Prologue

10 1 0
                                        

"Mine!" Sigaw ko at sinalo ang bola saka tinoss papunta kay Kyle saka sinet ito para kay Peter na siya namang humampas papunta sa kabilang court. Napakalakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at adrenaline. Tila nag slow mo ang paligid at tanging sa bola na lang napunta ang focus ko.

"BNHS WON THE CHAMPIONSHIP!" Tilian at sigawan ang una kong nadinig. Napalingon ako sa mga kasamahan ko at agad akong hinatak para magyakapan despite of our sweaty jerseys.

I smiled triumphantly as we all shook the hands of the players from the other team. But one guy took my attention. He held my hands differently and he smiled at me which gave me a different vibe.

"Congrats, pretty." I was astonished of how he congratulated me. Nakabalik na lang kami sa bench kung nasaan ang mga gamit namin, natutulala pa rin ako habang paulit ulit sa utak ko ang pag congratulate nya sakin.

"Ano, tulala?" Natigil lang ako sa kakaisip when someone snapped his fingers infront of me. Napatingin ako kay Kharem na nakangisi lang sakin kaya napairap na lang ako at tumayo na.

"Nadinig ko yun." Pang aasar nya pa kaya hinampas ko siya ng face towel ko at natawa na lang dahil talagang ipinagkalat niya pa sa mga kaibigan namin ang nadinig kuno niya.

Pagbalik namin ng school ay naisipan naming tumambay muna sa sports office para na rin makapag pahinga at makapa aircon. I opened my IG to post some of the highlights of the game but one notification took my attention.

Clyde Espejo requested to follow you.

Naitaas ko ang kilay ko and clicked it. His profile flashed before my eyes. Nakatalikod siya at nakaturo ang magkabilaang thumbs sa apelido sa jersey niya. 4k followers, 20 following at 15 posts. Nag scroll ako sa feed niya. There was a pic where he is hugging a cute dog. Napangiti ako dahil ang cute ng aso nang di ko namalayan na na double tap ko ang screen kaya na heart ko ang pic.

Binawi ko yun agad at clinose ang profile niya pero another notification popped up on my screen.

Clyde Espejo sent you a message.

Napatingin ako sa mga katabi ko na nakapikit at nagpapahinga bago binuksan ang message request dahil hindi ko pa inaaccept yung follow request niya.

@ClydeEsp: I saw that.

Napapikit ako at clinose na lang ang IG app ko saka inopen ang facebook app ko. Ang daming tagged posts, photos, at fb stories sa akin. Mostly of it ay dahil sa pagkapanalo namin sa interschool. I just shared some of the posts, reacted to the photos and fb stories.

"Maligo na kayo! Dinner daw tayo sa labas sabi ni coach." Masayang sabi ni Liam kaya nilock ko na muna ang phone ko saka pumunta ng shower room at naligo. Pagkatapos kong mag freshen up at makapagbihis ay bumalik lang din naman ako sa sports office kung saan, nakabihis na rin ang mga kasama ko.

While drying my hair, I just put some concealer below my eyes, a light blush on, curled my long lashes and some gloss. I'm wearing a fitted black sleveless crop top, elephant pants and some sandals. Alam kong pagkatapos nitong dinner ay sa inuman ang deretso namin to celebrate our win.

"Ganda naman!" Nakangiting sabi ni Colin kaya pabiro akong umirap sa kanya at natawa na lang. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay muna sa likod ng sasakyan ni coach ang sports bag ko bago pumasok. I opened my phone again and was shocked to see 9+ messages on my message request. Agad ko itong inopen to check.

@ClydeEsp: Bakit di mo inaccept FR ko? :(

@ClydeEsp: Miss pretty.

@ClydeEsp: Gwapong gwapo ka ba sakin kaya di mo ko inaccept?

@ClydeEsp: Yuhoo! Dito ang tingin!

@ClydeEsp: Di ko mahanap FB mo. Baka naman?

@Clyde Esp: Grabe, iniidol ka lang, nang s-snob ka na.

@ClydeEsp: May jowa siguro to kaya di namamansin.

@ClydeEsp: Accept FR na miss pretty :))

@ClydeEsp: Pag di mo ko inaccept, pupuntahan kita dyan sa school nyo.

@ClydeEsp: Ooooi! Pa accept lodi!

Di ko napansin na nakangiti na pala ako habang binabasa ko ang mga messages niya. Ang kulit naman ng isang to! Clinick ko ang profile niya at inaccept ang follow reqeust pero di ko muna sya finollow back.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Mataray na tanong sakin ni Jeffrey.

"Inggit ka?" Binelatan ko lang sya saka nagsuot ng ear pods at nakinig na lang ng music. I played Sit Still Look Pretty by Daya. Hindi nagtagal at nagsipasukan na rin ang iba pa naming teammates at kaibigan, saka nagsimulang magmaneho si coach. Sa Imays niya kami dinala. Isang sikat na restaurant dito sa lugar namin.

Pagkapasok namin ng venue ay dali dali kaming nagsi upuan sa kanya kanyang pwesto at muling nag cellphone. Patuloy lang ako sa pakikinig ng music habang sina Jeffrey, Liam, Colin, Kyle at Jerry, naglalaro ng ML. Si Kharem, Harvey at Peter naman, may pinag uusapan at pinagtatawanan.

30 minutes have passed when the foods were finally served. Crispy pata, Kare Kare, Buttered Whole Chicken, Calamares at Tinolang isda ang inorder ni coach. I suddenly felt hungry just by looking at the dishes infront of me. Pinicturan ko muna ito at pinost sa IG with caption 'Thanks sa pa dinner coach!' saka nilock ang phone ko.

"Hugas muna ng kamay." Ma otoridad na sabi ni coach kaya nagsitayuan na kami at pumunta sa malapit na faucet para makapaghugas ng kamay. Pabalik na ako sa table namin nang mag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at chineck.

Clyde Espejo liked your story.

Pfft, stalker much? Umiling na lang ako at ibabalik na sana ang phone ko sa bulsa when a message popped up above my screen.

@ClydeEsp: You look good in that black sleeveless crop top ;))

Nakunot ang noo ko. As far as I remember, I haven't posted a pic of mine mula sa school hanggang dito. Napalingon ako pero wala naman akong nakitang lalaki na nakatingin sakin kaya mas lalong nakunot ang noo ko. How did he know what I'm wearing?

Pagbalik ko sa table namin at nag vibrate ulit ang phone ko. Chineck ko ito and read his message.

@ClydeEsp: Sent a photo.

@ClydeEsp: Hi pretty.

Zinoom ko ang picture na sinend nya. It is me, nakaupo at naka suot ng earpods habang nakatingin kila Liam kanina. Napalingon lingon akong muli and was shocked to see him with some people outside, having dinner. He waved his hands and smiled at me.

@ClydeEsp: Eat well.

I looked at him again and nodded. He just flashed a thumbs up at nakipag usap na sa mga kasama niya. I just found myself smiling habang kumukuha na ng pagkain na nasa harap.

Amidst the ChaosHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora