The Jerk: Special Chapter

Start from the beginning
                                    

"Umuwi na ako. Namimiss na kita eh." sagot niya.

Pinagmasdan ko siya habang binababa niya ang dalang pagkain sa mesa sa tabi ng bowl ng popcorn ko. I know we are more than a couple with a two months relationship. Matagal naming hinintay ang isa't isa. Pero hangang ngayon, kapag seryoso siyang ganyan, hindi ko parin maiwasang matigilan.

We often talk about what we have during nights like this, kapag nandito siya sa apartment. Sometimes he talks about a few plans, plans for the future, plans with me. Minsan pabiro, madalas seryoso. It's like Ashton has been waiting for this all along, the same way I waited for him.

Pumunta siya sa kusina, sanay na sanay na siya sa apartment na ito. Lagi siyang nandito at halos alam na niya ang bawat sulok at kung saan makikita ang mga gamit. Kumuha siya ng dalawang kutsara saka muling lumabas.

Binuksan niya ang dalawang tub ng ice cream at maging ang box ng pizza. Saka siya pabagsak na umupo sa sofa tulad ng lagi niyang nakasanayan. "Anong pinapanood mo?" tanong niya habang kumukuha ng isang slice ng pizza. Tumabi na din ako sa kanya sa sofa.

"The Notebook."

"Kaya pala ganyan ang boses mo. Umiyak ka nanaman siguro, ano?" Humarap siya sa akin habang nakangisi at ginulo ang ibabaw ng buhok ko gamit ang free hand niya. "Ikaw talaga."

Muli kong ni-play ang movie at umupo ng komportable sa tabi ni Ashton. Kinuha ko ang avocado ice cream at nagsimulang mag scoop doon. Ilang minuto din ng katahimikan ang lumipas bago ako muling nagsalita.

"Anong oras ka dumating mula Batangas?" tanong ko bago sumubo. Derecho ang tingin ko sa screen habang kumakain at ganoon din si Ashton. Pero tila ba may iba pa siyang ini-isip maliban sa pinapanood at kinakain niya.

"Kanina lang." sagot niya habang kumakain. "Dumaan lang ako sandali sa Pizza Hut at convenient store bago ako dumerecho dito."

Napapaused ako sa tangkang pagsubo ng ice cream. "Nagpahinga ka sana muna." nakasimangot na sinabi ko.

Bahagya siyang humalakhak bago napalingon sa akin. "This is the only kind of rest I want." sagot niya. "Ikaw, napagod ka ba ngayong araw?"

Umiling ako. "Maghapon akong gumawa ng lesson plan at mga activities para sa mga bata. Dumaan din si Mindy kanina."

"Hwag kang masyadong magpapagod, Delia." sagot niya. Naubos niya ang kinakain at pinunasan ng tissue ang kanyang kamay. Saka siya sumandal sa sofa at bumuntong hininga.

Pinagmasdan ko siya, bahagyang nagtataka. Anong meron? Bakit mukhang wala siya sa sarili? Bigla siyang humarap sa akin, ngumiti, at sumandal sa balikat ko na parang bata. His right hand found its way through my waist, pulling me closer. Maya maya pa, nagsalita siya, tanong na hindi ko inasahan.

"Delia, noong nawala ako ng anim na taon, namiss mo ba ako?" tanong niya. "Naisip mo ba na baka hindi na ako bumalik? Na maghanap ka nalang iba?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pinatong ko sa mesa ang hawak kong ice cream at bahagyang napalingon sa kanya, pinagmamasdan siya, habang derecho ang tingin niya sa TV screen.

"Kasi ako hindi." sagot niya. "Hindi ko kailanman naisip na maghanap ng iba." Tila wala na siyang pakialam kung naririnig ko pa ba ang sinasabi niya o hindi. Tila nagsasalita siya para sa sarili niya.

"Titingnan ko palang ang picture mo na pinadala ni Micko, sapat na." Inabot niya ang kamay ko at tila pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. "Pasko, bagong taon, birthday mo, graduation. Lahat ng mga yon, ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na umuwi dito."

Bahagya siyang napa-paused na tila ba inaalala ang mga panahon na yon.

"Minsan magpapa reserved na ako ng ticket kasi hindi ko na matiis. Pero maaalala ko ang pangako ko sa sarili ko at ang tahimik na pangako ko sayo. Babalik lang ako kapag maayos na ang buhay ko, kapag may pwede na akong ipagmalaki, kapag karapat dapat na ako sayo."

Naging tahimik ako. Maging ang pinapanood ko ay nawala na sa isip ko.

"Kahit umuwi ang Ama ko dito, hindi ako sumasama. Winter vacation doon pero nagrereview ako para sa exams. Kapag napapagod na ako, tititigan ko ang picture mo at magiging okay na ako ulit."

"Ashton..."

"Humihingi ako ng pictures mo kay Micko. Gusto gusto kong tingnan ang picture mo noong high school at college graduation niyo. Ang saya mong tingnan sa mga yon. Pinakita ko nga sa mga kasamahan ko. Gusto kitang batiin at sabihin na sobrang proud ako sayo."

Tila may kung anong masakit na pakiramdam ang bumalot sa akin. Ashton.

"Alam mo ba, noong nakita kita sa Hospital six years ago, noong nagising ako, hindi ko alam kung bakit familiar ka sa akin."

Doon ako tuluyang natigilan. Sa loob ng dalawang buwan, isa ito sa topic na tila iniwasan naming mapag usapan. Ang importante, naalala niya ako sa bandang huli. Pero kung kailan? Kung paano? Hindi ko alam.

Ang sabi ni Lala, magiging isang malabong panaginip nalang ito para sa kanila. Tulad ng mga panaginip na hindi mo maalala pag gising mo, pero alam mong meron. Pero naalala ako ni Ashton.

"Kasama mo noon si Micko, bagay na bagay kayo. Kaya hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin.

"Pupunta na akong London pero ikaw parin ang nasa isip ko. Wala na akong balak bumalik noon pero nagbago ang lahat ng decision ko noong makita kitang umiiyak sa swing."

Natense ako at naramdama yon ni Ashton kaya napatigil siya sa paglalaro sa mga daliri ko. Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito ngayon? Naramdaman kong bumuntong hininga si Ashton at nagpatuloy.

"Tinitigan kita habang umiiyak ka. Hindi ko alam kung paano, pero doon ko naalala ang lahat. Gusto kitang lapitan at kausapin. Pero hindi ko magawa. Ako yong taong ilang beses nagkapaiyak sayo, ako yong ginustong tapusin ang sarili kong buhay. Pakiramdam ko madudumihan ka lang sa akin."

Bahagyang ngumiti si Ashton.

"Kaya gumawa ako ng decision. Babalik ako. Babalikan kita. Aayusin ko ang sarili ko ang babalikan kita. Noong iniwan mo ako sa playground, mas matindi ang sakit na nararamdaman ko, dahil alam kong kailangan kong magtiis ng ilang taon bago ka muling makita."

Tuluyan akong humarap sa kanya. "Ashton, w-why are you telling me these things now?" tanong ko. Kinakabahan na ako. "A-Ano bang nangyayari?"

Humarap siya sa akin at pinagmasdan ang mukha ko. "Delia?" Napakurap ako sa seryosong titig niya.

"Magiging makasarili ba ako kapag sinabi kong gusto ko sa akin ka lang? Akin ka lang, hah? Hindi ko na yata kayang mawala ka."

Wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Ashton, hindi mo kailangang makiusap dahil hindi ako kailanman mawawala sa tabi mo.

"Delia?" muling tanong niya.

"Y-Yes?" I almost breathe.

"Pakasalan na kaya kita?"

***

Author's Note:

Bitin pero namiss ko lang talaga sila hahaha. Affected kasi ako sa mga comments na nabasa ko these past few days. Kailangan maglabas ng feels lol. So ayan, okay na ulit ako so this ends here. Thank you for reading! #DelTon

You can also check my new story Something Spectacular. It's my first teen fiction story so sana mabasa niyo. If you love TJIAG, I'm sure you'll also enjoy this one. See you there!

@april_avery

The Jerk is a GhostWhere stories live. Discover now