REVENGE
Note; Ang kuwento na ito ay hindi ordinaryo kaya huwag masyadong magalit sa author. 🤗
[ Ang Simula]
Pagkahulog sa ikailaliman ang nararamdaman ko, patungo sa walang katapusang lagusan. Wala akong maramdaman kung hindi galit at paghihinagpis.
Maranasan ang iyong kamatayan sa kamay ng taong iyong pinagkakatiwalaan.
Punong-puno ng pagkagulat ang sa'kin ay bumalot.
Anong dahilan?
Tanong na sa aking puso ay nanuot.
Habang iniinda ang magkahalong mabibigat na mga emosyon.
Unti-unting bumabalik ang mga alala na hindi ko mahanap ang kasagotan. Sa ako nagkamali?.
Saan ako nagkulang ? Ano ang nakaligtaan? Ano ang mga bagay na hindi ko namalayan?.
Bakit sa ganitong sitwasyon ang aking kinahantungan?.
*****
Malakas na bosena ng sasakyan ang sa akin ay gumalantang kasabay nang malakas na pagbangga sa likod ng aking sasakyan. Mabilis na nag-init ang buong mukha ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang buong paningin ko.
Kasunod nito ay ang pagdidilim ng paligid ko. Wala akong makita. Tanging ang napakabilis na pagtibok ng puso ang gumuhit sa utak ko.
Anong nangyari?
Nabangga ang sasakyan ko? Pero napakaingat kong magmaneho.
Hanggang sa...
Nagising ako sa isang masikip na silid , nakatakali ang mga paa at kamay. Nakatakip ang mga mata pati na rin ang bibig, pakiwari ko'y para bang binuhusan ng mainit na tubig ang buo kong katawan. Nagsimula akong makaramdam ng takot at pagkabahala.
Nasaan ako?
Nagsimula akong mataranta at hindi makahinga. Nakalimutan kong may sakit pala ako na asthma. Naalala kong bigla ang laging paalala sa akin ng boyfriend kong si Bright.
" Huwag mo kasi kalilimutan dalhin ang gamot mo, para hindi ako laging nag aalala sa'yo"
Mahinahong wika nito. Mababasa sa mukha ang lubos na pag aalala. Sa tuwing ginagawa niya ito, nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko.
Ngunit sa mga oras na ito walang P'Bai na mag aalala para sakin. Pikit ang mga mata at pilit na iniinda ang kirot ng buong katawan. Napa-isip ako, mga ilang oras na ba akong nakatali rito? Paniguradong nababalot na ng pag alala ang mahal ko.
Sinimulan kong ikilos ang mga kamay at paa ko at nagbabakasali na makahulagpos sa pagkakatali.
Ngunit kahit anong gawin ko ay sawi akong makalaya.
Pagbilis nang pabilis ang aking paghinga. May kung anong likido ang naramdaman kong tumulo sa mukha ko naglalakbay patungo sa leeg ko.
Marahas na tinanggal ng kung sino ang kung anong nakatakip sa aking bibig kapagkuwan ay sinampal-sampal ako sa mukha bago ito tumawa nang mala-demonyo.
" Gising ka na pala?"
Wika ng isang baritunong tinig.
" Sino ka?"
Nanginginig kong saad. Hindi maitago ang takot ko.
"Ano ba ang kailangan niyo sa akin? Bakit ginagawa niyo sa akin ito? Anong kasalanan ko sa inyo?"
Walang tugon, bagkus ay malakas na pagtawa ang naging sukli nito.
Ilang sandali lamang.
Narinig ko ang pagdating ng mga iba't ibang hakbang. Isang bagay ang nasisiguto ko; marami sila.
"Mabuti at nagising na ang isang iyan, huwag kang mag-alala bata. May makakasama ka rito!"
Mahihimigan mo sa tinig ng nagsalita ang pangungutya.
ESTÁS LEYENDO
Revenge [Vengeful Spirit]
FanfictionSiya si Win Metawin. Pinagtaksilan at pinapatay ng mga taong pinakamamahal ng dahil sa hindi niya maunawaan na rason. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Nagising siya sa bagong katawan. Katawan ng isang taong kahalintulad niya ay paulit-ulit na a...
![Revenge [Vengeful Spirit]](https://img.wattpad.com/cover/415145778-64-k28444.jpg)