PROLOGUE

74 5 0
                                        

My Five-Year Husband

Halos nakalibing na ako sa utang ko sa kaniya.

High school pa lang, kilala ko na siya. Namamasukan kasi bilang katulong ang nanay ko sa kanila.

Tuwing weekend, pumupunta ako roon para tulungan ang nanay ko. Nandoon din siya.

Wala lang.

Hindi naman talaga kami nagpapansinan.

Hanggang tumungtong kami sa college, ganoon pa rin. Magulang niya ang nagpapa-aral sa akin. Sa kabila ng madalas naming pagkikita mula bahay hanggang school, para kaming hindi magkakilala.

Walang batian kahit simpleng tango lang.

Wala rin naman kasi akong pakialam.

Hindi ko noon masabi kung mabait ba siya o masama ang ugali dahil wala kaming katiting na interaction sa isa't isa.

Pwera na lang sa isang bagay.

Ang ipagtimpla niya ako ng kape.

Magulo, noh?

Siya ang amo ko, tapos ako ang ipinagtitimpla niya ng kape.

Ang masama lang, kapag gano'n, halos sampung tasa ng kape ang iniinom ko dahil ang totoo, ginagawa niya akong taste tester sa kapeng ginagawa niya.

Malala pa niyan, twice a week niya 'yon ginagawa.

Kapag gano'n ang nangyayari, hindi ako makatulog sa gabi dahil minsan, umaabot pa nang labinlimang tasa ang kapeng iniinom ko.

Sa pagtitimpla niya lang ng kape kami nakakapag-usap. Pero walang ibang bagay na kasali sa usapan kundi ang sabihin ko kung matamis ba o mapait o karumaldumal ang kapeng tinimpla niya.

Pero ang lagi ko lang sagot:

Masarap.

Pagkatapos ng coffee session namin, hindi na naman kami magkakilala ulit.

Inabot 'yon hanggang fourth year college.

Hanggang sa isang araw, namatay ang lolo niya.

Doon na rin tuluyang huminto ang coffee session namin.

Nakita ko kung gaano siya nagluksa noong araw na 'yon.

Pagkatapos no'n, hindi ko na siya nakita ulit hanggang sa makatapos ako ng college.

Nag-retire ang nanay ko sa pagtatrabaho sa pamilya nila. Ako ang may kagustuhan no'n dahil graduate naman na ako at puwede nang makakuha ng magandang trabaho para suportahan sila.

Nag-iisang anak lang naman ako kaya wala naman akong kapatid na kailangang intindihin.

Nakapasok ako bilang isang H.R. sa isang company na, apparently, pag-aari ng pamilyang pinagtatrabahuhan ni Nanay noon. Maganda ang sweldo at may opportunity para umangat ang posisyon.

Akala ko talaga noon, magiging maayos na ang buhay namin ng pamilya ko.

Hanggang sa bigla na lang akong na-lay off sa trabaho sa hindi ko malamang dahilan.

Nagkasunod-sunod na ang kamalasang 'yon dahil dumating ang araw na hindi ko na kayang hulugan ang lupang kinatitirikan ng bahay namin.

Hindi rin ako makapag-apply sa ibang company because I had a two-year employment ban filed against me. Wala na akong nagawa kundi ang ibenta ang mga naipundar kong sasakyan. I had to give up my condo unit sa Q.C. At namuhay na para bang hindi ako nakatapos ng pag-aaral.

To be honest, I was devastated. Hindi ko na rin alam ang gagawin. I had only just started becoming a responsible adult after graduating. Wala pa talaga akong concrete understanding of how the world worked.

My Five-Year HusbandStories to obsess over. Discover now