Prologue

3 0 0
                                        

I'm so tired after dancing for hours just to throw away all my problems, but it still didn't help, so I need to wipe it away with alcohol this time.

"One Black Label shot, handsome," wika ko sa bar counter, may kasabay pa na wink sa bartender.

Hindi ko siya maaninag masyado dahil wala akong salamin na suot, at blurred na rin ang paningin ko dahil sa hilo.

Agad din akong binigyan ng shot ng bartender, pero mukhang hindi siya masaya sa trabaho niya dahil hindi man lang ngumingiti o nagsabi ng thank you sa pag-order ko.

Tinungga ko agad ang shot glass na nasa harapan ko at pina-slide ito ulit pabalik sa lalaki. "One more."

At ang one more ko na iyon ay nasundan nang nasundan hanggang sa tuluyan na akong nalasing.

"You know, you're kinda handsome sa eyes ko," tinuturo ko ang mukha ng lalaki habang pinanliliitan siya ng mata.

Wala siyang reaksyon na ibinigay sa akin. Hindi talaga interesado. Ouch, ha.

"Are you gay? Hindi ka ba interested sa babae?" I think I hit a nerve dahil sa sinabi kong iyon ay nagawa kong mapa-react ang lalaki.

Taas-kilay niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "I don't see the point of talking to a girl like you. That's the general answer for all your questions. No need to expand that."

Nasamid ako at napanganga sa sagot niya, hindi dahil sa ganda ng accent ng English niya kundi dahil sa sakit ng sinabi niya. Medyo tumagos 'yon, ah. Napa-tingin tuloy ako sa sarili ko.

I'm wearing a so, so, so revealing dress that's acting like my second skin because it's hugging my body so perfectly. I'm leaning against the bar counter, so my cleavage is obviously greeting the bartender guy.

"Oww..." Napaayos ako ng upo. "Judging a girl because of her outfit? Can't you see the other girls wearing revealing outfits too-"

"Just shut your mouth!" Iritado niyang sabi.

"Ano bang problema mo at parang galit na galit ka sa mundo, ha?! Bakla 'to."

Tinitigan niya ako ng masama, dahilan para mapalunok ako nang malalim.

Na-offend ba siya sa sinabi kong bakla?

Bakla kaya talaga siya?

"I'm not gay." Direkta niyang sabi na para bang nabasa niya na ang iniisip ko.

"I'm not saying anything, too defensive. It's kinda sus, huh?" Sabay irap na natatawa.

"Will you marry me?"

Nalaglag nang sobrang laki ang panga ko sa narinig. "Ha?!!"

"Don't make me repeat it. Nasusuka ako sa idea."

"Ano bang trip mo, ha?! At parang naka-singhot ka ata. Hoy, may trabaho ka pero sabog ka."

Napailing na lang siya at hindi na sumagot.

"Nag-aadik ka ba? Paano ka nakapasa sa trabahong 'to? Binayaran mo yung pa-medical mo, no?" Sunod-sunod na tanong ko na kinasalumukot ng mukha niya.

"The fuck? Mongoloid ka ba?"

"Ay, aray mo."

"Ano?" Tanong niya na parang may hinihintay na sagot.

"Anong ano?" Balik kong tanong sa kanya.

"I said, will you marry me? Ano, gusto mo ba?"

"Eh, bakit nga? Lakas ng tama mo. Na-in love ka ba agad sa akin dahil dinadaldal kita kanina pa?"

"No."

"Ah... matagal mo na akong gusto, tapos sinusundan mo ako lagi? Tapos ngayon na-feel mo na ito na ang perfect time?" Nangingisi-ngisi na ako sa naiisip.

Lasing na lasing na nga ako, hindi na ako marunong mahiya, eh.

"Mongoloid nga. Confirmed."

"Eh, ano nga!? Bakit nga gusto mo ako pakasalan?!" Excited pa sa sagot niya na hindi man lang nasaktan sa huling sinabi niya.

"Because I don't have a choice."

Napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang inatras ang ulo. "Ay, wow!"

Siya naman ay napahilot sa sintido.

"Tangina, bakit kasi kailangan pa," bulong niya. "Ano? Papakasalan mo ba ako?" Napapa-Tagalog na siya sa stress.

"Ehhh..." Siguro nangi-trip lang naman 'to. Baka social experiment 'to?

Tumingin-tingin ako sa paligid, baka may mga nakatutok na camera, kaso wala. Pero may mga CCTV akong nakita. Siguro 'yon yung mga camera nila.

Tangina, social experiment nga 'to. Sakto, kailangan ko ng pera pambayad sa utang ko. Ang lakas ng kutob ko, magkakapera ako ngayong gabi.

"Oh, sige! Papakasalan kita basta bigyan mo ako ng pera." Nakangiting aso kong sabi. After kong mag-agree dito at mapatunayan niyang mabait akong tao, aamin 'yan na it's a social experiment lang, tapos bibigyan niya ako ng pera.

Hay!!!! Umiikot na ang paningin ko. Teka, ano ba 'tong buhok ko? Ang gulo.

"I'll give you everything you want. Just marry me tomorrow."

Nabalik ang atensyon ko sa kanya.

"K, fine! Kiss the bride na, yowhoo!"

Nagbu-blur na siya sa paningin ko, pero tinungga ko pa rin ang isa pang shot ng Black Label hanggang sa tuluyang mag-black out ang paningin ko.

The Eyes of my FatherStories to obsess over. Discover now