Alamat ng Bulaklak

19.2K 42 54
                                    

Noong unang panahon may isang prinsesang may napaka gandang buhok na ibat iba ang kulay siya'y nag ngangalang Prinsesa Buna at sya'y umiibig ng palihim sa kanilang hardinero na si Lakal. Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin at naiisip ng kanyang ama na mahilig lamang ang prinsesa sa mga bulaklak. Ngunit hindi iyon ang pinupunta nya sa hardin, pinupuntahan nya si Lakal na laging gumagawa ng sari saring pabango na gustong gusto ng prinsesa amuyin at gamitin dhil sa kakaibang amoy ng pabangong gawa ni lakal. Ngunit isang araw ay nahuli ng hari ang dalawang naglalakad sa hardin ng magkahawak ang kamay agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa ay umiibig sa isang hardinero kaya isinekreto nya sa kanyang anak ang plano nyang pamamaslang kay Lakal. Inutusan ng hari ang kanyang isang kawal na pagdating ng gabi ay dpat ipatapon si lakal sa kagubatan at iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng kawal ang utos ng hari at agad na iniwan si Lakal sa gitna ng gubat. Si lakal ay namatay at ang prinsesa ay inantay ang pagdating ni Lakal sa hardin ngunit hindi nya nakita ang binata hanggang magdilim. Kaya ilang araw na nag-antay si Buna at hindi siya kumain o naligo nihindi rin sya natulog at kinaumagahan ay inaantay parin nya si Lakal. Isang araw, ay naisipan ng prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit siya'y nang hihina na. At paglias ng ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak na si Buna. Pumunta syang hardin kung saan nagpupunta si BUna upang antayin si Lakal. Ngunit ang nasilayan nya lmang ay ang isang malagong halaman na may ibat ibang kulay at ibat ibang uri ng halaman napansin nyang ito ang kulay ng buhok ng kanyang anak na nagrebelde at nagpakamatay. At kasing bango ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman. Nasa huli plagi ang pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak. Pinangalanan nya ang halaman na Bunalak at kalaunan ay natawag na Bulaklak.

Ito po ay sarili kong gawa kaya kung maaari ay mag paalam muna kayo sa akin kung kukunin o gagamitin nyo ang aking storya at ako na ang bahalang mag copy ng story ko at imemesage ko na lng sa inyo. Mag comment na lng ang gagamit g storya ko pwede ren kayong mag suggest ng lamat at gagawin ko kaagad. Salamat. Follow po at Vote Thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat Ng BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon