PAGPAPATULOY

2 2 0
                                        

My Love, My Protector.
BrightWin Fanfiction

Malakas na nagsara ang pinto ng opisina.

Nakatayo si Thyme sa gitna, nanginginig ang mga kamay pero matigas ang panga. Sa harapan niya, nakaupo si Mister Montefalco. Hindi man lang siya tinignan ng Ama niya nung una. Ngunit mababanaag ang determinasyon nitong ipakita na tama ang mga desisyon nito.

"Dad." boses ni Thyme. Mahinahon, pero may gilid ng pagod. Kapansin-pansin rin ang kawalang pag-asa sa mga mata.

"Ano ang ginagawa mo rito?"tanong ni Mister Montefalco. Bahagyang nagulat nang makita ang anak.

"Nais kitang makausap."

Sa wakas ay umangat ang tingin ni Mister Montefalco. Matalim ang tingin. "Akala ko ba ayaw mo akong makausap o ituring bilang ama mo? Huhulaan ko. Dahil ba ito sa binatang yun? Nang dahil sa isang outsider ay pilit mong nilalabanan ang mga payo ko?"

"Payo ng aking Ama?"napangiti si Thyme. Ngiting malamig. "...Payo bang matuturing ang mga ginagawa mo sa buhay ko, Dad?"biglang diin ni Thyme.

Isang hakbang pasulong. "Ang pagbibigay ng payo ay tutulungan mo akong makapag-isip pero ako parin ang may karapatan na nag desisyon. At sa ginagawa mong pakikialam, Dad. Magkaiba ang Advice sa pagiging kontroladong Ama."

Sa mga salitang ito ay mabilis na umalsa ang galit sa mga mata ni Mister Montefalco. Marahas na ibinalibag nito ang mga bagay na nakalapag sa mesa at tumilapon sa sahig.

"Dugo at Laman kita, Thyme. Ama mo ako! Dapat sundin mo ako, kasi ako ang nakakaalam ng tama para sa buhay mo!"bawat kataga ay mariin. Walang alinlangan at pagsisisi. Binabalot ng determinasyon na binibitawan ang mga ito ni Mister Montefalco.

Sa sandaling iyon ay hindi magawang pigilan ni Thyme ang mapapikit ng mga mata. Samo't-saring emosyon ang ngayon ay nag-uumapaw sa puso niya. Hanggang kailan ba pakikialam at sisirain ng sariling Ama ang buhay niya?

"Bakit? Bakit hindi kayo nakararamdam ng pagod na sirain ang tanging mga bagay o mga taong nagpapasaya sa akin? Dad, bakit hindi niyo pabayaan magkaroon ng sariling disisyon sa buhay ko?"


Sa tanong na ito.
Napabagsak ang upuan sa sahig. Marahas na tumayo si Mister Montefalco, galit na galit pero pinipigil.
"Para sa'yo ang ginagawa ko. Para sa pamilyang nating ito ang lahat-lahat ng ginagawa ko!" sigaw niya. Umalingawngaw yun sa buong silid.

Muling nanlumo si Thyme. Parang binuhusan ng malamig na tubig. Dahan-dahan siyang napangiti. Mapait. Walang buhay.

"Para sa pamilya?" ulit niya. Umiling. "Matagal ko nang hinintay na marinig yun, Dad. Kaso hindi para sa akin ang inaalala mo. Para sa pangalan mo. Para sa Montefalco."

Dahan-dahan siyang humakbang bago tumigil sa tapat ng lamesa. Dalawang dangkal na lang ang pagitan nila.
"Pagod na ako. Nalaman ko ang binabalak ninyo kaya ako naparito. Kung hindi niyo titigilan si Kavin o ang pakaisipin na puntahan ang Grandpa niya. Dad, sisiguraduhin ko rin na mailalabas ko ang maruming lihim ng pamilyang Montefalco. Yung lihim na tinatago niyo ng ilang dekada."

Parang kidlat ang tumama sa mukha ng Ama niya. Nag-alab sa galit ang mga mata. Nanginginig na tinuro ang anak. Hindi pagkapaniwala ang makikita sa mga mata.

"Paano mo nalaman na nais kong magtungo sa Lolo ng binatang yun?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Dad. Seryoso ako sa mga binitawang salita ko. Sa huling pagkakataon ay umaasa akong maunawaan mo ang disisyon ko."

Nanlisik ang mga mata. Paulit-ulit na pilit na itinuro ni Mr. Montefalco si Thyme. Magkahalong emosyon ang ngayo'y nag-uumapaw sa mukha nito.
" Hindi ka parin ba natututo?!" galit na sigaw nito. "Nalinlang ka na minsan ng taong nagsabing iniibig ka ng totoo at ngayon ay magpapalinlang ka na naman?! Bakit hindi ka nakikinig sa sariling Ama mo?!"

Doon tuluyang namatay ang natitirang ilaw sa puso ni Thyme. Wala nang luha. Wala nang pag-asa. Napangiti siya. Ngiting may halong sarkastiko.

Tumango si Thyme. Dahan-dahan.
"Hindi mo talaga ako nais pakinggan. Fine. Wala na akong pakialam sa nakaraan na ikaw rin naman ang sumira. Inaamin kong nagkamali ako sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan noon. Ngunit ikaw rin naman diba? Nagawang linlangin ang mga taong nagtiwala sayo noon kaya--- ngayon ay takot na takot ka sa anino ng nakaraan mo. Tama naman ako, diba?----Dad?" mariin. Walang emosyon. Patay na patay ang boses.

Muling mariin na pinakatitigan ni Thyme ang sariling Ama, bago muling magpatuloy, "...ang mahalaga sa akin ngayon ay huwag na huwag mong saktan, ni pakikialaman si Kavin at ang Grandpa Antonio. At kapag nabalitaan kong nagtungo ka sa Grandpa ni Kavin. Hindi ako mag-aatubiling talikuran ka at pagsisihan mo ito."

Nang bumagsak ang mga salitang ito. Tuluyang binalot ng tila napakalamig na yelo ang buong silid. Nanginginig ang katawan na napayuko ang matandang Butler. Walang may nais magsalita. Ang ama na si Mister Montefalco ay tigagal din na napatitig kay Thyme. Hindi pagkapaniwala ang bumalot sa mukha. Ito ba talaga ang anak niyang si Thyme?

Walang lingon. Walang pag-aalinlangan. Tumango sa matandang Butler na nakatayo sa may punto. Tinalikuran ni Thyme ang Ama at lumabas.

Naiwan si Mister Montefalco na nakatayo. Nanginginig. Dahan-dahan siyang napapikit, at sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, nakaramdam siya ng takot at pagod. Takot na mawala ang anak.

"Master?" nanginginig na boses ni Butler Zang mula sa gilid ng pinto. Nag-aalala. "Maayos ba ang pakiramdam niyo?"

Hindi sumagot si Mister Montefalco. Ilang segundo lang bago siya napatitig sa kawalan kapagkuwan ay nagtanong.

"May mali ba talaga ako?"

Napayuko si Butler Zang. Tumingin sa pintong nilabasan ni Thyme.
"Master... sa matagal kong panunungkulan sa pamilyang Montefalco, nasaksihan ko ang paglaki ni Young Master Thyme." malumanay pero mabigat. "At ngayon... sa nakikita ko, seryoso siya. Kung pipilitin niyo pa rin siyang itali sa gusto niyo, lalaban siya. At lalaban ka. Master, hindi lalong lalawak ang hidwaan sa pagitan ninyong mag-ama. Hindi iyon magiging maganda para sa inyo at sa pamilyang Montefalco."

Kabado man. Ngunit pilit na nilabanan ng matandang Butler Zang ang takot at tuluyan na sinabi ang mga nais niyang sabihin. Kilala niya ang Master niya. At nakikilala rin niya ang Young Master Thyme. Paniguradong hindi susuko ang binata, lalabanan nito ang sariling Ama. Mag-ama nga talaga ang dalawa. Parehong matigas ang paninindigan at prinsipyo. Walang may nais na matalo o magparaya.

Tumigil. Huminga nang malalim si Butler Zang.
"Master, bigyan niyo na po siya ng kalayaan. Pabayaan niyo na sa pagkakataong ito, ang Young Master mismo ang pumili ng landas na tatahakin niya. Kung hindi mararanasan ng Young Master ang madapa at masaktan. Hindi niya malalaman kung gaano kalawak ang mundong ito."

Sa mga salitang ito. Marahas na katahimikan ang namayani sa buong silid.
Tanging tunog ng kanilang mga hininga ang maririnig sa paligid.

Dahan-dahang napapikit si Mister Montefalco. At sa wakas, isang pilit na tango.
"Nauunawaan ko..." bulong niya. Basag at walang lakas ang tinig.
Waring tinanggap ang kauna-unahang pagkatalo sa laban.

---

Maulan sa labas. Bumukas ang gate at mabilis na pumasok si Thyme. Basang-basa ang coat niya, pero hindi niya pinansin.

Kinakailangan na niyang matapos ang lahat ng lakad niya sa labas dahil kailangan rin niyang bumalik sa kulungan. Kapag malayo siya kay Kavin ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay parang may mangyayaring hindi maganda sa binata sa loob ng kulungan.

Pakaisipan lamang ay binabalot na ng takot ang puso niya.

Written by Angelica's book
Bright Win Fanfiction

Continue ba?

My Love, My Protector  (BL)  Stories to obsess over. Discover now