Prologue

22 1 0
                                        

ELIAS GAVIN ALDEGUER

______________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



______________________________

Umuugong ang buong Saint Jude Academy sa bawat yabag ng apat na lalaking naglalakad parang may-ari ng unibersidad. Sa unahan ay si Elias Gavin Aldeguer—ang epitome ng lalaking gigibain ang mundo para lang sa luho niya. Nakatupi ang itim na t-shirt sa kanyang braso para ilantad ang full-arm tattoos, nakalawit ang maliit na hikaw sa kaliwang tainga, at ang mga matang amber ay laging may mapanganib na ningning.
Kasama niya ang kanyang tropa at pinsan na din na sina Ethan, Dom, at Raze na walang tigil sa pagtawa habang pinagkakaguluhan ng mga babaeng estudyante at propesor. Para kay Gavin, ang buhay ay umiikot lang sa tatlong bagay: karera ng sasakyan, pagbabanda kasama ang Dacks Band, at ang walang katapusang pagpapaibig. Wala siyang pakialam sa mundo, kahit pa sa sinasabi ng kanyang ama na si Don Luciano tungkol sa pag-aasawa nitong muli. Ang hindi niya alam, ang stepmom na tinatawag niyang "Mama Alina" ay may dalang sikreto—isang anak na babae mula sa probinsya na magpapagulo nang husto sa kanyang perpektong imperyo.

Sa kabilang dako, sakay ng isang pampublikong bus papuntang Maynila, abot-tenga ang ngiti ni Jassy Rendez habang hawak ang kanyang paboritong helmet. Dyosa kung titingnan dahil sa maputing balat, mahabang wavy na buhok, mapupulang labi, at natural green na mga mata, pero astig kung kumilos dahil naka-oversized jacket at maong pants. Bagong buhay, bagong eskwelahan, at bagong yugto kasama ang kanyang Mama at ang bagong step-dad na si Don Luciano. Ang tanging bilin ng kanyang ina bago siya sumakay ay maging mabait sa kanyang step-brother na si Elias Gavin Aldeguer—isang pangalang paulit-ulit na binanggit sa kanya noon pa man. "Sana naman hindi kasing sungit ng pangalan niya ang hitsura ng gagong 'to," bulong ni Jassy sa sarili habang pumapadyak ang mga paa sa excitement. Hindi niya alam, ang simpleng pagtuntong niya sa mansyon ng mga Aldeguer ay hudyat ng simula ng pinakamalaking kaguluhan—at pinakamatinding pag-ibig—ng buhay niya.

_______

My Forbidden Pleasure Stories to obsess over. Discover now