Harrassment

27.9K 678 36
                                    

We met Marvin's brother Dustin and we will see kung paano gagawing nakakabaliw nito ang buhay niya but before seeing that let's see kung paano kikilos siya sa harap ng boss niya

Picture of Marvin Santillan on the right===========>>>>>>

Song is No Touch by Juan Dela Cruz

===============================================================================

CHAPTER 7

Marvin's POV

I woke up the following day quite confused nang maramdamn ko ang isang mabigat na bagay sa bandang tiyan ko at muntik-muntikanan na akong nagpanic dahil naisip kong baka nagawa ko na naman ang makipag sex sa hindi ko kakilala ngunit agad din iyong nawala nang makita ko ang mukha ni Dustin saka lang bumalik sa akin ang nangyari.

Biglang napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa tagiliran ko and then it hit me kaya naman agad kong tinanggal ang hita nito na nakapatong sa akin.

"Damn." bulong ko nang mapansin kong five thirty na pala kaya dali dali akong dumiretso sa kusina kung saan ko naabutan ang Mommy ko na abala sa paghahanda nang almusal.

"Mabuti pang maligo ka na muna Marvin, malapit na din itong maluto, nga pala iyong kapatid mong hilaw tulog pa ba?" tanong nito, hindi ko agad sinagot ang tanong nito at sandaling tinignan ang niluluto nitong sinangag at danggit.

"Tulog pa po." maikli kong sagot dito. "Pero iyong junjun niya gising na." mahina kong sinabi dito.

"Ano kamo?" nagtataka nitong tanong, hindi ko naman akalain na madidinig pa din nito ang huling sinabi ko kahit sobrang hina na ang pagkakasabi ko.

"Wala po." pagkakaila ko at dali dali nang pumasok sa banyo bago pa magtanong uli ito, agad akong nagbuhos nang tubig sa katawan trying to shake the drowsiness that I'm feeling, sobra kong naenjoy ang malamig na tubig kaysa sa mainit na tubig dahil mas lalo akong nagigising.

I took my taking a shower at pagkalabas ko nang banyo ay agad kong napansin ang supposed to be half brother ko na nakaupo na sa lamesa kung saan ito pinagsisilbihan nang sarili kong ina.

"Wait! Sino ba ang tunay na anak dito?" sa loob loob ko nang magdecide akong sumabay na sa almusal nila.

"Good morning big brother." nakangiti nitong bati sa akin na para bang at home na masyado sa bahay namin kahit na nga ba kakadating lang nito kahapon.

"Morning." maikli ko namang bati dito.

Agad akong kumuha nang mga hinanda nang Mom ko, garlic rice at danggit, bigla akong nakaramdam nang gutom lalo na't amoy na amoy ko ang bawang sa sinangag na niluto nito, lalo na at hindi pa din ako nakakain nang maayos kagabi, I mean sino ba naman makakain nang maayos kapag nakilala mo ang kapatid mo sa ama.

Naisipan kong kumain nang nakakamay kaya sandali akong dumiretso sa lababo at naghugas nang kamay dahil sa ganitong pagkain ay masarap ang magkamay.

Hindi ko naman maiwasang mapansin ang binata na pinapanood ako sa pagkain, and somehow it amuses me seeing him trying to copy the way I eat, eating with his bare hands, naalala ko tuloy iyong commercial ni Phil Younghusband sa isang soysauce brand at sobrang pagpipigil ako para hindi tawanan ang epic fail na pagkakamay nito.

"Look at me closely, ok?" I said and showed him the right way to do it, and it took him five more tries before he finally got the hang of it, well just barely but still good for a newbie.

Matapos kumain ay agad akong nagtoothbrush bago umalis nang bahay at pumasok sa opisina.

"Mom una na po ako, pasok na po ako sa trabaho." sigaw ko sa Mom ko na nasa kusina pa din at nagliligpit nang mga pinagkainan namin.

I Lost my Virginity to a Stranger (BoyxBoy) EDITINGWhere stories live. Discover now