"Diba sinabi ko sayong hindi ka pwedeng umalis ng bahay! Bat ba hindi mo kayang sundin yung simpleng utos na yon ha! Bobo ka ba talaga?! Tangina mo! Letse panira ka ng gabi ko! Pagod ka na nga sa trabaho tas ganito pa aabutan mo! Punyeta!" Galit na galìt na sigaw ng asawa ko sabay akyat sa kwarto. Nagulat pa ako sa malakas ng pag sara niya ng pinto.
Galit na galit nanaman siya sakin, nakipag kita lang naman ako kay danna dahil sobrang nalulungkot nako dito sa bahay. Ano bang masama don?
Hindi nga niya ako sinasaktan, pero ito naman lagi ang nararanasan ko. Lagi niya akong pinag mumukhang bobo, tanga, desperada, pokpok at kung ano ano pa.
Desperada. Psh. "Bakit sofia hindi ba totoo?"
Oo na! Desperada na ako, pero mahal ko lang naman kasi siya e. Ayoko na siyang nakikitang nasasaktan dahil sa violet na yon kaya ko lang naman nagawa to e, akala ko kasi magiging masaya siya sakin. Pero hindi... mali pala ako.
2 taon, two years na kaming kasal. Two years na din akong nag titiis sa kanya, sa lagi niyang pag papamuka sakin kung gaano ako ka walang kwenta sa kanya, kung gaano ako nakaka diri sa mata niya. Ang sakit sakit na, pero mahal ko lang naman kasi siya, mahal na mahal na hindi ko kayang mabuhay pag nawala siya sakin.
Ayoko, hindi ko siya susukuan. Alam ko, mamahalin niya din ako. Mamahalin mo din ako dale...
"Kailan pa sofia? Pag patay ka na?". Ang isip ko talaga ang kalaban ko pag dating kay dale, pero yung puso ko umaasa na mamahalin niya ako at mag kakaroon kami ng masayang pamilya.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nag ayos ng sarili. Itutulog ko na lang ito.
*riiiinnggg riiiiiinnnngggg*
09172344*** is calling...
"Sino naman kaya to?" Bulong ko sa sarili.
"Hello?". Pag sagot ko
"Sofi.."
Hindi ako nakapag salita.. naiiyak ako.
He's back.
"Hey sofi.. still there? Talk to me please".
"Tse! Nakakapag tampo ka! I hate you". Inis kong sabi.
Nakakainis lang gusto ko na talagang umiyak kaso masyado nang pagod ang sarili ko sa pag iyak.
"Sofi naman, I'm so sorry na. I'm back na oh, wag ka na magalit sakin please".
Ayan, isang ganyan niya lang sakin okay na ulit ako. Hmp! Kakainis nasabihan pa man ding best friend ko tapos iniwan ako ng walang ka alam alam kung bakit siya biglang umalis. Sino ba ang hindi magagalit sa ganon? Hayy.
"Oo na sige na, pero nakakainis ka pa din alam mo yon?! Psh".
"hahahaha cute ka pa din talaga, na iimagine ko na yung naka busangot mo na muka". Tignan mo to iniinis pako, walangya talaga.
"Wag ka lang mag papakita sakin nako! Masasapak kita reyes!"
Narinig ko nanaman siyang tumatawa. Bwisit talaga
"Ganon? Sayang naman yung pasalubong ko for you, ayaw mo pala ako makita. Sige ibibigay ko na lang to sa iba kung ganon".
"Ikaw naman monskie di ka mabiro, alam mo namang binibiro lang kita hehehe".
"Hmmm nako monskie nanaman tawag mo sakin, muka ba akong unggoy ha? miss mo lang ako e. Pero seriously sofi, I missed you so much."
Napangiti naman ako sa sinabi nitong bakulaw na to.
"I miss you too monskie".
ВЫ ЧИТАЕТЕ
One Night-One Mistake
Любовные романыA night that change everything A Night that made him hate me A Night that hurt me so much and A Night that he took my virginity away...
