Pagkapasok ko sa classroom, tinginan ulit sila sa akin. Tapos kung ano-ano ulit sinasabi. Hay, kelan pa ba lilipas ang issue na ‘to? Yun bang magiging normal na ulit. Yung hindi na ako sikat. XD
Usually, maingay yung klase. Noted na man din ang class namin na pinaka-maingay. Palibhasa daw kase, Section E. yun, ang saya-saya nila. While ako, dito lang sa seat ko. Nakaupo. Wala akong kaibigan dito ee. Ewan ko ba, I’m not friendly really. May mga kaibigan ako pero nandun sa Korea lahat. Mula nung nag-migrate kami dito, wala na akong naging kaibigan. Kakilala siguro meron.
Masyadong mabilis ang oras. Sa isang iglap lang, noon break na pala. So kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. Nagtitinginan pa rin yung mga nakakasalubong ko. Like—what the fudge? Past is past kaya. Haha. XD
Nakarating na ako sa cafeteria at naupo na. hindi ako bumibili ng lunch. Paano, ang maganda kong nanay palagi akong pinaghahandaan ng lunch. Mabuti na din yun, lablab niya ako ee. XD
<< Red’s POV >>
Nandito ako ngayon sa Cafeteria, looking for that girl named Nicole Eun. Wala lang, gusto ko lang makipagkaibigan sa kanya. Crush niya daw si Zero ee kaya gusto ko rin siyang makilala. Gusto ko nga sanang isama si Zero kaya lang na-bad trip. Tigilan ko daw ang kalokohan ko. Haha, sarap niyang sakalin, mas masungit pa sa babae.
Then, I saw her sa isang table na mag-isang kumakain. So, nilapitan ko na siya.
“Hi.” Bati ko.
Tumingala siya sa akin at ang mukha niya parang nagtataka.
“He—hello. (familiar yung mukha niya.)”
“I beg your pardon?” mahina kasi pagkakasabi niya nung words after ‘hello’.
“Uh—w—wala. ^____^”
“Red.” Then I held out my hand.
“Pink. ^_____^.” Tas tinaggap niya naman ang kamay ko.
“PINK?? O___O I thought it’s Nicole.”
BINABASA MO ANG
'Meant-To-Be' nga ba? [ongoing]
Teen FictionTotoo nga ba ang mga salitang DESTINY at MEANT-TO-BE? - haunteeee loves all you ♥
!['Meant-To-Be' nga ba? [ongoing]](https://img.wattpad.com/cover/5271597-64-k787545.jpg)