In The Same Room

24.1K 534 28
                                    

Hello guys, kaway kaway as usual wala pa ding pic and video to pero since sira pa din computer hehe...

Nakita niyo kung pano na love at first sight ng dalawang beses si Dustin at ang mas nakakabaliw ay nainlove siya sa kambal kay Julia and Jonathan and still thinking kung gawan ko ba silang tatlo ng kuwento or hindi we will see but for now let us see ang company outing ng Fajardo Advertiding Company.

Picture of Marvin Santillan on the right=========>>>>>>>

Song is Alone with you by Jake Owen

===============================================================================

CHAPTER 13

Marvin's POV

Sakay kami nang nirentahang bus nang kumpanya patungo sa Zambales, sobrang excited na akong makarating sa pupuntahan namin dahil na din sa kailangan kailangan ko nang magrelax sa daming bagay na nangyari at nangyayari sa buhay ko.

Una na ang naging break-up ko kay Brix, pangalawa ang pagkawala ko sa virginity ko sa isang estranghero na boss ko pala pangatlo sa half brother ko na mukhang nainlove sa bestfriend ko.

"Hey Marvin try to loosen up a bit para namang burol ang pupuntahan natin at hindi outing, come on relax we deserved this." ang sinabi sa akin ni Angie matapos sigurong mapansin ang hindi maipintang pagmumukha ko.

"Kung alam mo lang kalahati man nang pinagdadaanan ko." I muttered just to myself and instead of answering I just gave her a smile at agad iyong nawala nang makita kong titig na titig sa akin si Xavier na para bang may iniisip na hindi maganda sa paraan nang pagkakangiti nito.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa ngiting nakikita ko sa damuhong si Xavier na ito, na para bang may mangyayari na hindi ko magugustuhan at labag sa loob ko.

Sa wakas nakarating na din kami sa destinasyon namin which is Capones Vista Beach Resort, at hindi ko napigilan ang sarili kong humanga sa ganda nang lugar, isa iyong magandang resort na makikita ang dagat hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakapunta ako sa beach, kasi naman nang makapagtapos ako nnag pag-aaral ay agad akong nagsimulang magtrabaho.

"The hell with Xavier Fajardo and his very sexy smile, I will not let him ruin my time to relax." confident kong sinabi sa sarili ko at iyon ang plano kong gawin.

Naunang pumasok si Sally sa loob para maasikaso ang mga tutuluyan naming mga kuwarto na inabot din nang twenty minutes at matapos nga non ay pinamigay na nito ang mga susi na may kasamang numero para kanya kanya naming kuwarto.

"Ok guys listen up, tatlong tao kada kuwarto at bandang seven ay meron tayong reservation para sa dinner kaya puwede niyo na munang gawin ang mga gusto ninyong gawin, kaya let's enjoy!" masaya nitong sinabi na sinundan namin nang lahat nang sigawan.

Mas pinili ko na munang tignan ang kuwartong titirhan ko nang apat na raw, pinili ko ang kamang nasa pinaka kaliwang bahagi nang kuwarto na malapit sa bintana at agad kong napansin na wala pa ang mga makakasama ko sa kuwartong iyon matapos ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at niluwa non si Jason na kateam ko din sa creative department.

Actually bisexual si Jason at guwapo din naman masyado nga lang mahilig at active sa sex at makailang beses ko na din itong tineturn down para sumama dito sa kama dahil hindi naman ako ganoong tao,  nawala nga lang ang virginity ko dahil sa pesteng alak na yan. Pero infairness kay Jason ay talaga namang guwapo ito, ito iyong mga tipong boy next door look.

"Hi Marvin tayo pala ang magkasama sa kuwarto, wala pa ba iyong isa pa nating kasama?" tanong nito nang mapatingin ito sa bakanteng kama.

Nagkibit balikat lang ako sa tanong nito at agad kong napansin ang pilyong ngiti na sumilay sa labi nito.

I Lost my Virginity to a Stranger (BoyxBoy) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon