I dragged my eyes away from him and said the first thing that came on my mind, "Let's eat."

Naging normal naman ang pagkain namin, sometimes, nag-uusap kami tungkol sa iba't-ibang bagay. Random lang. Pero madalas nagkakahulihan lang kami ng tingin.

It felt weird, us being like this, but weird in the best way. And I know walang makakatapat sa feeling na 'to. Corny but that's the truth.

Naghihintay ako sa living room habang naghuhugas ng pinggan si Kale. Napakakulit talaga ng lalaking yun. Sinabi ko na nga lang na ako na lang ang maghuhugas, nagpumilit pa rin. Ang tigas ng ulo.

Paano na kaya ako makakapasok sa kabilang bahay? Ang makakalimutin ko kasi. At sa dinami-dami ng makakalimutan, yung susi pa talaga ang nakalimutan ko.

Lutang pa rin ang isip ko nang maramdamang may tumabi sa akin. At nang ibaling ko sa kanya ang tingin, nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

Isa pa 'tong nakakaasar. Bakit ba ang ganda ng ngiti niya? Pinilit kong wag ngumiti at tinaasan lang siya ng kilay.

He just smiled at me more then took my hand. Tatanungin ko sana kung anong ginagawa niya nang maramdaman kong may nakalagay na sa kamay ko. Agad namang hiniwalay ni Kale ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko ang binigay niya at nakita ang dalawang susi. Para saan kaya ang mga 'to?

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Keys," sagot niya.

I rolled my eyes. "I know. I mean, para saan 'to?"

"Susi yan ng kabilang bahay."

"Really? Paano mo nakuha?"

"Actually, bago na yan. Kanina kasi, tumawag ako ng pwedeng magbukas dun sa pinto. Walang ibang pwedeng gawin kundi sirain yung doorknob para makapasok," paliwanag niya. "But don't worry napapalitan ko na rin yung doorknob at yan yung bagong susi kasama na ang duplicate."

Napatango naman ako. "Okay. Salamat ha." Buti naman at ayos na ang problema ko sa kabilang bahay. Big thanks to Kale.

"No problem," sagot niya.

Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin nang bigla akong may maisip. Kinuha ko ang kamay ni Kale at nilagay dito ang isang susi.

Nagtataka niya itong tiningnan. "What's this?"

"Susi," nakangiti kong sagot.

He grunted. "I know. But what for?"

I chuckled. Parang naulit lang yung conversation namin kanina.

"What?" tanong niya at parang naiinis na rin.

"Duplicate key para sayo," sagot ko.

Kale used to have one before. Para malaya siyang makapagluto ng kakainin naming dalawa. Parang bahay niya na nga rin yung kabila eh. Nandoon kasi siya madalas. Uuwi na lang dito kapag maliligo at matutulog. Pero pagkatapos naming magkasagutan sa porch niya, nung naging awkward na ang lahat, binalik niya sa akin yung duplicate key. At ngayon na okay na ulit kami, binabalik ko na sa kanya.

He just smiled. Mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Are you sure you still want to give me this?" he asked.

"Yes," sagot ko. "Why not?"

Then his smile turned into something different. It seemed devious. "Aren't you afraid of what I could do-"

"Sa bahay?" putol ko sa kanya. "Ano namang gagawin mo dun? Nanakawan?" sarkastiko kong tanong.

He shook his head 'no'. "I'm not talking about the house."

All I Ever WantedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ