No More Videos *6*

178 7 1
                                        

- Alden -

YEAR: 2013

11AM na pero kakauwi ko lang ng bahay. Kakagaling lang sa taping, nakakapagod. Napadaan ako sa altar. Hi ma, kakadating ko lang, para sayo ma di ako mapapagod na pasayahin ka kung nasaan ka man ngayon. Palit na po ako nabaho na ang tisoy mo.

Tiningnan ko ulit ang youtube. It may be a few years ago pero di ko pa rin makalimutan si Youtube Princess. Bakit di pa rin siya nagupload hanggang ngayon. Tiningnan ko ang last video na pinost niya. May mga comments na nagtatanong kung nasaan na ba siya pero walang responses galing sa kanya. Usually pag may questions ang subscribers sinasagot niya pero ngayon wala talaga. Na miss ko na ang nakaka-good vibes mong videos. Ano na ba ang nangyari sayo Youtube Princess?


- Maine -

YEAR: 2013

Naka two months na nung dumating kami ni Monica from New York. Since wala pa akong regular work tumutulong muna ako sa family business namin.

Pauwi na kami ni Monica galing mall nang nakita ko sa park na parang ang daming tao, parang may shooting. May dumaan na sasakyan sa harap namin ng di ko napansin. Biglang dumami din ang taong katabi namin at nag tipon sa harap namin. Teka, baka artista yung nasa loob ng sasakyan.

" Maine sino kaya yung artista noh? Halika tingnan natin. " Mapilit na naman itong si Monica. Hinila na naman niya ako papunta sa crowd na actually fans. " Maine si pogi yung artista! Pogi pogi! Tisoy! Si Youtube Princess nandito! " Ano? Ang baliw talaga ni Monica. " Maine tingnan mo si pogi! " Si Tisoy? Napatingin tuloy ako doon sa lalaking bumababa sa kotse. Si Alden nga. Tiningnan ko siya at napatingin naman siya sa direksyon namin at alam ko nakita niya ako. Napalingon pa nga siya ulit eh pero bago makita niya ako ulit na cover na naman kami ng fans niya. Big time ka na talaga Tisoy. Ang taas mo na, mahirap ka nang abutin. Pero para namang kailangan kitang abutin.

" Ano ka ba Monica? Uwi na lang tayo nandon na ang barkada. " Wala na siyang nagawa kundi umuwi na nga lang. Pag dating ng bahay di ako tinantanan ni Monica.

" Andre alam mo kung sino nakita namin sa park na nag shooting?" Ito na nga ba...

" Oh sino? " Naki-ride pa itong si Andre.

"Di kayo maniniwala, Migs, Sofia, at Andre. Si Pogi sa Candy Fair nung 2010 ang artista na ngayon at madaming fans ha. Muntikan na nga kami makita ng mas malapit kaso sa daming fans na dumumog, ayon di niya kami nakita. " Pinagkalat talaga?

" Oh ayos na tayo diba guys? Nung 2010 pa kasi yun eh. Move on din tayo guys." Bakit ba kasi ito ang pinaguusapan? Buti na nga lang wala si John dito kundi abot langit ang tanong noon.

"Oo nga naman guys, move on. Gayahin natin si Meng (nickname ni Maine used by people close to her), naiwan lang ang picture nila ni Alden dito sa Pinas nung umalis sila for New York, sabay iniwan ang pag-asa na magkikita pa sila ulit at iniwan din dito sa Pinas si Youtube Princess. Pagkabalik niya dito hindi na muli nakita si Youtube Princess. Ano nga Meng? " Ano ba naman? Si Andre sumagot pa eh. Complicated lang talaga noon. And imature ako noon. Ngayon, di ko pa rin pinagsisisihan ang ginawa ko kasi tama lang yon. Ang taas na ni Tisoy ang layo na niya. Sa sobrang layo, there's no point of chasing him.

"Hay nako. Maging masaya na lang kayo kasi moved on na ako. At dahil hindi naman talaga kayo nandito para asarin ako, umakyat na lang tayo sa kwarto ko at gumawa ng video." Dahil nga medyo busy na ang barkada dahil may mga trabaho din kami, inisp namin na gumawa ng schedule para mag meet kami at least twice a week.

I still check out our youtube account, ang daming naghahanap sa amin. Pero di na talaga pwede, we love making videos and we post it because we also love to make people happy, yung good vibes lang. But every time we make a video from Day 1 to di ko na alam kung gano ka tagal na kaming nag post, it becomes more and more personal. At ayaw namin yon, yung feedback that we get becomes more personal also, too personal that our lives are out in the public. Kaya no choice but to stop. Latest kong check sa account namin was when I was in New York mga a week na kami doon.

Sa kaka-check ko sa account namin nakita ni Migs na tinitingnan ko yung comments sa videos namin. " Naghahanap ka ng comment na nagsasabing YOUTUBE PRINCESS noh?" Ito talagang si Migs. Moved on na nga diba?

" Migs nakakatuwa lang yung mga comments nila ang sarap lang ulit-ulitin lalo na kung alam mong pinapasaya mo yung viewers." Totoo naman eh, walang halong biro. Di lang kami na kapag-pasaya, nasiyahan din kami kasi we love what we do.

"Na miss mo talaga yon noh? Alam mo dahil diyan kung gumawa kaya tayo ng final video natin. Yung extreme, unique at unforgettable. Tapos at the end mag bye na tayo sa subscribers, pero hindi natin tatanggalin ang account natin para doon sa mga gusto lang ulit-ulitin ang iba pa nating videos. Ayos ba?" Good idea nga yon. Umalis lang kasi kami ng walang paalam. So after a few years here we go coming back for a final goodbye.

Kinausap namin ang barkada at nag agree naman sila. The final video. Nag plan na kami para sa video. Syempre ang gusto namin yung special talaga. Kaya next week sa meeting ulit namin, gagawin na namin yung video sa garage nila Migs. Makita kaya yon ni Tisoy? Hindi siguro, busy yon eh. Bakit ko pa ba iniisip yon. Isang beses lang siya dumaan sa buhay ko, pero bakit unforgettable siya?

"Meng si John oh." Ayan sa kakaisip ko di ko na namalayan na dumating si John. Ano bang meron sa akin? Kailangan ko na siya kalimutan. Nicomaine Dei Capili Mendoza kailangan mo nang kalimutan si Alden Richards.

"Uy John di ka man lang nagsabi na darating ka." Feeling ko ang plastic ko. Kaharap at kausap ko si John pero si Tisoy ang nasa isip ko. Kalimutan mo na siya Meng. Kaya ito ako inaasikaso yung BOYFRIEND ko. Pinag gawa ng juice at pinaupo.

"Bakit di ko ba pwede bisitahin ang girlfriend ko? And nandito din ako kasi gusto ko sana na sa next meeting ng barkada which is next week ay mag EK tayo. Ayos lang ba?" Diskarte na naman ng diskarte 'tong si John, hindi naman sa nakakasawa pero parang - wala. Hindi dapat yon ang iniisip ko.

"Nako John mukhang malabo yang EK mo next week, gagawa kasi kami ng video next week tapos i-post namin yon sa youtube. Parang final video lang na i-post namin and then hindi na kami magpost ulit. Kung gusto mo sama ka na lang sa video." Ito talagang si Sofia, na plano na namin tapos isasama pa niya si John. Hindi naman na parang ayaw ko isama si John pero na plano na kasi. Saan pa ilalagay si John?

"Saan natin ilalagay si John ha Sofia." Oh sagot naman ni Monica. Parehas talaga kami mag isip.

"Hindi. Isama niyo na si John may naisip na ako kung saan ko siya ilalagay." Ano naman kaya ang idea ni Migs?


Simply, DESTINYWhere stories live. Discover now