"I'm sorry." Hinging paumanhin ng babae na nakadangi sa kanya. Tinanguan niya ito at nginitian pagkuwan. Akmang tatayo na sana siya ngunit nakaramdam siya ng kirot sa bandang paa niya. Napangiwi siya dahil kapag pinipilit niyang makatayo ay kumikirot ang paa niya. Ang sakit.

Napapitlag siya ng biglang may bumuhat sa kanya kaya naman napasigaw siya. Nakakuha ng atensyon ang bahagyang pagsigaw niya.. Including Hunter, para itong nakakita ng multo ng makita siya.

"Stupid." Seryosong wika ni Ice bago inayos ang pagkakabuhat sa kanya na pa-bridal style. Doon lang niya mas napansin ang kabuoan ng mukha ng binata. Chinky pitch black eyes, pointed nose.. perfect jawline at mapulang manipis na mga labi. Para itong isang lalaki na kasama sa grupo ng mga Kpop boy band group sa Korea.

"Put me down." Utos nito sa binata. Ngunit para naman itong walang narinig.

"Why would I?" Aniya.

Nag-give way ang mga tao dahil sa kanila. Naglapitan na rin sina Kay at ang iba pang mga kasama nila kanina.

"What happened?" Untag ni Kay. Pero sa halik na sagutin ay nilampasan lang siya ni Ice. Napa-roll eyes na lang talaga siya sa inaasta ng lalaking ito.

"Ice.. ibaba mo na ako." Mahinang wika nito sa binata.

Katulad kanina hindi pa rin siya inintindi ng binata. Binuhat siya nito hanggang makarating sila sa labas ng Eclipse. Tumigil sila sa itim na BMW mukhang ito ang sasakyan ng binata.

"Ganyan ka ba katanga? Mag-si-CR ka lang na-sprain na agad? Masyado ka naman atang vulnerable." Parang itong magulang na minumura ang anak. Tinanggal nito ang pumps na suot niya bago sinimulang hilutin ang kanyang paa. Panaka-nakang napapa-aray siya dahil sa sakit.

"Diko lang kasi napansin." Bumuntong - hininga siya bago muling sinulyapan ang binata na ngayon ay seryosong seryoso sa ginagawa nito. "E, ikaw ba ganyan talaga? Bastos masyado magsalita." Inirapan niya ito. Tumunghay ang binata at tiningnan siya sa mata.

Awkward.

"I'm not a goody good boy." Wika naman nito.

Naputol ang titigan nila ng biglang may nagsalita sa likuran nila.

"Let's go Jimena."

Biglang kumabog ang dibdib niya dahil sa boses na iyon. Sabay silang tumingin ni Ice sa pinanggalingan ng boses.

"H-Hunter.." mahinang tawag niya sa pangalan nito. Kita niya ang pagdidilim ng mukha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reakyon ng binata.. at isa pa, 'di ba dapat ay ando'n ito sa loob at inaatupag nito ang babaeng kanina lamang ay kahalikan nito?

Tumayo si Ice at pumantay kay Hunter.. nagsukatan ang mga ito ng tingin. "Who are you? Are you his brother or what?"

"No. I'm not his brother..." sagot ni Hunter. "--but I'm his fiance." Napanganga naman siya sa naging sagot ni Hunter. F-fiance? Huh?

Dinangi nito si Ice at agad na lumapit sa kanya bago siya binuhat. Muli niyang tiningnan si Ice na ngayon ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa ni Hunter.

"Sino 'yon, Jimena?" Seryosong tanong ni Hunter sa kanya.

Tiningnan niya ang binata. Nakakunot ang noo nito tanda na asar o galit na ito. Pero bakit naman ito magagalit? Nagseselos ba ito dahil sa ginawa ni Ice sa kanya kanina?

Nakita niya ang pamilyar na Mustang nito na nakaparada hindi kalayuan sa kotse ni Ice agad nitong binuksan ang pintuan ng kotse at isinakay siya sa loob bago nito sinimulang paandarin ang sasakyan.

Mabilis na pinaharurot ni Hunter ang kotse. Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse. Napapikit siya dahil pakiramdam niya ay lilipad na ang kotse anumang oras sa sobrang bilis ng takbo ni Hunter. Sa sobrang takot at kaba ay napaiyak na siya. Unti unti naman bumagal ang takbo ng kotse  hanggang sa tumigil na ito ng tuluyan. Hinawakan ni Hunter ang kamay niya at pinakatitigan siya.

"I'm sorry.." mahinang usal nito pero patuloy parin ang mga luha niya sa pagpatak. "Baby..." alo nito sa kanya.

Lumapit ito at dinampian ng halik ang kanyang noo bago pinahid ang luha niya.

"I'm sorry." Hinging paumanhin nito sa kanya. "Natakot ba kita? It's just..." Tumigil ito sa pagsasalita at kinagat ang sariling labi. Para bang hirap na hirap itong sambitin ang sasabihin niya.

"W-what?" She asked.

"I'm jealous.."

Napaawang ang labi niya sa huling katagang binanggit nito.

GUSTO na ata niyang magtatalon sa kama at umirit dahil sa sayang nararamdaman kaso ay baka naman kuritin siya ni Nana sa singit dahil dis-oras na ng gabi. Muli na naman nag-echo sa pandinig niya ang salitang sinabi ni Hunter sa kanya kani-kanina lamang. Muli siyang gumulong sa kama dahil sa kilig na nararamdaman.

Nagseselos ito! My epekto ito sa kanya. Oh my God! Nagpapadyak siya dahil sa kilig na nararamdaman. Muli siyang humiga at niyakap ang teddy bear niya. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya dulot ng sobrang kasiyahang naramdaman. At ngayon lang ata siya matutulog ng ganito kasaya..

Sa tagal nilang magkasama ni Hunter, ngayon lang ata siya tutulog ng may ngiti sa labi.

No Strings Attached Where stories live. Discover now