
Inilabas ko na yung mga reviewers ko. Bigla tuloy akong kinabahan nang mabasa ko ang isang tanong na parang hirap kong sagutan.
"Hoy! Anong ginagawa mo rito?!" ang narinig kong boses sabay dabog pa ng kanang kamay sa mesang kinaroroonan ko, na kinabigla ko. Para kasing kabute kung saan susulpot na lang basta.
"Ano ba naman PJ! Feeling close?!" ang pairita kong sabi na namutawi sa bibig ko. Sa sobrang lakas ng boses ko nang dahil sa pagkabigla ay sinitsitan kami ng nagbabantay ng library na wag maingay.
"F*ck you ka! Feeling close ka jan. Di kita type loko!" maaanghang niya salita. Kung nakakamatay lang siguro mga sinabi niya tiyak na may nakahandusay na malamig na bangkay rito. "Nakita kitang pumasok dito kaya sinundan kita. Wag kang feeling! Gusto ko lang sabihin sayo na sa main AVR na lang daw gaganapin yung contest, at doon na lang daw magkita-kita sabi ni Sir Soc. Intiendes?"
Kung makapangaral tong lalaki na to, parang nanay ko. Di na talaga magbabago to, mayabang! Kung may dala lang siguro akong sili dito, kanina ko pa pinasubo nang manahimik.
"Yes Ma!" sarkastiko kong sabi na nagpakunot ng noo niya.
"So, di ka ba papasok?" tanong muli niya.
"Alam mo namang mamaya na ang contest, tatanungin mo pa ako kung di ako papasok? Natural, hindi na!!! Ano ba sa tingin mo gagawin ko rito? Hindi bat magrereview? Eto oh? Ayaw mo bang manalo?" ang madiin kong sabi na parang kumulo bigla dugo ko sa walang kwenta niyang tanong.
"Nagtatanong lang, galit agad. Oo at hindi lang naman ang sagot. Bwiset! Pwede namang di ka na magreview, kaya kong ipanalo ang quiz bee." taas-kilay niyang sumbat.
"Wow! Conceited much! Pwes, sinasabi ko rin sayo na kaya ko rin ipanalo to kahit mag-isa ko!" ang di papatalo kong sabi.
"Sigurado ka? E bat parang kinakabahan ka? Parang ngayon ka nga lang magrereview e, lagi kasing . . ."
"Ano?"
"Wala."
"Ituloy mo!"
"Wala nga sabi. Hala! Tignan mo to?!"
Tinignan ko siya ng ng mga nangingisi kong mata. Pansin kong umiba pigura ng mukha niya kaya yun, napilitan siyang ituloy yung sinasabi niya.
"Busy! Uhmm, adrenalin rush?" maikli niyang tugon.
"Yun lang ba talaga?" panigurado ko.
"Oo. Meron pa ba? Ano bang iniisip mo?" maang-maangan niya.
"Huh? Wala..." pairap kong sagot at umiwas ng tingin.
"See, karami-rami mong iniisip. Ayoko na ganyan ka mamaya baka maapektuhan yung pagkapanalo ko mamaya. Napaparanoid ka na dre! Cheer up!" aniya.
"For your info, di mo lang pagkapanalo, natin! And besides, hindi ako napaparanoid tukmol ka!"
"Alam mo, wala na namang patutunguhan tong pag-uusap nating eto. Kaya, may huli na lang akong sasabihin sayo." ngayon ay mahinahon na ang pakakasabi niya na tinugunan ko naman kung ano yun. "Kapag contest proper na, alam mo naman siguro yung process ng laban diba? I suggest na ikaw lahat sasagot sa easy round, di kita pakikialaman."
"At ano ang gagawin mo? Ikaw sa difficult round?" saad ko.
"Uhmm y-yes. With the average round." lakas loob niyang sabi. No doubt. Mayabang.
"I disagree." ang matapang kong usal. Ayoko naman na minamaliit ako ng lalaking to. "Much better kung equally divided na lang or alternate tayong sasagot at dun walang pakialaman ng sagot. Kung sinong nakaassign o nakahawak sa pen, siya lang ang may karapatang isulat kung anong gusto niyang isagot. Ano? Payag ka?"
Hindi na muli siyang nakipagtalo at napilitang tumango lang to sign na pumayag o okay naman sa kanya. Kasunod noon ay umalis na siya at lumabas. At laking salamat at makakareview na talaga ako.
Di ko namamalayan ay mag-aalas dose na pala. Kulang-kulang apat na oras din ang pagrereview ko sa library at kahit papaano'y nafreshen-up lahat ng mga nakalimutan kong formula at ibang problems. Then, pumunta ako sa cafeteria para maglunch.
Matapos kumain, tinungo ko na ang main AVR ng university na di naman kalayuan. Ramdam ko na muli ang kaba sa kadahilanang dumarami na ring tao ang dumadagsa na karamihan mga estudyante. Pagkalingon ko ay sa gawing kanan ay may kumakaway malapit sa pinto ng naturang lugar. Tinignan ko sa gilid-gilid ko kung ako nga ba ang kinakawayan. And yes, ako nga talaga. Tanga-tangahan lang, si sir Soc pala yun.
Agad akong kumaripas ng takbo sa kinaroroonan ni sir at doon napagmasid na kasama na pala niya si PJ. Di man lang kasi niya sinabi kanina na agahan ang pagpunta para nasettle ko yung time sa pagrereview.
Nagsigned lang kami ng names and which college magrerepresent for the registration.
After that, pumasok na kami sa loob ng AVR which is designed as glass-type yung pinakawall na talagang kahit nasa labas ka ay kita mo na kung anong kaganapan ang nagyayari sa loob, and take note it's sound proof. Yayamanin.
Umupo kami ni PJ sa table 5 kung saan may nakasulat na COE. Alam ko na lahat ata ng department ng university na to ay kabilang na umabot siguro rin sa 25 pairs.
"Good afternoon participants. Welcome to the 6th Math-Oral Quiz Bee. . . blah-blah-blah . . . " marami pang intoduction ang pinagsasabi nang speaker na labas-pasok lang sa tenga ko. Yung nagpabalik sa katinuan ko lang ay ang pag-announce niya ng top 3 ay makakareceive ng medal and cash prizes. Sayang din yung 10K for winner, 5K sa 2nd-placer at 3K naman sa 3rd-placer.
"Uyy, sino unang sasagot?" bulong sa akin PJ.
"Ako na lang." awtomatiko kong saad na nasilaw sa 10K na prize.
"Sigurado ka?" paninigurado niya pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na muli ang speaker/questioner.
"Let's start. First question, 15 seconds for easy round worth 2 points." agad kong kinuha yung pen at isang pirasong papel na masaganang nakakalat sa harap ng mesa namin.
"What is zero divided by zero?" at inulit pa neto ang tanong, kaso, oh my? Zero devided by zero? Zero pa ba rin ba o undefined? F*ck, first question di ako sure. Ayaw ko namang tanungin si PJ baka sabihin niyang di ko alam.
"Time's up!" sabi ng speaker, bat parang kabilis. I just wrote an undefined sign (nakahigang 8) sa papel at binigay sa nangongolekta.
Then, the speaker announced the answer, "The correct answer is "indeterminate."
Holy sh*t!
------
N/N:
Makaupdate lang. Sana di kayo nainip sa kakahintay... Sorry!! Daming ginagawa talaga ;D
Gusto pa ba?
Zyrus is in the pic. Bala nakalimutan niyo na bida. :P :)
VOUS LISEZ
'Til I Met You (BoyxBoy) - COMPLETED
Roman pour AdolescentsSi Zyrus Tizon ay isang mabuting anak na kahit kailan ay hindi naging pabigat sa kanyang magulang. Masayahin siyang bata hanggang maging binata ngayon ngunit sa kanyang kalooban ay may nakatagong lungkot at kirot na dinarama. Sa kanyang buhay pag-ib...
