14

1 0 0
                                        

I woke up feeling exhausted, and my entire body was aching when I heard my dad waking me up.


Wait, nandito siya sa Casa? Or am I still dreaming? Kaya naman kahit masakit ang katawan ko ay inaninag ko nang mabuti kung siya nga ang naririnig ko, at nang maaninag ko nga ito, it was really him.


"Gabriela? Nak? Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. Kaya naman kaagad kong nilibot ang mata ko sa paligid. I also saw my mom beside my dad, and they were both sitting beside my bed.


"P-Pa, nasaan a-ako?" Kahit hirap akong magsalita ay 'yan kaagad ang lumabas sa bibig ko. Kita ko naman na nagtinginan silang dalawa.


"Anak, kumalma ka muna, okay?" Imbes na makinig ay pinilit kong iangat ang katawan ko mula sa pagkakahiga kahit na nanghihina ako, ngunit nabigo ako dahil hindi ko kaya. Pero mas malinaw na sa akin ngayon na wala ako sa Casa.


Everything was white, the ceiling, the walls... And I was lying in a white bed. Nang tumingin ako sa gilid ko, there were machines everywhere. I traced where they were attached, and I found out that they were all connected to my body.


"Ma, Pa! What's happening? Tell me!" panic na tanong ko. "Nasaan ako?" dagdag ko pa.


"Shhhh, shhhh. We will tell you everything, but first, calm down, okay? Hindi makakabuti para sa'yo na ganiyan ka." Kaya sa narinig ko ay sinubukan kong ikalma ang sarili ko. I closed my eyes and took a deep breath.


Maya-maya, may narinig akong pinto na bumukas, at sumunod ang yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Nang naramdaman ko na nakalapit na ang mga ito saakin, naramdaman ko rin na may mga inilalagay sa akin.


"Doc, she's awake," rinig kong sabi ni Mama. Kaya naman sa narinig kong iyon, mas malinaw na sa akin na nasa ospital nga ako.


Agad kong naramdaman na may mga taong lumapit sa paligid ng kama ko. May humawak sa kamay ko, habang may isa namang nag-check ng mga nakakabit sa katawan ko.


"Gabriela, can you hear me?" Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, ngunit hindi ako sumagot.


"Can you squeeze my hand?" the doctor asked again.


I tried. Mahina lang, pero nagawa ko.


"Okay. Very good."


Sunod naman niyang ginawa ay itinapat niya ang ilaw sa mga mata ko. "Look at me, Gabriela."


Sinunod ko siya kahit medyo masakit sa mata ko ang liwanag. "Anong nararamdaman mo ngayon?"


I opened my mouth, but nothing came out. I looked at my mom and dad helplessly.


Nagkatinginan naman silang lahat.


"It's okay," sabi ng doctor, trying to keep his voice calm. "You don't have to force yourself. Kakagising mo lang. Your body is still very weak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon