laro ng kamatayan 9

86 1 0
                                    

laro ng kamatayan

9

Ilang sandali pa'y nakaangkas na si rose sa motorsiklo ng nobyo at papunta sa bahay nila jeralyn.

alam nilang takot na takot ngayon ang tiyahin nito. ito lang kasi ang kasama ng kaibigan. ang parents nito ay nasa dubai.

malayo pa ay tanaw na nila rose ang isang babae na nakatayo sa labas ng gate nila jeralyn.

alam nilang si tita norie iyon.

nang huminto ang motorsiklo ni arman sa harap ng babae ay agad na silang umibis mula roon.

"tita norie, ano ho bang nangyari?" usisa ni arman.

"hindi ko rin alam. noong una ay naghahanap siya ng silver coin. tanong pa nga siya ng tanong sa akin. tapos nagkulong siya sa kuwarto. akala ko ay nakahanap na siya ng silver coin...."

"tapos ho?"

"narinig ko na lang siyang sumisigaw at umiiyak. parang may kausap siya. kaya pinuntahan ko siya sa silid niya. nagulat ako ng makita kong ginugupit niya ang buhok. parang galit na galit siya." mahabang kuwento ni tita norie sa kanilang dalawa.

"Nasaan na ho siya?" tanong naman ni rose kay tita norie.

"nasa bubong siya ng bahay namin. umiiyak siya roon at sigaw nang sigaw. tapos ay bigkang tatawa at parang may inaaway. hindi ko tuloy alam kung nasisiraan na siya ng ulo."

malakas ang kutob ni rose na hindi nasisiraan ng ulo si jeralyn. na malaki ang kinalaman ng paglalaro nila ng ouija board kaya ito nagkakaganoon.

"puntahan na ho natin si jeralyn." narinig ni rose na sabi ni arman kay tita norie.

kita ni rose ang isang babae na nasa bubong.

si jeralyn.

sumisigaw ito at umiiyak. she's cursing god. kaya alam ni rose na hindi iyon ang kaibigan niya. ang spirit iyon na nakausap nila sa pamamagitan ng ouija board.

isa-isa sila nitong tinatakot.

isa-isa silang sinisira.

at isa-isa silang pinapatay.

ang kaya lang nilang gawin ay matakot. wala silang magawa upang pigilan iyon.

napahinto sila sa paglalakad at para silang ipinako nang umaktong lilipad si jeralyn mula sa bubong.

"jeralyn, don't!" sigaw ni arman.

"jeralyn, huwag...diyos ko..." sambit naman ni tita norie.

pero alam nilang walang naririnig si jeralyn. kung meron man ay hindi ito makikinig.

tumalon si jeralyn mula sa bubong at mabilis itong bumagsak sa semento sa baba.

"jeralynnnn...!!!" sigaw ni tita norie bago ito patakbong lumapit sa duguang katawan ng pamangkin.

si arman naman ay mabilis na kinabig si rose at isinubsob ang mukha ng nobya sa malapad niyang dibdib. 

Matapos mailibing si jeralyn ay hindi na naging normal ang buhay para kay rose.

kunsabagay, buhat pa naman nang laruin nila ang ouija board ay hindi na naging normal ang buhay niya...ang buhay nilang lahat.

lagi silang may kinatatakutan. pero higit ang takot na nadarama ni rose. tatlo na kasi sa mga kaibigan niya ang namatay. silang dalawa na lang ni arman ang natitira.

lagi na siyang dinadalaw ng masamang panaginip gabi-gabi.

madalas kapag lumalabas ay may nakakasalubong siyang lalaki na bigla na lang ngingiti sa kanya. at biglang magiging mukhang demonyo ang itsura.

hanggang sa kinatatakutan na ni rose ang matulog at ang lumabas ng bahay.

the image of the demonic face was not going away. lalo lang lumilinaw sa kanya ang itsura nito. ang nakakatakot na itsura nito.

nanghihina na si rose. nahulog nang husto ang katawan niya. halos gabi-gabi ay wala na rin siyang tulog kaya ang lalim-lalim na ng mg mata niya at nangingitim ang mga gilid nito.

dinala na siya ng lola guada niya sa ilang doktor pero hindi siya napagaling ng mga ito.

kaya ipinasiya ng lola niya na dalhin siya sa faith healer. ang sabi sa kanya ng faith healer ay nalalambungan daw ng evil spirit ang kanyang kaluluwa. ito ang kumukuha ng kanyang lakas at ito rin ang nagpapahina sa pananampalataya niya sa diyos. 

pero sa kaalamang sinabi ng faith healer ay wala itong maitulong pa sa kanya. dahil hindi raw nito kaya ang puwersa ng kadilimang lumukob sa kanya.

ngunit kailangan daw mapaalis agad ang evil spirit na iyon at mapagaling ang kanyang kaluluwa. kung hindi'y tuluyan na raw nitong aangkinin ang kanyang kaluluwa at mamamatay ang katawang lupa niya.

katulad nang nangyari kina conrad, aj at jeralyn.

napakislot si rose nang may dumantay na kamay sa isang braso niya.

"huh!"

"rose, it's me."

nilingon niya ang nagsalita. si arman ang nalingunan niya.

"arman..."

ngumiti ito sa kanya.

"kumusta ka na?"

"i'm not fine."

marahan siyang bumangon at naupo sa kama.

"rose, aalis ako."

"saan ka pupunta?"

"may nakapagsabi sa akin tungkol sa isang faith healer na mahusay magpaalis ng evil spirit. pupuntahan ko siya."

"pero, arman."

ginagap ng nobyo ang isa niyang kamay.

"kailangan ko iyong gawin para sa kaligtasan nating dalawa. isa pa, ayokong nakikitang ganyan ka. gusto kong maging normal ulit ang buhay mo, tayong dalawa...just like before."

napaluha siya sa sinabing iyon ng nobyo. nami-miss na niya 'yong dati. pati ang tatlo nilang kaibigan.

"LARO NG KAMATAYAN"...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon