Ninety Seconds

38 2 0
                                    

                 

Here you go, the edited (and i hope much better) version. Enjoy! :) Tell me what you think by voting and adding a comment! Constructive criticism is accepted! :)

----------

*kring!*

Narinig ko na naman ang pamilyar na tunog ng school bell. Kumaripas ng takbo ang mga estudyanteng late na sa kanilang klase. Hindi ko maiwasang hindi obserbahan ang mga tao sa paligid ko. Mayroong ngayon palang naisipang kumuha ng libro sa kanilang mga locker, narito rin ang mga matatalino na kakagaling ng library at mukhang kinakabahan kung paano nila maipe-perfect ang quiz mamaya, ang mga guro namin na kakalabas lang ng powder room na mukhang mga espasol sa kakapalang ng kanilang make-up, ang mga janitors na abala sa paglilinis at paglalampaso ng hallways at ako, na naglalakad patungo sa unang klase ko ngayong umaga.

Sa pagpasok palang ng classroom naming ay mapapansin mo ang mga kaniya - kaniyang mga grupo ng mga lalaki at babae. Mayroong mga tahimik, mayroong maingay, at ang hindi mawawala, ang mga pasikat. Naupo na ako at napatitig sa labas.

Kung titignan, hindi mo maiiwasang ikumpara an gaming klase sa isang palengke. Balikan natin ang mga grupo, ang hindi ko lang maintindihan ay yung iba sa kanila, kaharap o katabi lang naman ang kausap pero nagsisigawan pa sila. Bingi ba sila? Hindi naman nawawala sa isang klase ang mga grupo ng lalaki na wala ng alam na gawin kundi ang mag-landian at maglaro sa likurang bahagi ng room. Napagod na rin akong mag-obserba at nilabas ko nalang ang kopya ko ng A Walk to Remember ni Nicholas Sparks.

Hindi raw ako yung tipo ng babae na matalino, popular, yung inaapi at marami pang ibang kategoryang wala naman akong pakielam. Lay low lang ako, tahimik, bahay at eskwelahan lang ang routine ko araw - araw. Wala na akong dinadaanan pang mga kainan o bilihan ng mga pagkain o kung ano - ano pa.

Isa akong third year student.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa hanggang sa makarating na ang una naming guro. Lumipas ang buong araw na tahimik lang ako, may hawak na libro, at labas - pasok ng classroom.

Tumunog na muli ang bell na ipinapamukha sa mga guro na uwian na. Nagsilabasan na ang mga estudyante habang isinisigaw ang mga paboritong linyang: "Uwian na!"

Bago umuwi, nagtungo ako sa library upang ibalik ang librong hiniram ko. Kinuha ko ang card ko at pumunta sa fiction area ng library upang maghanap ulit ng panibagong mababasa. Una 'kong pinuntahan si Nicholas Sparks. Bakit siya na naman? Isa kasi siya sa mga paborito 'kong manunulat. Parehas kami ng nanay ko, sa kamalasan nga lang, pumanaw na aking ina. Nangako ako sa kaniya na babasahin ko lahat ng libro ni Nicholas Sparks para sa kaniya. Ako'y nahuhumaling rin naman sa mga naisulat niya. Dahil hindi siya isang sugar - coating writer, lagi niyang ipinapakita na sa buhay, it's either ikaw ang mang - iiwan o ikaw ang iiwanan. Ganun lang ka - simple. Hindi ko kasi hilig ang pagbabasa ng mga librong malayo sa katotohanan o mga imposible namang mangyari dahil napapaasa ka lang.

Halos trenta minutes na akong nandito sa loob ng library, at halos trenta minutes ko na ring dinadasalan ang mga libro sa shelf. Nakakatitig lang ako sa dalawang libro na nasa pinaka - mataas na parte ng shelf. The Notebook o Best of Me?

Isa ako sa mga taong hindi nabiyayaan ng height. At hindi ko na 'to ikinatutuwa ngayon dahil hindi ko maabot ang mga libro na nasa pinaka - mataas na parte ng shelf. Sinubukan ko muling abutin ang mga libro nang may maramdaman akong nasa likod ko. Tumabi ako sa gilid, nahihiya. Akala ko ay kukuha rin siya ng libro. Hihintayin ko nalang siya umalis bago ko kunin ang mga libro.

Napatingin ako ng makita 'kong kinukuha niya ang mga librong dapat hihiramin ko. Aba madaya! Nagkasalubong ang daan naming at nagkatamaan kami ng tingin. Doon ko napansin na ang ganda ng mga mata niya, purong black, at yung mga pilikmata niyang mahaba, yung kutis niyang napaka - kinis, at yung librong inaabot niya sa'kin. Napatitig pa ako saglit bago ko ma - realize na binibigay niya sa akin ang mga libro. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko na kunin ang libro sa kaniya habang nakatitig ako sa kaniya. Dahan - dahan niyang ibinigay sa'kin ang mga libro.

"S-salamat.."

Hindi ko pa rin maitanggal ang titig ko sa kaniya. Ang ganda kasi ng mga mata niya, isang titig mo lang para ka nang  malulunod. Naglakad na siya papalayo at tuluyan na siyang lumabas ng library.

Sino siya? Bakit ganun nalang ang nararamdaman ko para sa kaniya?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging epekto niya sa'kin. Sa pamamagitan lang ng isang titig, isang napaka - imposibleng ideya ang pumasok sa utak ko, gusto ko ulit siyang makita.

Gusto ko ulit makita ang napaka - puti niyang balat, ang mga mata niyang nakakalunod, at gusto ko na ulit maramdaman ang kaniyang presensiya.

Sa mga sumunod na araw, binabalik - balikan ko ang library at inaabanagan siya. Pero, wala.

Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan, hanggang sa matapos na ang academic year, hindi ko pa rin siya nakikita. Hanggang ngayon, isang misteryo pa rin siya para sa akin. Isang taong hindi lang tumulong sa'kin. Ngunit isang taong nagpatibok ng puso ko.

Pero hindi ko siya nakilala. Kahit pangalan man lang niya ay hindi ko nakuha. Kahit section lang niya. Wala akong kahit na anong alam tungkol sa kaniya.

Hindi ko na pinag - isipan ng matagal ang mga pangyayari sa amin. Malinaw naman sa aking isipan na nakaramdam ako ng pagmamahal para sa lalaking iyon. 

Sa loob ng library.

Sa tahimik na eksena.

Sa loob ng ninety seconds.

A moment.

----------

All Rights Reserved.

Copyright 2015.

Ninety Seconds
written by pilosopongbarbie

Memo PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon