"Ice," Binalingan nito ang lalaking masungit na katabi niya at ngumuso na tinuro siya ngunit gaya kanina ay hindi pa rin siya inintindi ng binata.
"Psh." Nadinig niyang wika ng katabi niya. Tiningnan niya ito at patuloy parin ito sa pag-inom ng tequila? Pansin niya ang ilang shot glass na naroroon sa lamesa nila halatang ito ang shumot lahat ng iyon.
"Hey." Bati niya rito. Medyo awkward kasi ang feels. Seryosong tumingin ito sa kanya. Whoa! Those pitch black eyes screams something.
"I don't talk to strangers, so back off." Napanganga naman siya sa sinabi nito. A-Ano raw? S-Strangers? Siya? Stranger?! Aba'y kainaman naman itong herodes na ito!
"Hey, don't be too harsh on me! I'm just being friendly here!" Sigaw niya sa kausap. Aba'y talagang nag-iinit ang dugo niya sa asal nito. Napakayabang at arogante. Mas lalo atang sumulak ang dugo niya nang makita niya ang ngisi sa labi ni gago.
"Well I don't need a friend." Sagot nito sa kanya. Inirapan niya ito at agad na inagaw ang iniinom nito at mabilis na nilagok iyon. Gumuhit sa lalamunan niya ang lasa ng alak na ininom. Napangiwi siya sa mapait na lasa na iyon. Ang init sa lalamunan.
Halata ang gulat sa mukha ni Ice. Bahagya pang nakaawang ang mapula at manipis na labi nito.
"Hey. Wag kang mangaagaw ng dr--.." Hindi nito muli natapos ang sasabihin ng agawin ko ulit ang alak na hawak niya.
Wala siyang pakialam sa sinasabi nito. Nagsimula na siyang mag-enjoy sa pag-inom ng alak na ito. Parang habang tumatagal ay sumasarap iyon.
Nang iinumin na niya ang pa-apat na shot ay agad nitong inagaw sa kanya ang shot glass kaya naman natapon 'yon sa dibdib niya. Napakagat siya sa labi dahil sa alak na natapon. Dahil nabasa ang suot niyang tube ay bumakat ang dibdib niya.
"Look what you've done!" Singhal nito sa binata.
Nagulat naman siya ng bigla siyang hagisan niyo ng panyo.. shoot sa mukha niya. Imbyerna talaga!
Tumayo siya at kinuha ang panyo na hinagis ng binata sa kanya bago naglakad patungo sa Cr. Nakipagbalyahan siya sa dagat ng tao. Ilang beses atang natapakan ang kanyang mga paa dahil sa siksikan ngunit hindi na niya iyon alintana dahil gusto niyang makarating na sa CR. Ngunit bago siya tuluyang makarating ay may pamilyar na tao siyang nakita sa hindi kalayuan. Tumigil siya at pinagmasdan mabuti ang bulto ng katawan na iyon... hindi siya maaring magkamali kung sino iyon.
Si Hunter... and he's kissing a girl.
Pakiramdam niya ay humina ang malakas na tugtog sa paligid, nawala rin sa isip niya ang napakaraming tao. Isa - isang nagpasukan ang mga katanungan sa isip niya. Ang sabi nito ay busy ito sa meeting? Napatawa siya ng mapakla sa kaisipan na iyon. Ano kayang nangyari sa meeting na sinasabi nito sa kanya kani-kanina lamang? May ka-meeting siya at dito ang place? That's odd. At para ma-close ang deal kailangan halikan? Gano'n ba iyon? Halo-halo na ang mga katanungan sa isip niya ngunit alam naman niya na hindi iyon masasagot nino man kundi si Hunter lamang.
Pakiramdam niya ay gusto niya itong sugurin at pag-umpugin. Pero alam naman niya sa sarili niya na wala siyang karapatan para gawin iyon. Wala siyang karapatan para mag-demand. After all she's just his freakin' FUBU. Nothing more, nothing less. Sa kama lang naman sila may relasyon, other than that wala na.. wala siyang karapatan manghimasok sa buhay nito. Dahil hindi naman siya pinilit nito sa sitwasyon nila.. kusa siyang bumigay.. kusa siyang nagpakatanga kaya dapat magtiis siya sa kung ano lang ang kayang ibigay nito sa kanya.
Dahil abala siya sa pag-iisip ay hindi niya napansin ang isang babae kaya't nadanggi siya at napaupo sa malamig na sahig na nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad.
KAMU SEDANG MEMBACA
No Strings Attached
RomansaJimena Benitez is inlove with Hunter Santilian---her twin sister's boyfriend. Kaya naman ng abandonahin ng kakambal ang binata at nagkaroon siya ng tsansa na mapansin siya nito ay walang pagdadalawang isip niyang sinunggaban iyon. Pumayag siya sa ka...
